American Idol, balikABC 5
January 16, 2006 | 12:00am
Excited na ang lahat ng mga tao lalo na ang mga bagets at nangangarap maging isang star dahil bagong season na naman ng pinaka-popular na talent search sa buong mundo, American Idol Season 5 at mapapanood ito sa ABC tuwing Miyerkules at Huwebes alas diyes ng gabi.
Siksik na naman ang bawat episode ng drama, action at siyempre mawawala ba naman ang comedy lalo na sa mga unang episode kung saan lahat nang auditions, pangit man o maganda ay pinapakita sa show. Di ba dahil nga sa nakakatawang audition ni William Hung sa AI kaya siya sumikat?
Ang isa pang inaabangan nating mga Pilipino sa AI ay kung mayroon na namang Pinoy na makakapasok sa audition. Sina Jasmine Trias at Camille Velasco nga pinahanga ang mga judges nung Season 3, aba basta Pinoy siguradong magaling talaga. Sayang nga last year at hindi umabot sa final 12 si Sharon Galvez (dating myembro ng Smoky Mountain) dahil halata namang gusto din siya ng pihikang judge na si Simon Cowell. Ang chika nga ay pasok sana si Sharon pero nung nalaman ng producers na nagkaroon na siya ng album dito sa Pilipinas ay hindi na nila ito isinasama sa Top 24.
Ngayong Miyerkules, Enero 18 na ang umpisa ng pinakabago at mas kaabang-abang na American Idol kaya naman goodbye na sa mga nakakasawang sitcom at drama show ng ibang network, dito na tayo sa ABC.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended