Mga Pinoy sa Korean at Australian edition ng Miss Saigon
January 24, 2006 | 12:00am
Dahan-dahan pero unti-unting nagmamarka si Gian Magdangal.
Kapansin-pansin ang pinsan ni Jolina Magdangal na hindi lang sa kagwapuhan at height nito kundi dahil sa talento nito sa singing.
Nagsimula si Gian sa grupong 17:28 kasama sina Jonan Yanzon, Chino Alfonzo at Joaquin Valdez. Pero na-disband na ang kanilang grupo.
Si Chino ay umalis sa kanilang grupo para mag-enrol sa med school, pero ngayon ay tumigil na rin sa kanyang pag-aaral.
Si Jonan naman na dating boyfriend ni Aiko Melendez ay agad lumipad papuntang Amerika para umiwas sa intriga. Alam kasi ng tao na siya ang boyfriend ni Aiko, tapos biglang sa iba ito magpapakasal. Pero okey na raw ngayon si Jonan.
Wish din ni Jonan na maging masaya si Aiko sa pagpapakasal nito.
Babalik si Jonan sa last week ng February dahil kasama uli siya sa casting ng Miss Saigon na Korean at Australian edition.
Si Joaquin naman ay host ngayon ng Breakfast sa Studio 23. At kasalukuyan ngayong nagko-compile para sa gagawin nitong sariling album.
Katulad ni Jonan, sa mga musical play din nalilinya si Gian dahil lumabas na rin siya sa Little Mermaid, Joseph the Dreamer ng Trumphets, Beauty and the Beast ng Atlantis, Footloose ng Stages, Once On This Island at An Enemy of the Poeple ng AAI.
Pero this time, mas excited si Gian dahil feeling niya ay para siyang nanalo sa lotto. Matapos siyang makapasa sa ginanap na audition ng Miss Saigon na tatakbo ng anim na buwan sa Korea at Australia.
Sabay silang nag-audition ni Jonan at pareho silang isa sa masuwerteng napili.
Maganda rin ang takbo ng kanyang lovelife dahil halos isang taon na ang relasyon nila ngayon ni Aiza Marquez.
Magkapitbahay lang kasi sila ni Aiza, at naging close hanggang mauwi sa magandang relasyon ang kanilang friendship.
Speaking of An Enemy of the People, isang stage play na pangungunahan ni Michael De Mesa ay may mahalagang role siyang gagampanan na sinisigurado ng director na si Bart Guingona na markado ang kanyang papel. Ang An Enemy of the People ay ipalalabas sa Feb. 24-26 sa SM Megamall.
Si Gian din ang lead role sa pagpapalabas muli ng musical play ng Once On This Island.
Tapos ng kursong Business Administration si Gian sa St. Benilde. Pero singing daw talaga ang kanyang passion at pangarap niyang maging isang Gary Valenciano balang araw. Bukod sa pagkanta ay may talent din si Gian sa pagko-compose ng kanta at pagsasayaw.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended