^

PSN Showbiz

Aktres, isa pang film festival!

- Veronica R. Samio -
Sa Pebrero 24 hanggang Marso 19 ng taong ito, isa pang pista ng pelikulang Pilipino ang magaganap sa Cineplex 10, Gateway Mall, Araneta Center.

Pinamagatang Aktres, Pelikula at Lipunan 2006, iso-showcase dito ang isang koleksyon ng mga klasiko at award winning na pelikula ng ilan nating mahuhusay na aktres. Bago ito, magkakaro’n ng panel at diskusyon tungkol sa ilang relevant topics tungkol sa women’s movement tulad ng representasyon ng kababaihan sa pelikula.

Magkakaro’n din ng exhibit ng mga larawan ng 35 legendary movie queens tulad nina Rosa del Rosario, Carmen Rosales, Susan Roces, Gloria Romero, Amalia Fuentes, Nora Aunor, Vilma Santos, Sharon Cuneta at marami pang iba.

Ang Aktres ay hatid ng National Commission for Culture and the Arts at Mowelfund Film Institute bilang pagdiriwang ng Centennial Year of Feminism in the Philippines.

Samantala, isang fundraising project ang isasagawa ng mga myembro ng Mowelfund sa Enero 30 sa Merk’s Bar Bistro na pinamagatang Alay Ko Para Sa Aking Kapwa Artista.

Ang nasabing fundraiser ay isa lamang sa mga isinasagawang hakbang ng Mowelfund para makalikom ng pondo para pantulong sa mga maliliit na manggagawa ng industriya ng pelikulang lokal tulad ng make-up artist, lightman, soundman, stuntman, kontrabida, extra, propsman, utility man na bumubuo ng 80% ng industriya.

Kabilang sila sa 4500 na myembro ng Mowelfund na itinatag ni dating pangulong Joseph Estrada kasama sina Malacañang secretary Guimo de Vega, Atty. Esperidion Laxa, Rolfie Velasco, former first lady Imelda Marcos at ang mga lider ng industriya tulad nina FPJ at Dolphy.

Nagbigay na ng kanilang pagsang-ayon na lumabas sa Alay Ko Para Sa Aking Kapwa Artista sina composer/arranger Tito Fuentes, Pilita Corrales, Kuh Ledesma, German Moreno, Ricky Davao, Leo Martinez, Tirso Cruz lll, Edgar Mortiz, Jenine Desiderio, Ivy Violan, Pauleen Luna, Bayang Barrios, Montet Acoymo, Miguel Castro at Jacqui Magno.

Mabibili ang tiket sa halagang P1,500 at P1,000. Kasama na rito ang isang inumin at pulutan.
* * *
Kung nung una ay may dudang gumigimik lamang sina Nyoy Volante at Nina at arte lamang nila yung pagiging in love nila sa isa’t isa, para mapag-usapan sila at lumakas ang kanilang mga shows, ngayon di na biro yung closeness nila. In fact, yung closeness nila ay na-developed na into something more serious, mayro’n na talaga silang love affair.

I’m sure, marami rin sa inyo ang magtataas ng kilay lalo pa’t mayro’n silang pre-Valentine show na magaganap sa Music Museum sa February 3 at 4, 9NG, na pinamagatang El Niño, La Niña na una nang napanood last year at nadala pa sa maraming key cities ng bansa.

Isa itong produksyon ng 7003 Dynamix Inc sa pakikipagtulungan ng Taytay-Angono-Cainta Medical Society, GMA7, Medicard Inc., Something Fishy Restaurant, Eunilaine,Baga Berde Grill & Bar, Pinoy Kreatibs Inc.

Mabibili ang mga tiket sa Music Museum (7216726), Ticketworld (8915610) at Taytay Angono-Cainta Medical Society (6560887).
* * *
Isa ang Saw sa mga di inaasahang hits ng 2004. At dahil sa naging tagumpay ng pelikula, agad inatasan ng Lions Gate ang mga filmmakers na sina James Wan at Leigh Whannell na gumawa agad ng kasunod. At ang kinalabasan ay ang Saw2 na garantisadong higit na kakila-kilabot kaysa sa sinundan nitong movie.

Muling makakaengkwentro ng manonood si Jigsaw, ang killer na mas psycho pa kay Hannibal Lecter.

Nang maganap ang isang patayan na taglay ang disenyo ni Jigsaw, mabilis na naglunsad ng isang imbestigasyon si Det. Eric Matthews. Agad niyang matutukoy si Jigsaw, ang di niya alam ay bahagi ito ng plano ni Jigsaw na mahuli siya ni Matthews. Iikot ang ulo ni Matthews nang malaman ang plano ng killer at mahahatak siya sa laro nito.

Ang Saw2 ay mapapanood na simula Pebrero 1. Hatid ito ng Viva International Pictures at nagtatampok kina Shawnee Smith, Dina Meyer, Tobin Bell, Donnie Wahlberg, Franky G, Glenn Plummer, Emmanuelle Vaugier, Beverley Mitchell at Eric Knudsen.

AKTRES

ALAY KO PARA SA AKING KAPWA ARTISTA

AMALIA FUENTES

ARANETA CENTER

BAGA BERDE GRILL

BAR BISTRO

MOWELFUND

MUSIC MUSEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with