Wilson Tieng, di ikinampanya si Marvin Agustin!
January 11, 2006 | 12:00am
Nahaluan ng malaking kontrobersya ang nakaraang MMFFP. Sinabi ni Mother Lily na ikinampanya ni Wilson Tieng, isa sa bumubuo ng komite, si Marvin Agustin kaya nanalo ito ng Best Actor. Ibinatay niya ito sa naisulat sa isang dyaryo dated January 5.
Bago sumapit ang Awards Night ay gusto ng execom ng MMFFP na i-sustain ang publicity and promotion ng festival para maging maingay pa ito. Kaya naman nagpainterbyu si Wilson in print gayundin sa TV at sa radyo.
Kung susuriin ang naisulat ay hindi lang isa kundi maraming strong contenders sa Awards Night (fearless forecast) ang sinabi ni Wilson at ang ibay na-edit pa ayon na rin sa sumulat na si Marinel Cruz. Hindi lang si Marvin ang binanggit nito as Best Actor contender kundi gayundin sina Eddie Garcia, Christopher de Leon at Dennis Trillo para sa Blue Moon. Sa Best Actress ay na-mention nito si Rica Peralejo (na hindi naman nanalo) at Zsazsa Padilla. Sa Best Director naman mahigpitan ang labanan nina Joel Lamangan, Eric Matti at Jose Javier Reyes ayon pa sa kanya. Hindi naman niya na-single out ang pangalan ni Direk Joey na mananalo bilang Best Director.
Maraming nagtatanong kung kailangan bang manalo ding Best Director ang nominado kapag nanalong Best Picture ang kanyang pelikula. Sabi nga ng isang bitchy veteran writer, "It does not necessarily follow na kapag nanalong Best Picture ang pelikula ay automatic na Best Director din ang nag-direk nito, depende ito sa panlasa ng mga Board of Jurors."
Respetadong tao si Wilson at respetado rin ang mga Board of Jurors. Pwede ba silang madiktahan ni Wilson at ikampanya kung sino ang gusto niyang manalo?
Maliwanag ang mga pamamaraan ng pagpili ng mga nanalo at walang scam na nangyari dahil ang SGV ang nangasiwa sa bilangan ng boto.
Taun-taon naman ay laging nagkakaroon ng kontrobersya di lang sa Metro Manila Film Festival kundi gayundin sa ibang award giving bodies. Kunsabagay sa nangyayaring ito ay mas masaya kapag may ingay ang pagdiriwang, di ba?
Mapalad si TJ Trinidad dahil sa dami ng nag-audition at siya ang napili sa role ni Carding sa Gulong ng Palad. Two days siyang nag-undergo ng workshop kasama ang cast para magkaroon ng bonding.
Inamin din nito na kapag may kissing scenes sila ni Kristine Hermosa ay kinakabahan siya. "After ng take ay dumidistansya na ako sa kanya dahil alam kong may boyfriend siya. Kaya di ako lumalapit kay Tintin," aniya.
Bakit di niya niligawan ang kanyang kapareha noong wala pa itong bf?
"I find her very beautiful pero ayaw kong masira ang aming friendship. Pero siguro kung wala si Diet ay baka ligawan ko siya balang araw," aniya.
Itinuturing niyang challenge ang paglabas sa Gulong ng Palad lalo na sa mahihirap na eksena. Nakalabas na si TJ sa Keka, Uno, I Will Survive at Aishite Imasu.
Propesyonal si Pauleen Luna kaya gustung-gusto ng mga kasamahang artista sa Etheria. Ayon sa Executive Producer ay tumutubo na ang kuko nito sa isang daliri nang maaksidente sa isang eksena ng Etheria.
Walang di gagawin si Pauleen para makilalang magaling na artista kaya naman kahit hirap sa magdamagang taping ng telefantasya ay enjoy pa rin ito. Para silang masaya at malaking pamilya ng Etheria kaya hindi nito nararamdaman ang pagod.
Kaya pala subsob sa trabaho ang isang sikat na aktres ay dahil mahigpit sa pera ang napangasawa nito. Sustento lang ng mga anak nito ang ibinibigay sa kanya. Yung iba naman niyang anak ay sustentado ng mga tatay nito.
Ayaw naman nitong hiwalayan ang asawa dahil maliliit pa ang mga anak niya. Isa pa, nahihiya na siya sa dami ng nakarelasyon niya kung saan naanakan pa siya.
Ang magandang aktres ay may regular TV show at visible sa showbiz gathering.
Bago sumapit ang Awards Night ay gusto ng execom ng MMFFP na i-sustain ang publicity and promotion ng festival para maging maingay pa ito. Kaya naman nagpainterbyu si Wilson in print gayundin sa TV at sa radyo.
Kung susuriin ang naisulat ay hindi lang isa kundi maraming strong contenders sa Awards Night (fearless forecast) ang sinabi ni Wilson at ang ibay na-edit pa ayon na rin sa sumulat na si Marinel Cruz. Hindi lang si Marvin ang binanggit nito as Best Actor contender kundi gayundin sina Eddie Garcia, Christopher de Leon at Dennis Trillo para sa Blue Moon. Sa Best Actress ay na-mention nito si Rica Peralejo (na hindi naman nanalo) at Zsazsa Padilla. Sa Best Director naman mahigpitan ang labanan nina Joel Lamangan, Eric Matti at Jose Javier Reyes ayon pa sa kanya. Hindi naman niya na-single out ang pangalan ni Direk Joey na mananalo bilang Best Director.
Maraming nagtatanong kung kailangan bang manalo ding Best Director ang nominado kapag nanalong Best Picture ang kanyang pelikula. Sabi nga ng isang bitchy veteran writer, "It does not necessarily follow na kapag nanalong Best Picture ang pelikula ay automatic na Best Director din ang nag-direk nito, depende ito sa panlasa ng mga Board of Jurors."
Respetadong tao si Wilson at respetado rin ang mga Board of Jurors. Pwede ba silang madiktahan ni Wilson at ikampanya kung sino ang gusto niyang manalo?
Maliwanag ang mga pamamaraan ng pagpili ng mga nanalo at walang scam na nangyari dahil ang SGV ang nangasiwa sa bilangan ng boto.
Taun-taon naman ay laging nagkakaroon ng kontrobersya di lang sa Metro Manila Film Festival kundi gayundin sa ibang award giving bodies. Kunsabagay sa nangyayaring ito ay mas masaya kapag may ingay ang pagdiriwang, di ba?
Inamin din nito na kapag may kissing scenes sila ni Kristine Hermosa ay kinakabahan siya. "After ng take ay dumidistansya na ako sa kanya dahil alam kong may boyfriend siya. Kaya di ako lumalapit kay Tintin," aniya.
Bakit di niya niligawan ang kanyang kapareha noong wala pa itong bf?
"I find her very beautiful pero ayaw kong masira ang aming friendship. Pero siguro kung wala si Diet ay baka ligawan ko siya balang araw," aniya.
Itinuturing niyang challenge ang paglabas sa Gulong ng Palad lalo na sa mahihirap na eksena. Nakalabas na si TJ sa Keka, Uno, I Will Survive at Aishite Imasu.
Walang di gagawin si Pauleen para makilalang magaling na artista kaya naman kahit hirap sa magdamagang taping ng telefantasya ay enjoy pa rin ito. Para silang masaya at malaking pamilya ng Etheria kaya hindi nito nararamdaman ang pagod.
Ayaw naman nitong hiwalayan ang asawa dahil maliliit pa ang mga anak niya. Isa pa, nahihiya na siya sa dami ng nakarelasyon niya kung saan naanakan pa siya.
Ang magandang aktres ay may regular TV show at visible sa showbiz gathering.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 4, 2024 - 12:00am
November 2, 2024 - 12:00am