^

PSN Showbiz

Piolo/Juday fans hindi nagustuhan ang pagdating ng PBB housemates sa premiere ng ‘Dont Give Up…"

-
Naikuwento rin sa amin ng mga solid fans ng Piolo Pascual at Judy Ann Santos na hindi nila nagustuhan ang pagdalo ng Pinoy Big Brother housemates sa premiere night ng pelikula ng idolo nila dahil hindi naman daw sila ka-join sa movie.

‘‘Nakakainis po, kasi bakit nandoon sina Nene (Tamayo), Say (Alonso), Racquel (Reyes) at ’yung iba pa, e, di naman sila kasama sa pelikula? Siyempre po, moment nina Piolo at Juday ’yun, nakihati pa sila sa limelight?

‘‘Masyado na pong sikat ang mga PBB, dapat may sarili silang okasyon, hindi na dapat sila isinama sa Piolo at Juday premiere night,’’ hinaing ng fan.
* * *
Hindi pala dumalo sa cast party ng pelikulang Don’t Give Up On US si Piolo Pascual pagkatapos ng premiere night nito sa SM Megamall last Sunday dahil tumakbo raw ito ng Batangas.

Ayon mismo sa fans na nakausap namin ay naaksidente raw ang ate ni Piolo galing sa pagi-scuba diving on the way to Manila para dumalo sa premiere night.

‘‘Kaya habang nanonood si Piolo, panay ang pindot sa cellphone kasi mino-monitor niya ’yung kapatid niya na itinakbo sa ospital. Kaya nga hindi rin nakarating ang mommy niya, ’yung isang kapatid lang ang nasa premiere night.

‘‘Nagmamadaling bumalik ng Maynila, me iniwasang sasakyan, nag-turn turtle sila, medyo grabe ’yung kapatid, hindi pa lang namin alam kung ano na ang nangyari,’’ kuwento sa amin sa kabilang linya.

Ang binabanggit na ate ni Piolo na naaksidente ang siyang pinaka-close sa kanya kaya’t alalang-alala raw ito nu’ng gabi.
* * *
Dahil walang gaanong offer bilang artista ngayon si Zoren Legaspi ay nag-shift muna siya sa pagiging direktor, ito ang kuwento ng kapatid niyang si Kier Legaspi kamakailan.

Naitanong kasi namin sa bagong boyfriend ni Rochelle Pangilinan kung bakit hindi napagkikita ngayon ang kuya Zoren niya, may tinataguan ba ito?

‘‘Wala naman, wala naman kasi rin siyang offer, kaya nawala siya no’n, nag-aral siya ng filmmaking sa Bacolod, ngayong tapos na siya, sinuwerte namang nakapag-direk na siya.

‘’Yung music video ng Brownman Revival na ‘‘Lintik na Puso’’ ’yun, siya ang nag-direk no’n. Tapos ipapasok din siya sa ‘‘Huwag Kukurap’’ bilang segment director din. So, do’n muna siya nagko-concentrate,’’  paliwanag ni Kier.

At dahil paborito si Kier ng producer ng Daisy Siete na si Joy Cancio ay hindi na kami magtataka kung isang araw ay bigyan din ng raket si Zoren bilang director dahil bukod kay Kier ay ka-join na rin ang isa pang Legaspi sa season 10 ng DS na si Brandon Legaspi.
* * *
Si Heart Evangelista kaya ang tinutukoy sa mga blind items na sikat na youngster na tatlong buwang buntis courtesy of her showbiz boyfriend na nakatakdang pumunta ng Amerika para roon iluwal ang sanggol?

Halos araw-araw na laman sa mga pahayagan ang isyung ito at tyempo namang nakakwentuhan namin ang isang non-showbiz friend ni Heart na umamin daw sa kanya ang leading lady ni Jericho Rosales sa fantaseryeng Ang Panday.

‘‘Nagkita-kita kasi kami sa isang gig, hatinggabi na at nabanggit nga ni Heart na may malaki siyang problema, e, medyo maingay no’n, at dinig ko, four months siyang buntis kay Jericho,’ kuwento sa amin ng nakausap ng youngster.

Kung totoo man ito, nakakagulat dahil hindi naisip nina Heart at Echo na may mga career pa silang dapat ingatan, hindi man lang sila gumamit ng safe sex? At kung aalis nga si Heart patungong Amerika para roon isilang ang anak niya ay bilib kami dahil hindi niya ito ipalalaglag, at mas maganda rin siguro na aminin na lang niya ito para mas maging at peace siya habang hinihintay niya ang kabuwanan niya.

Bukas ang pahinang ito sa panig ni Heart. — Regge Bonoan

AMERIKA

ANG PANDAY

BRANDON LEGASPI

NIYA

PIOLO

PIOLO PASCUAL

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with