^

PSN Showbiz

Ipapalabas na ang Singaporean movie ni Alessandra na ‘The Maid’

- Veronica R. Samio -
Palabas na sa Miyerkules, Enero 25, ang The Maid, ang pelikula na ginawa ni Alessandra de Rossi ng 40 araw sa Singapore. Ito rin ang pelikula na pumatok di lamang sa Singapore kundi sa lahat ng Chinese-speaking countries, making Alessandra Asia’s Box Office Queen.

Pareho rin dito ang naging trato kay Alex ng mga nakatrabaho niyang Singaporean, her director Kelvin Tong and the rest of the production team including her leading man na nakasama lamang niya sa apat na eksena.

"Masarap magtrabaho sa Singapore, hatid-sundo ako sa trabaho, 6-5 lang ang shooting at kahit na limang minuto lamang mag-overtime ang shooting ay panay na ang hingi ng apology ng mga kasamahan ko sa trabaho. Kapag napupuyat naman kami, kinabuksan ay walang shooting, para kami makapag-pahinga," pagku-kwento ni Alex na hindi na kinailangan pang mag-audition para sa kanyang role. It was offered to her dahil napanood siya ng direktor ng movie sa pelikulang Munting Tinig nang ipalabas ito sa Thailand.

"Parang dito rin, nagkaro’n kami ng presscon, at ng premiere night. Kinuha rin ako para maging cover ng isang men’s magazine, ang Maxim, bilang bahagi ng promo ng pelikula. Pero sa tagal ng naging proseso, di kasi ako pumayag magsuot ng garter belt, yung may lace at mag-pose ng nakatuwad at magpakuha ng naka-panty at bra lang. By the time na nagkasundo kami, huli na, sa inside pages na lamang ako nalagay.

"Nagsuot din naman ako ng bathing suit, two piece, yung pang-teens. Ewan ko ba, pero, di ko talaga kayang maghubad sa isang men’s magazine, baka pwede pa kung women’s magazine, maski na rito sa atin. Conservative pa rin ako kahit ako maingay, madakdak at malandi," pagtatapat ni Alex.

Ang The Maid ay isang horror movie. Tungkol ito sa isang Pinay na pumunta ng Singapore para maging DH (domestic helper). Nasabay sa pagdating niya ang selebrasyon ng Hungry Ghost Festival, ang Chinese 7th month na kung saan ay binubuksan ang pinto ng impyerno. Di sinasadya ay may mga rules ng festival na di nasunod itong si Alex bilang Rosa Dimaano. Nagsimula na itong makakita at makarinig ng kung anu-anong mga bagay. At nagsimulang maging nightmare ang buhay niya.

Release ang The Maid dito sa Pilipinas ng Solar Entertainment.
* * *
Sa get together na ginanap between Lipa Mayor Vilma Santos and the movie press nung Miyerkules ng tanghali, halos dinedma ng mga movie writers ang maraming pa-raffle ng Star For All Seasons. Mas uhaw sila sa balita tungkol kay Vi. Kung di pa personal na sinundo si Vi ni Ogie Diaz na siyang nag-host ng event ay baka di pa nasimulan ang pa-raffle.

Sinabi ni Vi na marami siyang offers– TV shows, movies from ABS CBN at Star Cinema. Siya ang problema, wala siyang time.

Gusto niya yung movie, tentatively titled Flores de Mata dahil very light ito, tungkol sa isang ina na nagkaanak ng tatlong bakla. Baka sina Diether Ocampo, John Lloyd Cruz at Joross Gamboa ang gumanap ng mga anak.

May offer din siya ng isang play sa Tanghalang Pilipino, CCP. Gusto rin niya ito, pero muli, problema kung meron siyang oras para rito.

"Ayaw kong gumawa kung mahihilaw lamang. Dalawang buwan ang kailangan para sa rehearsal nito," ani Vi na excited sa role na ginampanan ni Vanessa Redgrave tungklol sa isang liberated woman.

Yon lamang get together ay minsan nang na-postponed, dahilan na rin sa kanyang kaabalahan. Paano pa niya maisisingit ang pelikula, TV show o play?

AKO

ALESSANDRA ASIA

ALEX

ANG THE MAID

BOX OFFICE QUEEN

DIETHER OCAMPO

HUNGRY GHOST FESTIVAL

ISANG

JOHN LLOYD CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with