Walang batas na sumasaklaw sa mga awards
January 14, 2006 | 12:00am
Nagbigay na ng statement si Chairman Bayani Fernando. Hindi raw siya naniniwala na kayang dayain o maimpluwensyahan ng isang hurado lamang ang resultang Metro Manila Film Festival. Naniniwala rin daw siya na dapat igalang ng lahat ang naging desisyon ng mga hurado.
Hindi na kailangang sabihin yan ng MMDA Chairman. Bago pa man ang festival, pinapirma nila sa isang kasulatan ang mga producers na nagsasabing hindi sila maaaring umangal sa anumang desisyon ng mga hurado. Legally walang magagawa ang kahit na sino, dahil wala rin namang batas na sumasaklaw diyan sa awards.
Kung yon ngang festival awards scam nakalibre lahat ng may kinalaman dahil wala ngang batas na sumasaklaw diyan.
Kahit na nga yong mga award giving bodies na nagbenta ng awards, walang magawa ang kahit na sino eh.
Hindi rin naman kinukuwestyon ang integridad ng mga members ng board of jurors nila, kaya nga lang karamihan sa mga yon ay walang karanasan sa paggawa ng pelikula, hindi naman kasi sila mga taga-pelikula, at baka hindi rin maliwanag sa kanila ang given criteria kaya nga naibigay nila ang cultural award sa isang pelikula tungkol sa psychotic killings, maliban na lang kung naniniwala sila na ang psychotic killings ay bahagi na nga ng ating kultura.
Kunsabagay marami namang unsolved crimes sa atin na ganyan din, kagaya halimbawa ng kaso nina Nida Blanca, Eli Formaran,Kuya Ompang, Tadao Hayashi, Rey dela Cruz, Rene Tiosejo, at iba pa na hindi nabigyan ng solusyon.
Ang mga reklamo sa resulta ng festival na yan ay natitiyak naming mauuwi lang sa wala. Palagay din naman namin yang mga umaangal na nadaya sila, sa susunod na taon sasali pa rin iyan. Halimbawa, hindi maikakaila na malaki ang pakinabang ng Regal sa pagkakasali ng lima sa kanilang pelikula, kahit na sabihin mo pang nalusutan sila sa award ng OctoArts na dalawang pelikula naman ang inilusot.
Mayroon ding sinasabing dapat daw alisin na lang ang lahat ng mga awards at pabayaan na lang ang mga tao ang siyang humusga kung ano ang matinong pelikula o hindi. Nakiayon naman sa ganyang paniniwala ang aktor na si Richard Gomez.
Totoo naman, dahil lalo na nga nitong nakaraang taon na maliwanag na ang mga awards ay nabibili, lalo nang isang member ng isang award giving body ang umamin ng pakikialam ng isang tv network executive at pagbabayad ng limang libong piso sa mga member ng isang award giving body para papanalunin ang isang aktor. Kung nabibili ang awards, hindi na nga mahalaga iyan.
Kung anong pelikula ang kumikita at gusto ng tao, yon ang maganda, ano man ang sabihin nila. Ibigay man nila sa mga pelikulang flop ang mga awards.
May tsismis. Wala raw kamalay-malay ang isang ageing bold star na malapit na siyang iwanan ng kanyang younger boyfriend dahil may relasyon na rin iyon sa isang mas mayamang matrona. Mukha nga raw ibibili ng condominium at bagong kotse ang younger boyfriend na hindi na ibigay sa kanya ng ageing bold star.
Hindi na kailangang sabihin yan ng MMDA Chairman. Bago pa man ang festival, pinapirma nila sa isang kasulatan ang mga producers na nagsasabing hindi sila maaaring umangal sa anumang desisyon ng mga hurado. Legally walang magagawa ang kahit na sino, dahil wala rin namang batas na sumasaklaw diyan sa awards.
Kung yon ngang festival awards scam nakalibre lahat ng may kinalaman dahil wala ngang batas na sumasaklaw diyan.
Kahit na nga yong mga award giving bodies na nagbenta ng awards, walang magawa ang kahit na sino eh.
Hindi rin naman kinukuwestyon ang integridad ng mga members ng board of jurors nila, kaya nga lang karamihan sa mga yon ay walang karanasan sa paggawa ng pelikula, hindi naman kasi sila mga taga-pelikula, at baka hindi rin maliwanag sa kanila ang given criteria kaya nga naibigay nila ang cultural award sa isang pelikula tungkol sa psychotic killings, maliban na lang kung naniniwala sila na ang psychotic killings ay bahagi na nga ng ating kultura.
Kunsabagay marami namang unsolved crimes sa atin na ganyan din, kagaya halimbawa ng kaso nina Nida Blanca, Eli Formaran,Kuya Ompang, Tadao Hayashi, Rey dela Cruz, Rene Tiosejo, at iba pa na hindi nabigyan ng solusyon.
Ang mga reklamo sa resulta ng festival na yan ay natitiyak naming mauuwi lang sa wala. Palagay din naman namin yang mga umaangal na nadaya sila, sa susunod na taon sasali pa rin iyan. Halimbawa, hindi maikakaila na malaki ang pakinabang ng Regal sa pagkakasali ng lima sa kanilang pelikula, kahit na sabihin mo pang nalusutan sila sa award ng OctoArts na dalawang pelikula naman ang inilusot.
Totoo naman, dahil lalo na nga nitong nakaraang taon na maliwanag na ang mga awards ay nabibili, lalo nang isang member ng isang award giving body ang umamin ng pakikialam ng isang tv network executive at pagbabayad ng limang libong piso sa mga member ng isang award giving body para papanalunin ang isang aktor. Kung nabibili ang awards, hindi na nga mahalaga iyan.
Kung anong pelikula ang kumikita at gusto ng tao, yon ang maganda, ano man ang sabihin nila. Ibigay man nila sa mga pelikulang flop ang mga awards.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended