Keanna, sali sa Celebrity PBB!
January 24, 2006 | 12:00am
Im sure marami na naman ang magtataas ng kilay sa balitang definite nang kasali si Keanna Reeves sa bubuksang Celebrity Pinoy Big Brother. Although, di naman ito kataka-taka dahil naging isang malaking balita rin naman ang sexy star nang aminin nitong nagtrabaho siyang escort service. Im sure, marami ang curious kung ano ang kahihinatnan niya matapos ang ilang panahong pagtira sa Bahay ni Kuya kasama ang ilan pang tulad niyang celebrity din.
Isang magandang gesture yung ginawa ni Richard Gutierrez na pagpapabati sa kanyang inang si Annabelle Rama at sa isa sa prodyuser niya sa pelikulang I Will Always Love You na si Mother Lily Monteverde (isa pa ang GMA Films) na nakatakdang mapanood sa February 8 sa mga sinehan.
Ginawa ito ni Richard nung gabing ipagdiwang niya ang kanyang birthday sa Imperial Cafe na pag-aari ni Mother Lily na kung saan ay di naman pwedeng di pumunta si Annabelle dahil anak niya ang may pa-party, kahit pa sabihing may alitan sila ng prodyuser nito.
Walang nagawa sina Mother Lily at Annabelle kundi kalimutan ang kanilang alitan bilang pagbibigay kay Richard na nagdiriwang ng kanyang kaarawan. Magandang pa-birthday nila ito sa binatang aktor, at panahon na rin naman para kalimutan na nila ang nangyari. After all, magiging pareho silang abala ngayong nalalapit na ang showing ng I Will Always Love You na kung saan ay katambal ni Richard si Angel Locsin. Kailangan pa rin ang magandang promo ng movie para maipaabot sa lahat ang kagandahan ng istorya nito, kahit pa sabihing walang malalakas na pelikula na makakasabay ito.
Ang huling nabanggit na dahilan ang isa sa nagbibigay ng ngiti sa mga labi ng producer ng Regal. At ang natapos na pag-aaway nila ni Annabelle.
Binabati ko nga pala kahit huli na ang bagong pamunuan ng PMPC na binubuo nina Fernan de Guzman, president; Rommel Gonzales, VP; Mildred Bacud, secretary; Boy Romero, asst, sec.; Robert Pangis, treasurer; Rommel Galapon, asst. treas.; Ogie Ignacio, auditor; Melba Llanera, Ruben Marasigan, PROs; Board Members: Joe Barrameda, chairman, Letty Celi, Roldan Castro, Aaron Domingo, Rommel Placente at Gas Gayondato.
Ang oath-taking ng mga bagong halal ay ginanap sa Tanay, Rizal na kung saan ay pinasumpa sila sa kanilang tungkulin ni dating Pangulong Joseph Estrada.
Pagkatapos ng isang masaganang tanghalian ay inilibot pa sila nito sa museo na nagtataglay ng ERAP-FPJ.
Ang museo ay nagtataglay ng dalawang life sized paintings nina ERAP at FPJ at mga framed pictures, paraphernalia ng kanilang mga unang pelikula. Nagtataglay ito ng tunay na bar o salon na nakikita natin sa mga western movies, ang karaniwang tema ng mga unang pelikula ng dalawang aktor.
Ginawa ito ni Richard nung gabing ipagdiwang niya ang kanyang birthday sa Imperial Cafe na pag-aari ni Mother Lily na kung saan ay di naman pwedeng di pumunta si Annabelle dahil anak niya ang may pa-party, kahit pa sabihing may alitan sila ng prodyuser nito.
Walang nagawa sina Mother Lily at Annabelle kundi kalimutan ang kanilang alitan bilang pagbibigay kay Richard na nagdiriwang ng kanyang kaarawan. Magandang pa-birthday nila ito sa binatang aktor, at panahon na rin naman para kalimutan na nila ang nangyari. After all, magiging pareho silang abala ngayong nalalapit na ang showing ng I Will Always Love You na kung saan ay katambal ni Richard si Angel Locsin. Kailangan pa rin ang magandang promo ng movie para maipaabot sa lahat ang kagandahan ng istorya nito, kahit pa sabihing walang malalakas na pelikula na makakasabay ito.
Ang huling nabanggit na dahilan ang isa sa nagbibigay ng ngiti sa mga labi ng producer ng Regal. At ang natapos na pag-aaway nila ni Annabelle.
Ang oath-taking ng mga bagong halal ay ginanap sa Tanay, Rizal na kung saan ay pinasumpa sila sa kanilang tungkulin ni dating Pangulong Joseph Estrada.
Pagkatapos ng isang masaganang tanghalian ay inilibot pa sila nito sa museo na nagtataglay ng ERAP-FPJ.
Ang museo ay nagtataglay ng dalawang life sized paintings nina ERAP at FPJ at mga framed pictures, paraphernalia ng kanilang mga unang pelikula. Nagtataglay ito ng tunay na bar o salon na nakikita natin sa mga western movies, ang karaniwang tema ng mga unang pelikula ng dalawang aktor.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended