Lumalala ang alitan ni Angel at manager
January 12, 2006 | 12:00am
Sa gusot ngayon na namamagitan kina Angel Locsin at manager na si Becky Aguila ay lumabas ang balitang dinuru-duro raw ng aktres ang kanyang manager nang minsang magkaroon sila ng mainitang pagtatalo.
Ayon sa personal assistant ni Angel na si Cynthia Valconcha ay hindi naman ito ginawa ni Angel kundi nang minsang magtalo ay nagamit nito ang kanang kamay lang para ipagdiinin ang kanyang mga sinasabi. Hindi naman ito duro. Mataas din daw kasi ang boses ni Becky ayon sa handler ng aktres kung saan sa unang pagkakataon ay nasagot niya ang manager. "May karapatan naman siyang sabihin kung ano ang nasasaloob niya" ayon pa sa handler nito.
Isa pa, hindi naman daw si Angel ang unang nagpa-interbyu sa DZMM kundi ang mga anak ni Becky. Dapat ay na-settle nila ang problema in private pero nailabas in public.
Pinabulaanan din ng PA ni Angel ang balita na isa rin sa dahilan ng pag-aaway ng dalawa ay nang mahuli nito si Angel na natulog sa kuwarto ni Oyo Boy Sotto.
"HIndi yun totoo dahil kahit kailan ay di nila pinag-awayan ni Becky ang tungkol kay Oyo dahil may open-mind naman ang manager at pagdating sa pribadong buhay ng alaga never itong nakialam", sabi ni Cynthia.
Natanggal na sa Starstruck 3 si Bea Nakpil na isa sa paborito ng mga manonood. Kagagaling lang kasi nito sa ospital kung saan nag-stay siya run ng two days dahil sa over fatigue.
Kahit naghihina pa ay dumalo pa rin ito sa elimination round ng Starstruck at sa kasamaang palad ay natanggal ito. Pero masaya pa rin ang magandang bagets dahil marami siyang natutunan sa compitition.
Kinukwestyon ang pagkapanalo ng Kutob ng Gatpuno Antonio Villegas Award dahil hindi raw ito naglalarawan ng historical at cultural values kundi tungkol sa isang psychotic na walang ginawa kundi ang pumatay ng pumatay.
Ang tanong ay bakit siya pumapatay? May psychological touch ang pelikula kung saan bata pa ay pinabayaan na ito ng magulang lalo na ng ina.
Sa lahat nang nangyari sa buhay ni Marvin sa pelikula ay masasabing ang pinag-ugatan ng kanyang pagiging psychotic ay ang kapabayaan ng magulang nito. Dito papasok ang moral values na dapat taglayin ng isang magulang at naimulat naman ito sa kaisipan ng anak para mamuhay ng normal at maiwasan ang paggawa ng masama.
Balitang may karelasyong mayaman ang sikat na sexy actress na ito. Inilipat siya sa isang magarang condo at binigyan pa ng mga katulong kaya lang kapag dun natulog ang lover ng aktres ay natatawa ng mga katulong dahil dinig na dinig nila kung paano humalinghing ang kanilang amo. Maingay raw ito sa kama kaya minsan ay hindi sila makatulog.
Visible sa telefantasya ang magandang aktres at di nababakante sa telebisyon, ex gf siya ng isang young actor.
Ayon sa personal assistant ni Angel na si Cynthia Valconcha ay hindi naman ito ginawa ni Angel kundi nang minsang magtalo ay nagamit nito ang kanang kamay lang para ipagdiinin ang kanyang mga sinasabi. Hindi naman ito duro. Mataas din daw kasi ang boses ni Becky ayon sa handler ng aktres kung saan sa unang pagkakataon ay nasagot niya ang manager. "May karapatan naman siyang sabihin kung ano ang nasasaloob niya" ayon pa sa handler nito.
Isa pa, hindi naman daw si Angel ang unang nagpa-interbyu sa DZMM kundi ang mga anak ni Becky. Dapat ay na-settle nila ang problema in private pero nailabas in public.
Pinabulaanan din ng PA ni Angel ang balita na isa rin sa dahilan ng pag-aaway ng dalawa ay nang mahuli nito si Angel na natulog sa kuwarto ni Oyo Boy Sotto.
"HIndi yun totoo dahil kahit kailan ay di nila pinag-awayan ni Becky ang tungkol kay Oyo dahil may open-mind naman ang manager at pagdating sa pribadong buhay ng alaga never itong nakialam", sabi ni Cynthia.
Kahit naghihina pa ay dumalo pa rin ito sa elimination round ng Starstruck at sa kasamaang palad ay natanggal ito. Pero masaya pa rin ang magandang bagets dahil marami siyang natutunan sa compitition.
Ang tanong ay bakit siya pumapatay? May psychological touch ang pelikula kung saan bata pa ay pinabayaan na ito ng magulang lalo na ng ina.
Sa lahat nang nangyari sa buhay ni Marvin sa pelikula ay masasabing ang pinag-ugatan ng kanyang pagiging psychotic ay ang kapabayaan ng magulang nito. Dito papasok ang moral values na dapat taglayin ng isang magulang at naimulat naman ito sa kaisipan ng anak para mamuhay ng normal at maiwasan ang paggawa ng masama.
Visible sa telefantasya ang magandang aktres at di nababakante sa telebisyon, ex gf siya ng isang young actor.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended