Sexbomb, suko sa ballroom dancing!
January 11, 2006 | 12:00am
Aminado ang Sexbomb Girls na sina Rochelle Pangilinan, Sunshine Garcia, Evette Pabalan, Izzy Trazona at iba pa na hindi pala lahat ng sayaw ay kayang-kaya nilang sayawin at pag-aralan.
Sumuko ang grupo ng dancers ni Joy Cancio sa dalawang buwan nilang pag-aaral ng ballroom dancing tulad ng rumba at latino.
Sa ika-10 season ng Daisy Siete ay tungkol sa pagsasayaw ang concept ng panghapong teleserye para raw maiba naman sa mga nakaraang episode ng Daisy Siete.
At hindi raw sukat akalain nina Rochelle na mahirap palang magsayaw ng ballroom dancing.
"Dancer na ako, akala ko madadalian ako, mahirap pala. Hindi biro ang pag-aaral namin, nahirapan kami sa lifting, sanay lang kaming gumiling," pagtatapat ng lady love ni Kier Legaspi.
Umamin ding puro pasa ang inabot nina Sunshine at Evette habang nagre-rehearsal dahil nga sa mga paliyad-liyad nila, at aminado silang mas masarap palang isayaw ang ballroom kaysa sa mga ginagawa nilang street dancing.
Samantala, aminado ang producer ng Daisy Siete na si Joy na kabado siya sa bagong concept ng programa dahil kakaiba ito sa mga naipalabas na at kung umabot sa 32% ang ratings ng DS ay umaasa siyang hindi pahuhuli ang Sayaw ng Puso na siyang titulo ngayon ng DS.
Speaking of Daisy Siete ay inamin ng producer na si Joy Cancio na nagkaroon siya ng problema sa writer niya sa programa na si Suzette Doctolero dahil ito rin ang writer ng Etheria at dahil dito ay pinalitan muna siya ni Gina Marissa Tagasa-Gil.
Klinarong mabuti ni Joy na nag-usap silang mabuti ni Suzette na ngayong season 10 ng Daisy Siete ay si Gina Marissa muna para raw makapagpahinga muna si Suzette dahil nga ngarag ito sa Etheria na nasa primetime slot.
"Concerned din ako sa health niya kasi ayoko namang pilitin siya, e, tiyak na magsa-suffer din pareho ang Etheria at Daisy Siete na ayokong mangyari.
"Sa production kasi nagka-problema, dumarating ang script on the taping day mismo, e, siyempre walang time basahin na, lalo na kung ang guest mo, e, tulad ni Ms. Celia Rodriguez, paano mo ikakatwirang ngayon lang dumating ang script kasi ngarag ang writer, hindi puwede yun, kaya ako na mismo ang umayos," katwiran ng producer ng DS.
At sa season 11 ay muling hahawakan ni Suzette ang script dahil malaki ang utang na loob ni Joy sa nabanggit na writer, "Binigyan niya kami ng mataas na ratings since day 1 ng Daisy Siete kaya hindi ko siya pupuwedeng makalimutan," pahayag ni Joy.
Hindi nagustuhan ng manager ni Angel Locsin na si Tita Becky Aguila ang sinabi ng aktres sa vtr interview nito sa S-Files last Sunday na pinapirma siya ng lifetime contract na sinabi pa raw ni Angel na ayaw niya ng ganun dahil paano na raw kung ayaw na niyang mag-artista at gusto na niyang mag-asawa?
Supposedly ay sasagutin ni Ms. Becky ang mga paratang na ito ni Angel sa live interview niya sa The Buzz nung Linggo rin, kaso sumama ang pakiramdam niya at kaagad siyang itinakbo sa hospital kayat nagpalabas na lang siya ng official statement tungkol sa mga sinabi ng alaga niya sa S-Files.
"Angel Locsin management contract was due to expire and we both wanted to renew it with ample protection for me as a manager, so in turn, I could protect her as well.
"Theres no such thing as a lifetime contract. I would never ask her to sign anything of that sort. It was a two-year contract with a two year renewal, with a side agreement that in the event she didnt want to be an artist anymore, the contract would lose full force in effect."
Sana raw maliwanagan ang lahat ng nakarinig ng interview ni Angel tungkol sa binabanggit na lifetime contract dahil walang katotohanan daw ito. Reggee Bonoan
Sumuko ang grupo ng dancers ni Joy Cancio sa dalawang buwan nilang pag-aaral ng ballroom dancing tulad ng rumba at latino.
Sa ika-10 season ng Daisy Siete ay tungkol sa pagsasayaw ang concept ng panghapong teleserye para raw maiba naman sa mga nakaraang episode ng Daisy Siete.
At hindi raw sukat akalain nina Rochelle na mahirap palang magsayaw ng ballroom dancing.
"Dancer na ako, akala ko madadalian ako, mahirap pala. Hindi biro ang pag-aaral namin, nahirapan kami sa lifting, sanay lang kaming gumiling," pagtatapat ng lady love ni Kier Legaspi.
Umamin ding puro pasa ang inabot nina Sunshine at Evette habang nagre-rehearsal dahil nga sa mga paliyad-liyad nila, at aminado silang mas masarap palang isayaw ang ballroom kaysa sa mga ginagawa nilang street dancing.
Samantala, aminado ang producer ng Daisy Siete na si Joy na kabado siya sa bagong concept ng programa dahil kakaiba ito sa mga naipalabas na at kung umabot sa 32% ang ratings ng DS ay umaasa siyang hindi pahuhuli ang Sayaw ng Puso na siyang titulo ngayon ng DS.
Klinarong mabuti ni Joy na nag-usap silang mabuti ni Suzette na ngayong season 10 ng Daisy Siete ay si Gina Marissa muna para raw makapagpahinga muna si Suzette dahil nga ngarag ito sa Etheria na nasa primetime slot.
"Concerned din ako sa health niya kasi ayoko namang pilitin siya, e, tiyak na magsa-suffer din pareho ang Etheria at Daisy Siete na ayokong mangyari.
"Sa production kasi nagka-problema, dumarating ang script on the taping day mismo, e, siyempre walang time basahin na, lalo na kung ang guest mo, e, tulad ni Ms. Celia Rodriguez, paano mo ikakatwirang ngayon lang dumating ang script kasi ngarag ang writer, hindi puwede yun, kaya ako na mismo ang umayos," katwiran ng producer ng DS.
At sa season 11 ay muling hahawakan ni Suzette ang script dahil malaki ang utang na loob ni Joy sa nabanggit na writer, "Binigyan niya kami ng mataas na ratings since day 1 ng Daisy Siete kaya hindi ko siya pupuwedeng makalimutan," pahayag ni Joy.
Supposedly ay sasagutin ni Ms. Becky ang mga paratang na ito ni Angel sa live interview niya sa The Buzz nung Linggo rin, kaso sumama ang pakiramdam niya at kaagad siyang itinakbo sa hospital kayat nagpalabas na lang siya ng official statement tungkol sa mga sinabi ng alaga niya sa S-Files.
"Angel Locsin management contract was due to expire and we both wanted to renew it with ample protection for me as a manager, so in turn, I could protect her as well.
"Theres no such thing as a lifetime contract. I would never ask her to sign anything of that sort. It was a two-year contract with a two year renewal, with a side agreement that in the event she didnt want to be an artist anymore, the contract would lose full force in effect."
Sana raw maliwanagan ang lahat ng nakarinig ng interview ni Angel tungkol sa binabanggit na lifetime contract dahil walang katotohanan daw ito. Reggee Bonoan
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended