Angel/Richard movie, walang gustong tumapat!
January 17, 2006 | 12:00am
Ayaw nang pag-usapan ni Angel Locsin ang tungkol sa gusot sa pagitan nila ni Becky Aguila at sinabing hanggang ngayon ay manager pa rin niya ito. Tumatanaw pa rin siya ng utang na loob dito at sinasabing kundi dahil sa kanya ay walang Angel Locsin ngayon.
Ang mahalaga ay tuluy-tuloy pa rin ang blessing na dumarating sa kanya kaya wala siyang dapat na ireklamo.
Sa presscon ng I Will Always Love You ay di na rin nagsalita si Mother Lily tungkol sa kontrobersya ng Metro Manila Film Festival at sa halip ay puro Angel-Richard ang bukambibig nito na mahal na mahal niya dahil sa Regal Films nagsimula ang kanilang movie career sa Mano Po 2 at Kuya, habang pinapanood nina Direk Mac Alejandre at Roselle Monteverde ang trailer ng pelikula ay panay ang palakpak nila dahil sa mga nakakakilig na eksena nina Angel a Richard.
Ayon kay Direk Mac, walang gustong tumapat sa kanilang pelikula sa Pebrero 8 dahil optimistic silang tatabo ito sa takilya.
Idini-deny nina Isabel Oli at Paolo Contis ang kanilang relasyon pero ayaw maniwala ng ilang kapatid sa hanapbuhay na nakasaksi kung gaano sila ka-sweet kapag dumadalaw sa taping ng Sugo.
Ayon sa isang source na malapit kay Paolo, hindi pa nadadala nito sa kanilang bahay si Isabel para ipakilala sa ina. Ang lahat ng mga ex-girlfriend nito ay ipinakikilala niya sa kanyang mommy.
"Kung totoo ngang may relasyon sila ay wala akong masasabi kay Isabel dahil hindi ko pa naman siya nami-meet," anang Mommy ni Paolo.
Malamang na isa sa dahilan kung bakit pilit na itinatago ng dalawa kung totoo mang may relasyon sila ay baka makasira sa tambalan nina Isabel at Richard Gutierrez na bida ng Sugo.
Pangarap din pala ni Dennis Trillo na sumabak sa mga action scenes gaya ng ginagawa nito sa Etheria. Bilang si Raquim ay kailangan nitong makipaglaban sa mga kaaway. Kaya naman nag-undergo ito ng mga fight-routine training. Ang maganda lang ay may background ito sa martial arts na nagagamit sa mga eksena sa Etheria.
Nanood kami ng pelikulang Dont Give Up On Us last Saturday at puno pa rin ang mga sinehan. Bagay na bagay ang dalawang magkaparehang sina Piolo Pascual at Judy Ann Santos. May "kilig" din ang kanilang tambalan at kapwa magaling umarte lalo na sa ilang nakakatawang eksena nang hinahabol nila ang nagnakaw ng maleta ni Juday (Abby) at nang hanapin din kung saan nakatira si Rabbit (Paolo Paraiso) dahil ito ang sinamahan ni Cheska Garcia sa halip na kapatid ni Juday na ginampanan ni Marco Alcaraz kung saan nakatakda na silang ikasal. Realistiko ang portrayal ni Juday na nalasing nang umattend sa kasalan sa Sagada. Nakakakilig ang lovescenes ng dalawa. Very touching ang ending ng pelikula kung saan muling nagkita ang dalawa matapos ang ilang taong paghihiwalay na nauwi sa kasalan.
Ang mahalaga ay tuluy-tuloy pa rin ang blessing na dumarating sa kanya kaya wala siyang dapat na ireklamo.
Sa presscon ng I Will Always Love You ay di na rin nagsalita si Mother Lily tungkol sa kontrobersya ng Metro Manila Film Festival at sa halip ay puro Angel-Richard ang bukambibig nito na mahal na mahal niya dahil sa Regal Films nagsimula ang kanilang movie career sa Mano Po 2 at Kuya, habang pinapanood nina Direk Mac Alejandre at Roselle Monteverde ang trailer ng pelikula ay panay ang palakpak nila dahil sa mga nakakakilig na eksena nina Angel a Richard.
Ayon kay Direk Mac, walang gustong tumapat sa kanilang pelikula sa Pebrero 8 dahil optimistic silang tatabo ito sa takilya.
Ayon sa isang source na malapit kay Paolo, hindi pa nadadala nito sa kanilang bahay si Isabel para ipakilala sa ina. Ang lahat ng mga ex-girlfriend nito ay ipinakikilala niya sa kanyang mommy.
"Kung totoo ngang may relasyon sila ay wala akong masasabi kay Isabel dahil hindi ko pa naman siya nami-meet," anang Mommy ni Paolo.
Malamang na isa sa dahilan kung bakit pilit na itinatago ng dalawa kung totoo mang may relasyon sila ay baka makasira sa tambalan nina Isabel at Richard Gutierrez na bida ng Sugo.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am