^

PSN Showbiz

Programa ng QTV 11, isa-isang nawawala!

-
Last airing na ngayong Sabado ang dance show na Let’s Get Aww (10AM) na co-produce ni Joy Cancio at ng QTV 11 dahil hindi na nag-renew ang manager ng Sex Bomb Girls for another season.

"Hirap kumuha ng commercials, e, sabi nila bago raw makakuha, aabutin ng isang taon, e, hindi naman pupuwede ‘yun. Milyones na ang nawawala kay Joy," pahayag sa amin ng taga-GMA 7.

Ang buong akala namin ay tatapusin pa ni Joy ang second season tulad ng napag-usapan namin before, pero bumigay na rin pala siya dahil hindi na kaya ng budget.

Kaya bukas na rin ang una’t huling grand finals ng Lets Get Aww na mananalo ng P100,000 at automatically, miyembro na rin siya ng Sex Bomb dancers.

Bale pangalawa na itong Lets Get Aww na magsasarang programa sa QTV 11 at nauna na ang Pusong Wagi at kung hindi magbabago ang plano ay sa Huwebes, February 8 naman ang last airing ng Women’s Desk ni Rhea Santos.
* * *
Nasulat namin dito sa PSN ang programa sa GMA 7 na hindi nagbabayad sa kanilang publicists at kaagad naman daw itong inalam ng mga bossing ng network at kinausap na raw ang namamahala sa pagre-release ng budget.

Masyado raw kasing naging busy ang taong gumagawa ng tf ng publicists kaya hindi ito kaagad nababayaran.

At dahil effective raw ang pagkakasulat ay may mga kasamahan uli kami sa panulat ang nagkuwento na hindi rin sila nababayaran sa bago nilang pini-PR na shows sa isang network.

Say mismo sa amin, "Kung sa GMA 7 ay programa ang problema nila, etong isa, buong network, hindi nagbabayad ng mga kinuha nilang PR’s. Nakakaloka sila, ang hirap-hirap na ngang isulat ang mga programa nila dahil walang mga anggulo, hindi rin nagbabayad, tapos ang yayabang ng mga staff ng bawa’t programa, ‘yun pala wala naman silang budget!"
* * *
Isang kilalang manager ng mga sikat na youngster ang interesado sa Manny Pacquiao filmbio at gusto niyang ipasok ang isa sa sikat niyang alaga since wala pa naman daw pelikulang gagawin sa ngayon.

As of now kasi ay hindi pa sure kung sino kina Kristine Hermosa, Heart Evangelista at Bea Alonzo ang gaganap na leading lady ni Pacman bilang asawang si Jinky dahil pawang mga bisi-bisihan.

Kaya nagkaroon ng interes ang kilalang manager sa film project dahil nga baka pupuwedeng mapili ang alaga niyang sikat na youngster dahil hindi rin naman daw nalalayo sa itsura ng misis ni Manny.

Ang tanong nga lang, wala namang nag-aalok o nakaisip sa nabanggit na youngster kaya baka magmukhang cheap naman kung ia-alok ng kilalang manager ang alaga niyang sikat.
* * *
And speaking of Kristine Hermosa at Jericho Rosales ay nagtataka ang taga-Star Magic dahil kung anu-ano na raw ang naglalabasang isyu na magbabalik-tambalan ang dalawa gayung wala pa naman daw formal offer na nagmumula mismo sa producer ng pelikula ni Manny Pacquiao.

"Nakakagulat kasi it’s all in the papers na si Echo magso-shoot na, si Kristine leading lady, e, wala pang offer, puro lang feelers, e, ano ‘yun?

"Wala pa talaga, kaya wala kaming alam sa mga nasusulat. Even Kristine, hindi rin niya alam ‘yun, although may naririnig siya, pero wala rin siyang masabi pa. – REGGEE BONOAN

DAHIL

KRISTINE HERMOSA

LETS GET AWW

NAMAN

RIN

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with