Tuloy ang soap nina Mark at Jennylyn sa NY
January 25, 2006 | 12:00am
Nakausap namin si Mark Herras sa thanksgiving party ni Mother Lily at sinabi nitong okay na uli sila ni Jennylyn Mercado pero bilang magkaibigan na lang. May isa ngang pagkakataon na ibinili pa nito ng pagkain ang ex-gf sa isang show nang maubusan ng kakainin.
Ginawa nila ang pagbabati alang-alang sa kanilang trabaho. Noong Last December ay di man lang nagkibuan ang dalawa na nakakaapekto sa kanilang trabaho.
Nagkaroon na sila ng meeting kasama si Ms. Wilma Galvante kaya tuloy na ang kanilang soap opera sa New York.
Naiintindihan na nila ang isat isa lalo na pagdating sa lovelife. Kung may nililigawang Marian Rivera si Mark ay nag-e-entertain naman ng mga manliligaw si Jen.
Sa kabilang banda, hindi na tuloy ang pagkakaroon ng solo concert ng aktres ayon kay Becky Aguila na gagawin sana sa Araw ng mga Puso. Aalis si Jen kasama si Mark para gawin ang telenovela nila sa USA.
Magbabakasyon pala sa Italy si Alessandra de Rossi kasama ang kapatid na si Assunta sa darating na Hunyo. Dadalawin nila ang magulang at dalawang kapatid na sina Margarita at Isabel.
Dalawang linggo sila dun dahil kukumpilan ang bunso nilang kapatid na si Isabel kung saan ang ninang ay si Assunta.
Hindi tiyak kung isasama ni Alex si Jeremy Marquez para ipakilala sa magulang.
Abala ngayon sa promosyon ng The Maid si Alex at umaasa na tatangkilikin ito ng kanyang mga tagahanga at manonood sa bansa dahil naging box office record ito sa Singapore, Kuala Lumpur at Taiwan. Palabas na ang The Maid ngayon at release ng Solar Entertainment Corporation.
Hanggang saan hahantong ang isang paghihiganti? Paano kung ang paghihigantihan mo ay matuklasan mong marami palang alam tungkol sa iyo? Sa sandali ng kalituhan, ipagpapatuloy mo pa ba ang paghihiganti?
Ang tanong na ito ay nagpaligalig kay Aeon Flux (Charlize Theron) mula nang sundin niya ang utos ng the Handler (Frances McDormand), kumander ng Monican rebellion.
Ang pelikulang Aeon Flux ay naganap noong 2415. Isa itong sci-fi adventure na futuristic ang tema. Isang utopian society ang nilikha kung saan ang isang tao ay mabubuhay nang matagal, na parang walang kamatayan.
Ang Aeon Flux ay mula sa Paramount Pictures at ipinamamahagi ng Solar-UIP. Nakatakda itong ipalabas sa Metro Manila theaters sa Pebrero 1, 2006.
Nakakalokah ang nangyayari sa isang magandang aktres. Kasi lahat halos ng shows na kasama siya ay kundi man nasisibak, siya naman ang tinatanggal. Una rito ang isang fantaserye na isang season lang ay tigbak na. Nasa kalagitnaan na siya ng pagiging talk show host ng isang panggabing programa pero tinanggal siya. Binigyan naman siya ng show sa isang sister network pero balita ding namimiligro dahil hindi nagre-rate ang show.
Malas kaya siya o nagkakataon lang ito?
Ginawa nila ang pagbabati alang-alang sa kanilang trabaho. Noong Last December ay di man lang nagkibuan ang dalawa na nakakaapekto sa kanilang trabaho.
Nagkaroon na sila ng meeting kasama si Ms. Wilma Galvante kaya tuloy na ang kanilang soap opera sa New York.
Naiintindihan na nila ang isat isa lalo na pagdating sa lovelife. Kung may nililigawang Marian Rivera si Mark ay nag-e-entertain naman ng mga manliligaw si Jen.
Sa kabilang banda, hindi na tuloy ang pagkakaroon ng solo concert ng aktres ayon kay Becky Aguila na gagawin sana sa Araw ng mga Puso. Aalis si Jen kasama si Mark para gawin ang telenovela nila sa USA.
Dalawang linggo sila dun dahil kukumpilan ang bunso nilang kapatid na si Isabel kung saan ang ninang ay si Assunta.
Hindi tiyak kung isasama ni Alex si Jeremy Marquez para ipakilala sa magulang.
Abala ngayon sa promosyon ng The Maid si Alex at umaasa na tatangkilikin ito ng kanyang mga tagahanga at manonood sa bansa dahil naging box office record ito sa Singapore, Kuala Lumpur at Taiwan. Palabas na ang The Maid ngayon at release ng Solar Entertainment Corporation.
Ang tanong na ito ay nagpaligalig kay Aeon Flux (Charlize Theron) mula nang sundin niya ang utos ng the Handler (Frances McDormand), kumander ng Monican rebellion.
Ang pelikulang Aeon Flux ay naganap noong 2415. Isa itong sci-fi adventure na futuristic ang tema. Isang utopian society ang nilikha kung saan ang isang tao ay mabubuhay nang matagal, na parang walang kamatayan.
Ang Aeon Flux ay mula sa Paramount Pictures at ipinamamahagi ng Solar-UIP. Nakatakda itong ipalabas sa Metro Manila theaters sa Pebrero 1, 2006.
Malas kaya siya o nagkakataon lang ito?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended