Alessandra, payag maging maid ni Robin
January 22, 2006 | 12:00am
Papel ng isang Pinay na maid ang ginagampanan ni Alessandra de Rossi sa pelikulang The Maid na isang horror movie na kumita nang husto sa takilya nang ipalabas sa Singapore, Taiwan, Kuala Lumpur at Bangkok.
Tinanong namin ang aktres kung sakaling totoo ngang maid siya, sino sa mga artista ang gusto niyang paglingkuran?
"Type ko si Robin Padilla dahil idolo ko siya at kung siya ang magiging amo ko ay super saya ko dahil mabait siya at laging wala sa bahay kaya hindi ako mauutusan lagi. Isa pa, bukod sa malinis ito sa katawan ay malinis pa rin ito sa bahay kaya hindi ako mahihirapan sa pag-aayos at paglilinis," aniya.
Paano naman kung magtrato sa kanyang maid si Alex?
"May konsiderasyon ako sa kanila, like kapag dumating ako ng bahay mula sa taping o syuting at tulog na ang maid ay di ko na siya ginigising at di ako marunong magmura kaya tumatagal ang aking maid at limang taon na siyang naninilbihan sa akin," sey pa nito.
Enjoy siya nang gawin ang The Maid sa Singapore na ipalalabas sa January 25. Itoy release ng Solar Entertainment.
Naging guest sa Special Edition ng Manny Pacquiaos Super Idol sa IBC 13 si Congressman Rudy Bacani ng 4th District of Manila noong Biyernes kung saan sinabing idolo siya ng boksingero. Kabilang siya sa sambayanang Pilipino na nagdarasal para manalo si Pacquiao sa laban niya ngayong araw kay Erik Morales.
Nagbiro pa nga ang magiting na kongresista at sinabing malinis ngayon ang mga kalye at ang mga tao ay nasa bahay lahat para panoorin ang laban ni Pacquiao. "Kahit masamang elemento siguro ay tigil muna sa paggawa ng masama dahil nanonood sila ng laban," aniya.
Gaano katotoo ang balitang nang mapuno na ang isang sikat na aktor na kilalang wholesome dahil nabibilang sa magandang angkan ay di ito nakapagpigil na magmura sa mag-ina?
Ganito kasi ang kwento. Nang malaman ng aktres na waring sinisiraan ito ng kampo ng aktor ay tinawagan niya ang huli) na kasama niya sa isang noontime show) para linawin kung totoo nga ang balita pero nagulat ito nang mag-dialogue ang aktor ng "P .ina nyong mag-ina. Tigilan nyo na ako."
Nag-iiyak ang aktres dahil hindi sukat akalain na ganito pala ang ugali ng aktor. Nang kausapin naman ang produ ng show at tanungin kung ano ang reaksyon ng aktor tungkol sa naging away nila ng co-host ay sinabi nitong ang naunang nagmura sa kanya ay ang aktres.
Nang makarating ito sa kaalaman ng aktres ay sinabi niyang sinungaling ang aktor at binaligtad pa siya.
Saan kaya hahantong ang gusot na ito? Sana naman ay huwag panghinaan ng loob ang mga prodyuser at isara ang noontime show kung saan nagre-rate pa naman ito.
Tinanong namin ang aktres kung sakaling totoo ngang maid siya, sino sa mga artista ang gusto niyang paglingkuran?
"Type ko si Robin Padilla dahil idolo ko siya at kung siya ang magiging amo ko ay super saya ko dahil mabait siya at laging wala sa bahay kaya hindi ako mauutusan lagi. Isa pa, bukod sa malinis ito sa katawan ay malinis pa rin ito sa bahay kaya hindi ako mahihirapan sa pag-aayos at paglilinis," aniya.
Paano naman kung magtrato sa kanyang maid si Alex?
"May konsiderasyon ako sa kanila, like kapag dumating ako ng bahay mula sa taping o syuting at tulog na ang maid ay di ko na siya ginigising at di ako marunong magmura kaya tumatagal ang aking maid at limang taon na siyang naninilbihan sa akin," sey pa nito.
Enjoy siya nang gawin ang The Maid sa Singapore na ipalalabas sa January 25. Itoy release ng Solar Entertainment.
Nagbiro pa nga ang magiting na kongresista at sinabing malinis ngayon ang mga kalye at ang mga tao ay nasa bahay lahat para panoorin ang laban ni Pacquiao. "Kahit masamang elemento siguro ay tigil muna sa paggawa ng masama dahil nanonood sila ng laban," aniya.
Ganito kasi ang kwento. Nang malaman ng aktres na waring sinisiraan ito ng kampo ng aktor ay tinawagan niya ang huli) na kasama niya sa isang noontime show) para linawin kung totoo nga ang balita pero nagulat ito nang mag-dialogue ang aktor ng "P .ina nyong mag-ina. Tigilan nyo na ako."
Nag-iiyak ang aktres dahil hindi sukat akalain na ganito pala ang ugali ng aktor. Nang kausapin naman ang produ ng show at tanungin kung ano ang reaksyon ng aktor tungkol sa naging away nila ng co-host ay sinabi nitong ang naunang nagmura sa kanya ay ang aktres.
Nang makarating ito sa kaalaman ng aktres ay sinabi niyang sinungaling ang aktor at binaligtad pa siya.
Saan kaya hahantong ang gusot na ito? Sana naman ay huwag panghinaan ng loob ang mga prodyuser at isara ang noontime show kung saan nagre-rate pa naman ito.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended