TV exec, buking na ang pagka-maniac
January 23, 2006 | 12:00am
Makikita mo naman ang katuwaan ni Kuya Germs, habang kaharap niya ang mga anak-anakan niya noong araw sa Thats Entertainment. Si Jestoni Alarcon nga naman ay vice governor na ngayon ng Rizal. Si Isko Moreno ay isang konsehal na ng lunsod ng Maynila. Mula sa Thats mayroon na ring naging board member, may businessman, at marami pang ibang nakilala na hindi lamang sa Pilipinas kung di ganoon din sa ibang bansa.
Pero pagkatapos ng show na iyon, at saka naman niya naalala na mayroon din namang ibang members ng Thats Entertainment na hindi masyadong naging masuwerte. Gusto man ni Kuya Germs na matulungan lahat, imposible naman yon, lalo na sa panahong ito na bagsak ang industriya ng entertainment sa ating bansa. Kaya ang ginawa nga raw niya, kinausap niya yong ibang members ng Thats na ok naman ang buhay para matulungan ang iba nilang mga dating kasama na hindi nga masyadong sinuwerte.
Mayroon naman daw willing tumulong, kagaya nga ni Shirley Fuentes na nakahanda naman daw tulungan ang iba na makakuha rin ng shows sa abroad, kagaya ng kanyang ginagawa. Direktor na rin naman si Ricky Rivero at nagsabing titingnan din niya kung mailalagay niya sa kanyang mga projects ang mga dating kasama sa Thats Entertainment.
Sa kabila ng mga pagtatakip ng kanyang mga PRO, unti-unti na ring lumalabas ang magaspang na ugali ng isang tv executive, na tinawag nga ng isang police reporter na maniac. Nabubulgar na pati ang kanyang pakikipag-away sa iba pang opisyal ng kanilang kumpanya dahil lamang sa isang tisay na starlet.
Ang mga bagay na iyan ay common knowledge na naman sa mga taga-showbusiness, hindi na nga lang pinapansin. Pero sa ngayon kasi hindi lamang mga taga-showbiz ang nag-uusap tungkol sa pagka-maniac niya. Alam na rin ng iba.
Pero pagkatapos ng show na iyon, at saka naman niya naalala na mayroon din namang ibang members ng Thats Entertainment na hindi masyadong naging masuwerte. Gusto man ni Kuya Germs na matulungan lahat, imposible naman yon, lalo na sa panahong ito na bagsak ang industriya ng entertainment sa ating bansa. Kaya ang ginawa nga raw niya, kinausap niya yong ibang members ng Thats na ok naman ang buhay para matulungan ang iba nilang mga dating kasama na hindi nga masyadong sinuwerte.
Mayroon naman daw willing tumulong, kagaya nga ni Shirley Fuentes na nakahanda naman daw tulungan ang iba na makakuha rin ng shows sa abroad, kagaya ng kanyang ginagawa. Direktor na rin naman si Ricky Rivero at nagsabing titingnan din niya kung mailalagay niya sa kanyang mga projects ang mga dating kasama sa Thats Entertainment.
Ang mga bagay na iyan ay common knowledge na naman sa mga taga-showbusiness, hindi na nga lang pinapansin. Pero sa ngayon kasi hindi lamang mga taga-showbiz ang nag-uusap tungkol sa pagka-maniac niya. Alam na rin ng iba.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended