Christian, magkakaron ng TV special sa Indonesia!
January 13, 2006 | 12:00am
Patuloy ang pagsikat ng dating Star In A Million 4th winner na si Christian Bautista hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Isa si Christian sa mga Filipino artists na sumikat ng husto sa Indonesia na tulad nina Jose Mari Chan, Rico J. Puno, Basil Valdez, Freddie Aguilar at iba pa.
Kamakailan lamang ay dumating sa bansa ang managing director ng Warner Music-Indonesia na si Iman Sastrosatomo at ito mismo ang nagpatotoo kung gaano kasikat sa bansang Indonesia si Christian ganoon din ang mga awitin nito. Dumalo si G. Sastrosatomo para sa gold record awarding kay Christian ng Warner Music-Philippines para sa second album nitong pinamagatang "Completely" na malapit na ring umabot sa platinum mark.
Si G. Sastrosatomo naman ay nagbigay kay Christian ng Double Platinum Award para sa debut album ni Christian. Nagpaabot din ng mga pagbati kay Christian sa pamamagitan ng special video message sina Lachie Rutherford, presidente ng Warner Music Asia-Pacific at si Pattanee Jareeyatana, ang marketing director ng Warner Music-Thailand.
Dalawa sa mga awiting kasama sa "Completely" album ni Christian ay sinulat ng top composers ng Indonesia.
Samantala, ibinalita sa amin ng manager ni Christian na si Carlo Orosa na ang pinakamalaking TV station sa Indonesia, ang RCTI at ang Warner Music Indonesia ay magpu-produce ng isang one-hour TV special ni Christian. Makakasama dito ni Christian ang isang 40-piece orchestra at ang big time composer ng Indonesia na si Andi Rianto. Ang naturang TV special ay nakatakdang ipalabas sa Valentines Day at matutunghayan sa buong Indonesia.
Hindi man naging kampeon si Christian sa kanyang sinalihang patimpalak, ang Star In A Million, mahigit pa roon ang nakuha niyang karangalan.
Isinantabi muna ng controversial businesswoman na si Cristina Decena ang tungkol sa mga usaping legal na may kinalaman sa kanyang demanda laban sa dati niyang karelasyon na si Phillip Salvador dahil gusto niyang simulan ang taong 2006 ng isang magandang proyekto for a good cause sa pamamagitan ng isang fund-raising show na pinamagatang Swirl: A Celebration of Life & Thanksgiving, isang fashion show na gaganapin bukas, January 14 sa ganap na ika-8 ng gabi sa Harana Ballroom ng Hyatt Regency Manila.
Itoy tatampukan ng mga promising male and female models na magsusuot ng Chemistry Fashion Collection at mga disenyo ng mga designers tulad nina Robert Zamora, Angelo Estera at Veejay Floresca at ang celebrity designer na si JC Buendia. Guest performers ang Pinoy Pop Superstar finalists na sina Harry Santos, Gerard Santos at Eicen Santos kasama ang seksing aktres na si Juliana Palermo. Itoy ihu-host ng ramp at stage actor na si Eric de la Cruz. Ang kikitain ng nasabing fund-raising fashion show ay mapupunta sa Golden Acres at Valencia Elementary School.
Ang nasabing fundraising fashion show ay siyang naging kapalit sa isang magarbong debut party para sa panganay ni Cristina na si Kitkat. Sa halip ng pagkakaroon ng isang engrandeng party, napagdesisyunan ni Cristina na pangasiwaan na lamang niya ang isang makabuluhang proyekto bagay na sinang-ayunan naman ni Kitkat. At sa pamamagitan ng CBC Foundation ni Cristina at pakikipagtulungan ng New Life Medical Group, nabuo ang Swirl: A Celebration of Life & Thanksgiving project.
Sa magnanais na makibahagi sa nasabing proyekto, mangyari lamang na tawagan si Doc Gamboa sa 0917-8254911 at sa teleponong 8121688.
[email protected]
Kamakailan lamang ay dumating sa bansa ang managing director ng Warner Music-Indonesia na si Iman Sastrosatomo at ito mismo ang nagpatotoo kung gaano kasikat sa bansang Indonesia si Christian ganoon din ang mga awitin nito. Dumalo si G. Sastrosatomo para sa gold record awarding kay Christian ng Warner Music-Philippines para sa second album nitong pinamagatang "Completely" na malapit na ring umabot sa platinum mark.
Si G. Sastrosatomo naman ay nagbigay kay Christian ng Double Platinum Award para sa debut album ni Christian. Nagpaabot din ng mga pagbati kay Christian sa pamamagitan ng special video message sina Lachie Rutherford, presidente ng Warner Music Asia-Pacific at si Pattanee Jareeyatana, ang marketing director ng Warner Music-Thailand.
Dalawa sa mga awiting kasama sa "Completely" album ni Christian ay sinulat ng top composers ng Indonesia.
Samantala, ibinalita sa amin ng manager ni Christian na si Carlo Orosa na ang pinakamalaking TV station sa Indonesia, ang RCTI at ang Warner Music Indonesia ay magpu-produce ng isang one-hour TV special ni Christian. Makakasama dito ni Christian ang isang 40-piece orchestra at ang big time composer ng Indonesia na si Andi Rianto. Ang naturang TV special ay nakatakdang ipalabas sa Valentines Day at matutunghayan sa buong Indonesia.
Hindi man naging kampeon si Christian sa kanyang sinalihang patimpalak, ang Star In A Million, mahigit pa roon ang nakuha niyang karangalan.
Itoy tatampukan ng mga promising male and female models na magsusuot ng Chemistry Fashion Collection at mga disenyo ng mga designers tulad nina Robert Zamora, Angelo Estera at Veejay Floresca at ang celebrity designer na si JC Buendia. Guest performers ang Pinoy Pop Superstar finalists na sina Harry Santos, Gerard Santos at Eicen Santos kasama ang seksing aktres na si Juliana Palermo. Itoy ihu-host ng ramp at stage actor na si Eric de la Cruz. Ang kikitain ng nasabing fund-raising fashion show ay mapupunta sa Golden Acres at Valencia Elementary School.
Ang nasabing fundraising fashion show ay siyang naging kapalit sa isang magarbong debut party para sa panganay ni Cristina na si Kitkat. Sa halip ng pagkakaroon ng isang engrandeng party, napagdesisyunan ni Cristina na pangasiwaan na lamang niya ang isang makabuluhang proyekto bagay na sinang-ayunan naman ni Kitkat. At sa pamamagitan ng CBC Foundation ni Cristina at pakikipagtulungan ng New Life Medical Group, nabuo ang Swirl: A Celebration of Life & Thanksgiving project.
Sa magnanais na makibahagi sa nasabing proyekto, mangyari lamang na tawagan si Doc Gamboa sa 0917-8254911 at sa teleponong 8121688.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended