Mga starlet, ibinabandera pa ang papa nila
Nang magpunta kami sa Cebu for the launching ng Little Big Star, hindi talaga mapigilan ang tili ng mga bata. And take note, alam na alam nila ang kanta ng popstar.
At ang usual na isinisigaw nila, "Sana maging katulad mo ako Ate Sarah."
Yung isa ngang contestant na nakasali sa circle of 30 finalists sa LBS Cebu, si Robert, nakatingin lang kay Sarah the whole time na kumakanta.
Pero kahit na sobrang sikat na niya, humble pa rin si Sarah. Nong nasa Cebu nga, simple lang siya. Kahit nakakailang take habang nagti-taping, wala siyang reklamo.
Tapos na kasi sana ang first part ng taping dahil nakakanta na siya, na-interview na ang mga contestant pero mali pala ang blocking. So kailangang ulitin the whole thing. So kanta na naman siya at ulit na naman ng first part ng programa. Pero wala siyang reklamo, instead patawa-tawa lang. Say nga ni Nini Valera of Inquirer na kasama naming dumayo sa Cebu: "Hindi pa lumalaki ang ulo ng batang ito."
Hindi yun ang first and last na nag-retake sila habang nagti-taping. Pero wala talagang angal ang popstar.
Hindi siya katulad ng isang aktres na pag kailangan ng retake, nagagalit. Bakit daw kailangan siyang i-retake eh maganda naman ang ginawa niya. Eh kaso talagang hindi satisfied si Direk.
Well, Ms. Actress, kung gusto mong magtrabaho pa, gayahin mo si Sarah o kung hindi ka na happy sa work mo, concentrate ka na lang sa lovelife mo.
Kaya nga siguro sinusuwerte si Sarah dahil sa attitude niya sa work.
Grabe na rin ngayon ang mga boldstar (kahit hindi na uso ang sexy films). Hindi na discreet sa kanilang mga drama sa buhay. On national television na sila kung magkwento compared before na tagung-tago ang mga ginagawa nila.
Last Saturday night, nagkaroon ako ng chance na panoorin ang Showbiz Stripped hosted by Ricky Lo sa GMA 7. Aba, grabe ang mga kuwento ng mga starlet tungkol sa kanilang sugar papa. Yung isa, say pa na sa lesbian siya na-in love at pag daw namatay ang nanay ng lesbian lover niya, instant yaman sila dahil maraming apartment ang pamilya nito (lesbian).
Yun namang isa, sustentado raw ng isang not so really older man pero wala naman daw hinihinging kapalit ang nasabing guy na kwento ng starlet named Camay (if my memory serves me right sa name). Wala as in, binibigyan lang daw siya ng pera.
The other one naman, inamin niya outright na may sugar papa siya na nagpo-provide sa kanya.
Si Aliyah Martel (not sure sa name niya) may na-meet na isang Arab na maraming pangako sa kanya. Pero hindi raw siya naniniwala. Okey naman ang explanation ng Aliyah na to saka parang beauty naman siya sa interview ni Tito Ricky.
Kasama sa na-feature sa nasabing episode si Camille Roxas na negosyante na pala sa Bicol. At least siya, ginamit niya ang utak niya sa naging boyfriend niya na maraming naituro sa kanya para matuto siyang mag-negosyo.
Interesting ang episode at sana lang matuto yung ibang starlet ng style ni Camille Roxas para naman kahit paano ay magkaroon sila ng magandang future hindi yung aasa na lang sila forever sa sugar papa.
Speaking of birthday, last week, nagkaroon ng joint birthday celebration ang friends naming sina Ian Fariñas (Peoples Tonight) and Shirley Pizarro (Manila Bulletin). Sobrang saya dahil special friends lang talaga ang invited. Salamat kay Mr. Charlemagne Lim of Little Asia at sa mga friends namin nina Leah Salterio (ABS-CBN), Shirley and Ian. Thanks everybody.
- Latest