^

PSN Showbiz

Robin, payag bang suporta lang ni Angel?

-
Wala ang mga itinuring na ‘pader’ ng Eat Bulaga na sina Joey de Leon at Vic Sotto kahapon, Martes dahil may kanya-kanya silang mga lakad.

Si Joey daw ay nasa Hongkong at si bossing Vic naman ay nasa golf tournament daw ng anak niyang si Paulina Sotto.

Maging si Gladys Guevarra rin na ilang araw na ring wala sa show dahil nagpa-executive check-up daw, kaya bago mag-isip ng iba kung bakit no show ang komedyanteng singer sa Eat Bulaga ay dahil naka-check in ito sa ospital.

Going back to Vic, marami talaga ang bilib sa kanya bilang tatay ng mga anak dahil kapag may mga importanteng okasyon para sa mga anak ay hindi maaring hindi niya ito siputin, sabi nga, napaka-ideal father daw talaga nitong si bossing.

At saksi rin kami kung gaano siya ka-level headed dahil nu’ng ipakilala ni Danica Sotto ang bago niyang boyfriend na basketbolista named Marc sa set ng Daddy Di Do Du ay pinakiharapan niya ito ng maayos at nagawa pa niyang biruin ang anak ng, "Wala ka na bang ibang pangalan na ipapakilala kundi Marc?"

Kasi naman, ang huling boyfriend ni Danica ay si Mark Escueta ng Rivermaya, tapos ang kapalit, Marc na naman. Anyway, sinagot naman ni Danica ang ama ng, "E, maraming Marc sa buhay ko."

At habang hindi pa kinukunan ng eksena ang mag-ama ay pa-simpleng tinatanong ni Vic ang detalye tungkol sa bagong jowa ng panganay niya.

At si Angel Locsin na girlfriend naman ng pangalawang anak ni Vic na si Oyo Boy Sotto ay very thankful din dahil tanggap siya ng pamilya Sotto.

Sina Paulina at Vico kaya, may mga special someone na rin?
* * *
inext kami ng kampo ni Robin Padilla tungkol sa kumakalat daw na balita sa GMA 7 compound na kasama ang action star sa bagong tv project ni Angel Locsin na may titulong Salamangka na ang concept ay tungkol sa magic.

Tinext back namin na bakit kami ang tatanungin, e, hindi ba’t sila ang dapat na makakaalam no’n dahil kampo sila ng aktor?

"Wala kasing nababanggit sa amin at saka parati naman siyang wala sa bansa, paano namin siya matatanong? Since may kakilala ka sa GMA, pakitanong na lang," sagot sa amin.

At tinanong namin ang katsika naming taga-production at ang say sa amin, "Wala kaming alam na kasama si Robin at saka papayag ba ‘yun na maging support lang ni Angel, e, malaking artista na siya? As of now, wala pang story conference, wala pang meeting or whatsoever, ni wala pang director, ang maliwanag lang, si Angel ang bida."

Call din namin ang personal assistant ni Angel na si Cynthia Valconcha at ang kaswal na sagot, "Naku, sorry po, wala akong alam d’yan dahil wala namang nababanggit pa sa amin. Promo palang ng movie nila ni Richard (Gutierrez) ang alam ko."
* * *
Hindi rin pala nagustuhan ng isang male tv host ang ginawa ng has been actor na nagdadaldal ng hindi maganda sa kasamahang female tv host sa isang so-so noontime show. Hindi raw gawain ‘yun ng isang tunay na lalaki.

"Maski na ang babae pa ang may kasalanan, hindi ka dapat nagsasalita ng ganu’n on national TV, kalalaki niyang tao nakikipag-away siya sa babae? Gawain lang ‘yun ng bakla, e, sa tingin ko naman hindi siya bakla," comment ng male tv host sa mga kausap.

Kilalang madaldal at wala ring inuurungan ang male tv host pagdating sa mga isyu, pero sa tagal niya sa showbiz, never niyang pinatulan ang babae kesehodang siya na ang nalalagay sa alanganin, sabi nga gentleman talaga ang male tv host. Reggee Bonoan

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

CYNTHIA VALCONCHA

DADDY DI DO DU

DAHIL

DANICA

EAT BULAGA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with