^

PSN Showbiz

Anak ni Lea, di pa alam ang gender

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Napanood namin ang interview kay Lea Salonga kung saan, sinabi nitong dito niya piniling isilang ang first baby nila ng husband niyang si Robert Chien. Narito raw ang pamilya niya kaya mas pinili niyang dito manganak.

Sa Mayo magsisilang si Lea at hindi pa nila alam ng asawa kung ano ang gender nang magiging anak. Sa last ultrasound niya’y naka-taas at naka-cross daw ang paa ng kanyang baby.

Kapag babae ang isilang, Katherine Beverly ang ipapangalan nila sa bata in honor of her mother-in-law na Beverly ang pangalan. ‘Pag lalake, kailangan daw, may Benjamin sa name nito para Benj ang nickname.
* * *
Natuluyang mag-break ang Pinoy Big Brother housemates na sina JB Magsaysay at Say Alonzo. Inamin ito ng binata nang makatsikahan namin sa taping ng Inday Bote, ang pilot episode ng Komiks ng ABS-CBN sa direksyon ni Erick Salud. Duwende ang role niya rito kasama ang ibang evictees ng PBB.

Bilang kaibigan na lang daw ang nararamdaman niya sa ex-girlfriend. Ayaw man aminin pero, malaking rason ng break-up nila ang pagkaka-link niya kay Angelica Panganiban. Hindi raw niya talaga naka-relasyon ang actress dahil bestfriend lang ito ng younger brother niya at may boyfriend ito.

Ibinuking ni JB na si Carlo Aquino ang bf ni Angelica’t nagkabalikan ang dalawa. Hala, hindi kaya magalit sa kanya ang mga ito’t inililihim ang pagbabalikan?

Bukod sa Komiks, mapapanood na rin si JB sa Vietnam Rose. Hindi pa niya alam kung ano ang role niya pero, this week na siya magti-taping.
* * *
Magkasama na naman sina Tuesday Vargas at Bearwin Meily sa I Will Always Love You. Fourth movie nila ito at dito sila may romantic relationship at magkakatuluyan.

Walang nakaisip sa press na tuksuhin ang dalawa’t happily married si Bearwin at nag-i-enjoy sa seven-month old son nila ni Lara.

Very much committed din si Tuesday sa musician boyfriend’ng si Coy ng Session Road Band. Besides, mas hit daw sila ni Bearwin bilang magkaibigan.

Natawa si Direk Mac Alejandre sa speech ni Tuesday thanking him dahil most of her movies, under ni Direk Mac. Kalahati raw ng kinita niya’y may kinalaman ito.

Balik-Mac din si Bearwin sa Boy Bawang, ang follow-up movie niya after Hari ng Sablay. Umaasa ang comedian na ang manonood sa IWALY ay manonood din sa second solo movie niya sa Regal Entertainment pa rin.
* * *
Panoorin ang RnB Prince na si JayR sa kanyang bar tour called JayR:The Album Bar Tour. Magsisimula ito with a back-to-back shows sa January 20 (Friday) sa Bagaberde Roxas Boulevard at Jan. 21 (Saturday) sa Bagaberde Pasig.

Magpapatuloy ang bar tour sa February 23 sa Sitcom Bar Las Piñas at Feb. 25 sa Klownz Angeles City. Magtatapos ang bar tour with three shows in March: March 18 sa Music Factory, Mar. 25 Ratsky’s Morato at Mar. 31 sa Ratsky’s Malate.

For inquiries, call 638-2685 to 86; 631-8358 or 0917-4532427. For tickets and seat reservations, call 831-2242 for Bagaberde Roxas Blvd.); 671-2303 for Bagaberde Pasig; and 872-2437 for Sitcom Las Piñas. For Klownz Angeles, call 045-8926538; 303-2230 for Music Factory; 373-9882 for Ratsky’s Morato; and 5238608 for Ratsky’s Malate.

vuukle comment

ALBUM BAR TOUR

ANGELICA PANGANIBAN

BAGABERDE PASIG

BAGABERDE ROXAS BLVD

BAGABERDE ROXAS BOULEVARD

BEARWIN

MUSIC FACTORY

NIYA

RATSKY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with