^

PSN Showbiz

Paolo, nahuling may ka-holding hands na lalaki?

-
Pagkatapos ni PBB housemate Uma Khouny na matsismis kay Paolo Ballesteros ay may bago na namang personalidad na nali-link ngayon sa isa sa host ng Eat Bulaga, finalist daw ng Pinoy Pop Superstar batch 2.

May nakakita raw na magka-holding hands sina Paolo at ang nabanggit na finalist ng PPS habang naglalakad sa bagong venue na pinupuntahan ngayon along C5, ang Tiendesittas at nung ilarawan sa amin ay bagets pa, matangkad at hindi kaguwapuhan, kaya’t naisip kaagad namin si Harry Santos na akma sa description pero, "Hindi si Harry, kilala ko yun, yung kasunod kay Ascel Santos, di ba tatlo silang Santos na sunud-sunod na finalist, yung susunod do’n," pahayag pa.

At base pa sa paglalarawan ay, "Parang matagal na silang magkakilala kasi naghahawakan na ng kamay habang tumitingin sa mga paninda ro’n at saka kitang-kita mo na wala na sila sa getting to know each other stage," ito ang eksaktong kuwento sa amin.

Any reaction from Paolo?
* * *
Me nakarating sa aming balita na binuwag na raw ni tita Becky Aguila ang grupong Angels na kinabibilangan ng kambal niyang anak na sina Katrina at Bianca Aguila, Empress Schuck at tatlo pang hindi namin tanda ang names.

Tinext namin ang manager nina Angel Locsin at Jennylyn Mercado tungkol sa isyu, pero hindi kami sinagot, marahil ay hindi pa ito ready na magsalita dahil hanggang ngayon ay problemado pa rin ito sa isyu nila ng alagang si Angel.

Naikuwento lang ito sa amin, "Marami kasing problema si tita Becky ngayon, tapos hindi pa niya maasikasong mabuti kaya nagdesisyon na lang siyang buwagin ito habang maaga pa."

Sabagay, sa aming pananaw ay si Empress ang nakitaan namin ng future sa nabanggit na grupo at sa katunayan ay kaliwa’t kanan ang guesting niya sa GMA 7 considering na miyembro siya ng Batch 13 ng Star Circle ng ABS-CBN. - Reggee Bonoan

ANGEL LOCSIN

ASCEL SANTOS

BECKY AGUILA

BIANCA AGUILA

EAT BULAGA

EMPRESS SCHUCK

HARRY SANTOS

JENNYLYN MERCADO

PAOLO BALLESTEROS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with