^

PSN Showbiz

Lovi Poe, ire-remake ang ‘Dear Heart’ ni Mega

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Ano kaya ang gagawin ng GMA-7? Ayaw ng viewers ng Etheria na alisin dito si Dennis Trillo para ipasok sa Salamangka as Angel Locsin’s leading man. Bakit daw hindi na lang hanapan ng ibang makakapareha si Angel nang hindi nasa-sacrifice ang story ng Etheria. Nabanggit ang pangalan ni Cogie Domingo na puwedeng makapareha ni Angel. 

More or less, two weeks na lang si Dennis sa Etheria at sa pagganap sa role ni Raquim dahil ililipat siya sa Salamangka. Natatakot ang viewers na maiiba ang takbo ng istorya ng fantaserye sa pagkawala ng actor. Hindi pa raw masyadong established ang lovestory nila ni Mine (Nadine Samonte), paano ika-cram ‘yun within two weeks taping? Hindi pa rin nabibigyan ng highlight ang pagkasira ng friendship nila ni Hagorn (Ping Medina).

Kaya lang, mukhang hindi na mababago ang desisyon ng management at ipu-pull out na nga si Dennis sa Etheria dahil first week ng February ang start ng taping ng Salamangka. Ang pangit daw kung nagri-report pa sa Etheria ang actor habang nagti-taping na siya para sa bagong fantaserye ng network. Ang suwerte ni Dennis at laging kasama sa malalaking serye ng Ch. 7.
* * *
Kundi February, March ang release ng debut album ni Lovi Poe sa Sony BMG. Wala pa itong final title at pati carrier single ay pinipili pa. Hindi pa rin mapag-desisyunan kung 12 o 14 songs ang isasama rito.

Ipinarinig sa amin ni Leo Dominguez ang isa sa mga kanta ni Lovi sa album at nagustuhan namin. Hindi lang alam ng manager ng dalagita ang title nang ipinarinig na kanta. Tama ba ‘yun?

Puwedeng-puwede sa movies si Lovi pero, dahil sa kanyang studies, hindi siya makatanggap ng movie offer. Okey sa kanya ang plano ng isang movie company na i-build up siyang the new Sharon Cuneta at ire-remake ang Dear Heart. Kailangan lang, sa summer siya gumawa ng pelikula’t, ayaw isakripisyo ang pag-aaral.

Kinontra ni Lovi ang sinasabing kung buhay ang ama niyang si Fernando Poe, Jr. ay di siya papayagang mag-showbis.

"Actually, I think he will allow me. Alam niyang love ko ang singing," sabi nito.

Abangan pala ang birthday celebration ni Lovi sa SOP sa February 5 at ang fans day niya sa SM City North Edsa sa Feb. 10.
* * *
Kinumusta namin kay Melissa Avelino ang ex-boyfriend niyang si Polo Ravales. Mabilis na "Na kay Ara (Mina) ang sagot nito. Sa tanong kung naniniwala siyang may relasyon na ang dalawa’y "Hindi" ang sagot nito’t yun ang sabi ng actor sa kanya. Baka raw, nanliligaw palang si Polo.

Nilinaw din ni Melissa na hindi siya nagseselos sa pagkaka-link ni Polo kay Ara dahil two years ago pa sila nag-break. Siya ang nakipag-hiwalay dahil pumunta siya ng Amerika para magtrabaho sa isang real estate company. Now that she’s back, hindi niya ina-ambisyong magkabalikan pa sila’t, kanya-kanya na sila ng buhay.

Si Annabelle Rama ang manager ni Melissa at kampante itong matutulungan siyang maging active uli ang kanyang showbiz career. Sa ngayon, napapanood siya paminsan-minsan sa SOP Gigsters. Crush nito sina Sam Milby at Jay-R.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

CITY NORTH EDSA

COGIE DOMINGO

DEAR HEART

ETHERIA

LOVI

SALAMANGKA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with