^

PSN Showbiz

Pakulo lang ang malaking kita ng pelikula!

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Kung paniniwalaan mo na milyun-milyon talaga ang kinikita ng mga pelikulang Pilipino na inilalabas nitong mga huling araw, sasabihin mong wala naman palang basehan ang reklamo ng mga tao sa industriya. Wala naman palang krisis. Aba isipin ninyong may nagsasabi pang kumita sila ng P60 milyon sa isang linggo lang. Pero ang tanong, kung ganyan nga kalaki ang kinikita ng kanilang mga pelikula, bakit inirereklamo pa nila ang piracy? Bakit hindi sila gumagawa ng maraming pelikula para mas marami silang kitain? Bakit mas kakaunti ang nagagawang pelikulang Pilipino ngayon kaysa noong araw?

Katunayan lang iyan na iyong sinasabi nilang ganoon kalaking kita ay mga pakulo lamang ng kanilang mga PRO.

Pero ang dapat, gumawa na muna tayo ng mga pelikulang siguradong kikita kagaya ng mga pelikula ni Vic Sotto. Kalimutan na muna natin ang mga magastos na experimentation ng mga baguhang direktor na panay ang trip na gagawa sila ng magandang pelikula at hindi iniisip kung ano talaga ang gusto ng audience. Tanggapin na natin ang katotohanan na hindi natin pwedeng idikta sa mga Pilipino kung anong pelikula ang dapat nilang panoorin.

Nangyari iyan sa career ni Nora Aunor. Bumagsak siya nang gumawa ng mga tinatawag nila noong araw na "artistic movies". Nang gumawa si Sharon Cuneta ng isang experimental film hindi rin gaanong malakas, pero noong gumawa siya ng isang formula movie kasama si Judy Ann, kalahati ng kabuuang kita ng Manila Film Festival noon ay kinita ng kanilang pelikula. Ibig sabihin niyan kahit na mga superstar kailangang sumunod kung ano ang gusto ng mga tao. Kung hindi sila susunod sa mga klase ng pelikulang gusto ng tao, huwag silang umasa ng malaking box office return.
* * *
Tagahanga kami ng Lettermen. Gusto namin si Andy Williams at ang kanyang mga kanta. Pero nalulungkot kami sa kanilang pagpasok sa ating bansa dahil hindi lamang nangangahulugan yan ng paglabas ng malaking halaga ng dolyar, kung di ang kawalan din ng trabaho ng maraming mga artistang Pilipino.

Walang gustong mag-produce, dahil sasabayan mo ba ang ganyan kalalaking foreign artist? Pagkatapos bang gumastos ang mga tao sa panonood sa mga foreign artists na iyan, gagastos na naman sila sa mga Pinoy artists?
* * *
Sa Pebrero 26 na ang simula ng pagtatayo ng pambansang dambana ni Padre Pio sa Sto. Tomas, Batangas. Darating ang arsobispo ng Lipa, Ramon Arguelles, at iba pang mga obispong inanyayahan sa okasyong iyon. Magkakaroon din ng panalangin para sa mga may sakit at iba pang mga deboto ni Padre Pio sa araw na iyan, at inaasahang magaganap ang lahat ng kanilang mga kahilingan sa importanteng araw.

Nag-aanyaya ang kanilang parish priest na si Fr. Dale Anthony Barretto Ko sa lahat ng mga deboto ni Santo Padre Pio na makiisa sa pagdiriwang, na siyang simula ng pagtatayo ng isang national shrine para sa santo.

ANDY WILLIAMS

BAKIT

DALE ANTHONY BARRETTO KO

JUDY ANN

KUNG

PADRE PIO

PERO

PILIPINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with