Ivy, 25 years nang kumakanta
January 23, 2006 | 12:00am
Sa mga nagwagi sa mga international song festivals na Pinoy singer, wala pang nakalampas sa record ni Ivy Violan.
Tinaguriang festival diva o festival queen si Ivy dahil hawak pa rin niya ang record na 11 top awards, pito rito ay grand prizes, sa lahat ng mga nilahukan niyang song competitions dito sa ating bansa, sa Asia at Europe.
Si Ivy ang unang Pinoy na nanalo ng grand prize sa International Midnight Sun Song Festival sa Finland. Ganitong premyo rin ang napanalunan niya sa First Abu Golden Kite Festival sa Malaysia, 3rd Asean Song Festival na ginanap sa Bangkok, First Asia Pacific Broadcasting Union Song Festival sa Singapore, at siya pa rin ang performer sa grand prize winning song na "Pag-asa ng Mundo" sa 8th Metropop Festival.
Sa kanyang pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo bilang world-acclaimed performer, magtatanghal ng isang Valentine concert si Ivy, Hearts In Season, kasama sina Dulce at Janet Basco sa Rigodon Ballroom ng Peninsula Hotel sa February 13, with Toti Fuentes as musical director. Mga guest singers sina Miguel Castro at George Tagle.
Produced ng One Production House ni Ivy ang Hearts In Season, pinagsama-sama ang tatlong divas of the 80s sa isang show.
"Higit akong magiging visible on my 25th year in showbiz," pangako ni Ivy. "Marami pa kaming mga naka-line up na shows this year."
Posible pang simulan nina Ivy ang kanilang US tour sa 2006. Maraming mga US promoters ang gustong dalhin silang tatlo roon, na magkakasama for the first time.
Gusto ring balikan ni Ivy ang Asian circuit, kung saan kilala siya bilang isa sa mga pinakamahusay na performers.
Sabi nga ng Singapore Straight Times, "The singer Ivy Violan wrenched her soaring vocals with maximum impact in the hearty tradition of torch singers like Barbra Streisand and Liza Minnelli."
Sabi naman ng conductor na si Bernie Allen ng Australia: "I have never heard a better singer. Why... I think she is even better than Diana Ross." Mula sa Malaysian News: "What a voice, what control, what power. She is amazing. A powerhouse."
Magkakaroon ng commemorative album ang Hearts In Seasons. Titled Sisters in the Name of Love, tatampukan din ito nina Ivy Violan, Janet Basco at Dulce, mula sa Universal Records.
For tickets, call 778-9359,0917-9011333, 0921-8475577.
May bago na namang stage musical na lalabasan si Miguel Castro na introducing sa Hearts In Seasons concert. Siya ang gaganap ng Diego Silang sa Dulaang UP musical cantata Gabriela na mapapanood sa Guerrero Theater sa UP Diliman mula Pebrero 8 hanggang Pebrero 26.
Lumabas na rin ang CD Lite na "Miguel Castro Sings" na may mga original Pinoy compositions.
Tinaguriang festival diva o festival queen si Ivy dahil hawak pa rin niya ang record na 11 top awards, pito rito ay grand prizes, sa lahat ng mga nilahukan niyang song competitions dito sa ating bansa, sa Asia at Europe.
Si Ivy ang unang Pinoy na nanalo ng grand prize sa International Midnight Sun Song Festival sa Finland. Ganitong premyo rin ang napanalunan niya sa First Abu Golden Kite Festival sa Malaysia, 3rd Asean Song Festival na ginanap sa Bangkok, First Asia Pacific Broadcasting Union Song Festival sa Singapore, at siya pa rin ang performer sa grand prize winning song na "Pag-asa ng Mundo" sa 8th Metropop Festival.
Sa kanyang pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo bilang world-acclaimed performer, magtatanghal ng isang Valentine concert si Ivy, Hearts In Season, kasama sina Dulce at Janet Basco sa Rigodon Ballroom ng Peninsula Hotel sa February 13, with Toti Fuentes as musical director. Mga guest singers sina Miguel Castro at George Tagle.
Produced ng One Production House ni Ivy ang Hearts In Season, pinagsama-sama ang tatlong divas of the 80s sa isang show.
"Higit akong magiging visible on my 25th year in showbiz," pangako ni Ivy. "Marami pa kaming mga naka-line up na shows this year."
Posible pang simulan nina Ivy ang kanilang US tour sa 2006. Maraming mga US promoters ang gustong dalhin silang tatlo roon, na magkakasama for the first time.
Gusto ring balikan ni Ivy ang Asian circuit, kung saan kilala siya bilang isa sa mga pinakamahusay na performers.
Sabi nga ng Singapore Straight Times, "The singer Ivy Violan wrenched her soaring vocals with maximum impact in the hearty tradition of torch singers like Barbra Streisand and Liza Minnelli."
Sabi naman ng conductor na si Bernie Allen ng Australia: "I have never heard a better singer. Why... I think she is even better than Diana Ross." Mula sa Malaysian News: "What a voice, what control, what power. She is amazing. A powerhouse."
Magkakaroon ng commemorative album ang Hearts In Seasons. Titled Sisters in the Name of Love, tatampukan din ito nina Ivy Violan, Janet Basco at Dulce, mula sa Universal Records.
For tickets, call 778-9359,0917-9011333, 0921-8475577.
Lumabas na rin ang CD Lite na "Miguel Castro Sings" na may mga original Pinoy compositions.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended