^

PSN Showbiz

Mga anghel lamang ang tumutugtog ng harp!

- Veronica R. Samio -
Siguro nga isang anghel ang taga-Vancouver, Canada na si Noelle Cassandra (nicknamed Casey), isang Fil-Chinese na sa edad na apat na taon ay nagsimulang mag-aral ng pagtugtog ng harp, isang musical instrument na nakikita lamang nating tinutugtog ng mga anghel.

Nakatapos siya ng Bachelor of Music sa University of British Columbia at nakatutugtog din siya ng flute, violin, strings at percussion. Isa rin siyang singer, arranger, songwriter at composer.

Dumating siya ng bansa nung Abril ng nakaraang taon at kasalukuyang may tinatapos na album sa Dyna label na nagtatampok ng mga sarili niyang komposisyon.

Maririnig ang kanyang talino sa repeat ng Paano Kita Mapasasalamatan, isang tribute ni Kuh Ledesma sa kompositor na si George Canseco na magaganap sa Enero 21 sa PICC, kasama sina Basil Valdez, Christian Bautista, Dulce, Pilita Corrales, Side A, Piolo Pascual at marami pang iba.
* * *
Isang star studded na concert ang magaganap sa Linggo ng gabi sa bubuksang Centennial Park ng Navotas bilang pagdiriwang at pagsalubong sa ika-100 taong kapanganakan ng Munisipalidad ng Navotas.

Pangungunahan ni Sarah Geronimo ang nasabing concert na mag-uumpisa ng alas-8:00 ng gabi ng January 15 hanggang madaling araw ng January 16.

Ayon kay Navotas Mayor Toby Tiangco, ngayon lamang mangyayari ang ganitong selebrasyon kaya’t ibubuhos nila ang lahat para ipagdiwang ang sentenaryo ng kanyang nasasakupan.

Sina Ethel Booba at Jose Manalo ang magho-host sa unang bahagi ng programa. Kasama naman sa magpi-perform ang Hot Babes na sina Jen Rosendahl, JC Parker and Andrea del Rosario, Goin’ Bulilit, K and The Boxers, Blakdyak, Sheryn Regis, Mark Bautista, PBB Housemates Cass, Racquel and Sam.

Magiging host ng second part ng celebration sina Luis Manzano and Anne Curtis.

Pagkatapos ng programa, hanggang umaga tutugtog ang Rivermaya.

Kasama rin sa highlight ng programa ang taunang Mutya Ng Navotas.

"Ating ikonsidera ang ika-16 ng Enero 2006 bilang panimula ng 100 taon na darating para sa Navotas. Magsilbi muli tayong ginagabayan ng pangarap ng mga naunang namuno, upang maihanda ang tamang daan para sa bagong henerasyon ng Navotas.

"Isapuso rin natin ang mga salitang binitiwan ni Ralph Waldo Emerson ‘Progress is the activity of today and the assurance of tomorrow’," bahagi ng mahabang mensahe ni Mayor Toby sa kanyang mga kababayan.

BACHELOR OF MUSIC

BASIL VALDEZ

CENTENNIAL PARK

CHRISTIAN BAUTISTA

ENERO

ETHEL BOOBA

GEORGE CANSECO

HOT BABES

NAVOTAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with