^

PSN Showbiz

Jenny Illustre, Unlimited Girl

- Veronica R. Samio -
Maaaring pamilyar sa inyo ang kanyang mukha dahil sa komersyal ng PLDT sa TV, posters, billboards at print ads pero, sigurado ako na kapag nakita n’yo siya in person, di n’yo aakalain na siya na nga yung modelo ng PLDT sa kanilang Unlimited Saya edition na sa pinaka-huling series ay nakitang ikinasal kay Marco Alcaraz.

Siya si Jenny Illustre, 27 years old at sa maniwala kayo’t sa hindi ay mas gustong kumanta at mas enjoy umiyak-iyak sa mga drama shows. Paboritong kunin siyang mag-guest ng ABS CBN na kung saan nung 1999 ay nakasama siya sa batch ng Star Circle Quest, kasabay nina Sarah Christophers at Janette McBride.

Nun at magpahanggang ngayon, kumakanta pa rin siya kasama ang bandang Freeway. May gig sila sa V-Day sa Virgin Cafe, kung gusto n’yo siyang makita.

Nakaka-14 na episodes na si Jenny ng Unlimited Saya commercial, kaya nga may bansag na siyang Unlimited Girl. Bagay na titulo sa kanya dahil unlimited din ang kanyang talents. Bukod sa pagiging modelo ng PLDT, isa rin siyang aktres, singer at may Master’s Degree sa Educational Management from St. Joseph’s College.

Naging host din siya ng isang travel show kasama ni Atong Redillas na hinihimok niyang mag-audition sa PLDT. Ito ang Silip at katatapos lamang nilang gawin ang kanilang final episode.

Natatawa si Jenny kapag naaalala kung paano siya nagsimula sa PLDT.

"Nag-audition ako at isang word lamang ang pinasabi nila sa akin, yung word na "Bongga" na kailangang sabihin ko sa iba’t ibang tono at emosyon," pag-aalala niya.

This started her relationship with PLDT na nagsimula sa series na kung saan ay ginaya niya si Marilyn Monroe na inililipad ng hangin ang palda.

"Salamat sa PLDT at nakikilala na rin ako ngayon. Kahit madalas ay di nila alam ang pangalan ko o kung saan nila ako nakita.

Tulad ni Jenny, pwede mo ring ma-enjoy ang unlimited happiness ng PLDT Unlimited call service.

Just dial 10-10-10 to register, open ito 24 hours, seven days a week, may voice prompt na magsasabi sa inyo ng gagawin. For just P50 monthly, mai-enjoy n’yo na ang P10 per call rate. Padadalhan din kayo ng PLDT ng isang CD with songs from popular OPM artists at isang special feature ng wedding of the year.
* * *
Sa Biyernes, 10NG, ABC5, Iba Tayo ikukwento ni Manny Pacquiao ang kanyang buhay sa isang interview ni Loren Legarda. May nabago ba sa kanyang buhay? Alamin ito sa nasabing episode ng Real Stories.
* * *
E-mail: [email protected]

vuukle comment

ATONG REDILLAS

EDUCATIONAL MANAGEMENT

IBA TAYO

JENNY ILLUSTRE

LOREN LEGARDA

MARCO ALCARAZ

PLDT

UNLIMITED SAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with