Rochelle, baby ni Kier!
January 12, 2006 | 12:00am
Wala naman palang Rochelle Pangilinan-Kier Legaspi-Sunshine Garcia love triangle dahil obvious na sina Rochelle at Kier ang nagkaka-developan. Sa publicity photo palang ng season 10 ng Daisy Siete entitled Sayaw ng Puso mapapansing mas mahigpit ang yakap ni Rochelle kay Kier kesa kay Sunshine. Kay Rochelle rin mas humilig si Kier.
Itinanggi rin ni Rochelle na nag-walkout si Sunshine sa Christmas Party ng Sexbomb last December 30 dahil nagselos sa sweetness nila ni Kier. May prior commitment daw si Sunshine at nagpaalam pa ito sa kanya.
Ang alam namin, may non-showbiz boyfriend si Sunshine kaya, pabayaan na natin si Kier kay Rochelle. Abay "Be" (from Baby) na ang kanilang tawagan at obvious na comfortable na sila sa isat isa nang aming sabay na makausap.
Dahil magkasama sa Sayaw ng Puso, at kung walang kokontray, mauuwi sa relasyon ang pagiging mag-"Be" nina Kier at Rochelle. Ang wish ng actor, walang magbago sa kanila ni Rochelle para umabot sila sa boyfriend/girlfriend level.
Sa Lunes na magsisimula ang Sayaw ng Puso sa script ni Gina Marissa Tagasa-Gil at direksyon ni Pat Perez. Production pa rin ito ng Focus Incorporated.
Naaliw kaming makinig kina Sunshine Dizon at Diana Zubiri na nagkukuwentahan in dollars. Sa blessings ng pad ni Sunshine, kinuha na rin ni Diana ang mga ipinabiling damit nang magpunta sa States ang kaibigan.
Dinig namin nang banggitin ni Sunshine ang utang sa kanya ni Diana in dollars. Hawak ang cellphone, humiga si Diana sa bed ni Sunshine at agad kinuwenta ang equivalent noon sa peso. Hindi na namin narinig kung pumayag si Sunshine na sa peso siya bayaran ng kaibigan.
Sa apat na Sanggre, sina Diana at Sunshine ang close at sina Iza Calzado at Karylle naman ang buddies lalot relatives sila. Ang alam namin, pati sa paminsan-minsang paggimik pag walang taping ng Etheria, silang dalawa rin ang magkasama.
In-assure pala ni Diana si Dorothy Laforteza na mabait ang basketball player na nakikitang madalas kasama ni Sunshine lately. Pero, sabi ni Sunshine, kaibigan lang niya si Nico Uy at hindi manliligaw.
Natawa kami sa kuwento ni Director Joel Lamangan sa jurors ng Metro Manila Film Festival. Karamihan daw ay nakikita na niya noong 1991 pa, nang una siyang sumali sa filmfest with Viva Films, Darna.
Dagdag pa ni Direk Joel, makikita raw sa souvenir program ng filmfest ang same old faces ng jurors at tumanda lang. Walang binanggit na pangalan ang director pero, dahil doon, nagka-interes kaming alamin kung sino ang mga for life na yatang jurors ng filmfest. Nitz Miralles
Itinanggi rin ni Rochelle na nag-walkout si Sunshine sa Christmas Party ng Sexbomb last December 30 dahil nagselos sa sweetness nila ni Kier. May prior commitment daw si Sunshine at nagpaalam pa ito sa kanya.
Ang alam namin, may non-showbiz boyfriend si Sunshine kaya, pabayaan na natin si Kier kay Rochelle. Abay "Be" (from Baby) na ang kanilang tawagan at obvious na comfortable na sila sa isat isa nang aming sabay na makausap.
Dahil magkasama sa Sayaw ng Puso, at kung walang kokontray, mauuwi sa relasyon ang pagiging mag-"Be" nina Kier at Rochelle. Ang wish ng actor, walang magbago sa kanila ni Rochelle para umabot sila sa boyfriend/girlfriend level.
Sa Lunes na magsisimula ang Sayaw ng Puso sa script ni Gina Marissa Tagasa-Gil at direksyon ni Pat Perez. Production pa rin ito ng Focus Incorporated.
Dinig namin nang banggitin ni Sunshine ang utang sa kanya ni Diana in dollars. Hawak ang cellphone, humiga si Diana sa bed ni Sunshine at agad kinuwenta ang equivalent noon sa peso. Hindi na namin narinig kung pumayag si Sunshine na sa peso siya bayaran ng kaibigan.
Sa apat na Sanggre, sina Diana at Sunshine ang close at sina Iza Calzado at Karylle naman ang buddies lalot relatives sila. Ang alam namin, pati sa paminsan-minsang paggimik pag walang taping ng Etheria, silang dalawa rin ang magkasama.
In-assure pala ni Diana si Dorothy Laforteza na mabait ang basketball player na nakikitang madalas kasama ni Sunshine lately. Pero, sabi ni Sunshine, kaibigan lang niya si Nico Uy at hindi manliligaw.
Dagdag pa ni Direk Joel, makikita raw sa souvenir program ng filmfest ang same old faces ng jurors at tumanda lang. Walang binanggit na pangalan ang director pero, dahil doon, nagka-interes kaming alamin kung sino ang mga for life na yatang jurors ng filmfest. Nitz Miralles
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended