Angelika, di kasali sa Kapitan Ingo!
January 19, 2006 | 12:00am
Nagtataka ang mga staff sa bagong bubuksang soap drama na Kapitan Ingo ng ABS-CBN dahil panay-panay ang labas ng publicity na kasama rito si Angelika dela Cruz.
Sa umpisa palang pala ng meeting ay binanggit ang name ng mestisang aktres ng isang executive bilang kontrabida, pero kaagad siyang tinanggihan din ng isa pang executive ng bagong programa dahil ang katwiran daw ay "Hindi naman niya feel maging kontrabida, gusto niya bida."
"Taka nga kami, bakit sunud-sunod ang press release ni Angelika sa show, e, hindi na naman siya ka-join," say sa amin ng taga-production.
At nang i-text namin ang isang executive tungkol sa isyu ay heto ang sagot sa amin, "Hindi na po tuloy si Angelika, she declined po, may apprehensions siya sa character/role."
Masamang-masama ang loob ng kilalang female tv host sa kasama niyang male tv host sa isang noontime show dahil minurasiya nito nung tawagan niya para tanungin kung may sama ba ito ng loob sa kanya dahil nakarating sa female tv host na irita pa rin sa kanya ang male tv host nung na-late siyang dumating sa set last year.
Katwiran kasi ng female tv host ay humingi na siya ng dispensa sa male tv host at tinanggap naman ito kayat akala niya ay okey na.
Nagulat na lang daw ang female tv host nung mag-imbita ng entertainment press si male tv host para ilibot sa bago niyang bahay at nagkwento na nga na iritable na siya sa kasamahang female tv host.
"Napuno na ako sa kahihintay, parati na lang akong pinaghihintay," ito raw ang exact words ni male tv host.
Nakarating nga kay female tv host ang mga sinabi ng kasamahang male tv host kaya tinawagan niya ito para tanungin, pero na-shock siya sa sagot ng male tv host, "Pu..tigilan nyo akong mag-ina."
Bagamat nagulat ay hindi rin nagpatalo si female tv host, minura rin niya ng malutong ang male tv host at saka binagsakan ng telepono.
Ending, lilisanin na ni female tv host ang noontime show na tiyak na ikagugulat ng producer dahil wala itong alam sa mga gulong nangyari.
Super turned-off daw ang mga staff ng Starstruck sa tatlong babaeng finalists ng batch 3 na sina Jackie, Sara at Jana dahil mga mahahadera raw at pasaway.
Ikinuwento sa amin na kaya babae raw ang natanggal last Sunday ay dahil nga sa ginawang pakikialam ng tatlo sa computer na nakita nila ang mga scores at comments ng Starstruck council.
"Kaloka sila, tama bang buksan ang computer na hindi naman dapat? Doon palang makikita mo nang hindi sila dapat pagkatiwalaan," say sa amin ng taga-Siete.
Aminado silang problemado sila sa batch 3 dahil ito raw ang batch na super ang pasaway at mga walang talent.
"E, wala namang choice, sila lang yung may itsura at konting talent, lahat na pasaway, hindi naman namin knows na mas pasaway pa pala itong mga napili," katwiran sa amin.
"Hindi pa sila totally artista, may mga attitude na, huh?" dagdag pa sa amin. REGGEE BONOAN
Sa umpisa palang pala ng meeting ay binanggit ang name ng mestisang aktres ng isang executive bilang kontrabida, pero kaagad siyang tinanggihan din ng isa pang executive ng bagong programa dahil ang katwiran daw ay "Hindi naman niya feel maging kontrabida, gusto niya bida."
"Taka nga kami, bakit sunud-sunod ang press release ni Angelika sa show, e, hindi na naman siya ka-join," say sa amin ng taga-production.
At nang i-text namin ang isang executive tungkol sa isyu ay heto ang sagot sa amin, "Hindi na po tuloy si Angelika, she declined po, may apprehensions siya sa character/role."
Katwiran kasi ng female tv host ay humingi na siya ng dispensa sa male tv host at tinanggap naman ito kayat akala niya ay okey na.
Nagulat na lang daw ang female tv host nung mag-imbita ng entertainment press si male tv host para ilibot sa bago niyang bahay at nagkwento na nga na iritable na siya sa kasamahang female tv host.
"Napuno na ako sa kahihintay, parati na lang akong pinaghihintay," ito raw ang exact words ni male tv host.
Nakarating nga kay female tv host ang mga sinabi ng kasamahang male tv host kaya tinawagan niya ito para tanungin, pero na-shock siya sa sagot ng male tv host, "Pu..tigilan nyo akong mag-ina."
Bagamat nagulat ay hindi rin nagpatalo si female tv host, minura rin niya ng malutong ang male tv host at saka binagsakan ng telepono.
Ending, lilisanin na ni female tv host ang noontime show na tiyak na ikagugulat ng producer dahil wala itong alam sa mga gulong nangyari.
Ikinuwento sa amin na kaya babae raw ang natanggal last Sunday ay dahil nga sa ginawang pakikialam ng tatlo sa computer na nakita nila ang mga scores at comments ng Starstruck council.
"Kaloka sila, tama bang buksan ang computer na hindi naman dapat? Doon palang makikita mo nang hindi sila dapat pagkatiwalaan," say sa amin ng taga-Siete.
Aminado silang problemado sila sa batch 3 dahil ito raw ang batch na super ang pasaway at mga walang talent.
"E, wala namang choice, sila lang yung may itsura at konting talent, lahat na pasaway, hindi naman namin knows na mas pasaway pa pala itong mga napili," katwiran sa amin.
"Hindi pa sila totally artista, may mga attitude na, huh?" dagdag pa sa amin. REGGEE BONOAN
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am