^

PSN Showbiz

Si Nadine na may sex video

- Veronica R. Samio -
Hindi po siya yung young star na na-link once kay Oyo Boy Sotto at isa sa naging tampok na bidang babae sa kalahok na pelikula ni Ronnie Ricketts sa MMFFP na pinamagatang Lagot Ka Sa Kuya Ko.

Ibang Nadine ito na inilunsad sa pelikulang Sinful Nights, unang hi-definition (HD) digital movie at simula nun ay pinagpantasyahan na siya ng mga lalaki.

Siya si Nadine Schmidt, isang German Filipina na mayro’ng isang sex video na ipinamamahagi ang Viva Video. Pinamagatang Nadine Schmidt: Pinoy Sex Video Fantasies, isa itong 60 minutong erotic adventure in desire. Makikita rito si Nadine na nagpapantasya sa isang lalaki, making love to him in the dark, naiilawan lamang ang kanilang mga mukha at katawan ng isang flashlight.

Makikita pa rin si Nadine sa shower o naglalakad sa isang mabuhanging beach.

Lahat ng kopya ay available sa Video City outlets, AstroPlus, Astrovision, SM stores at iba pang outlets.
* * *
Natuloy din pala ang kontrobersyal na guesting ni Marvin Agustin sa programa ng GMA na Extra Challenge.

Kasama siya sa 10 tao na itinapon sa isang isla at maglalaban-laban para sa P1M. Limang artista sila at limang non-showbiz.

Ang mga celebrity challengers ay binubuo nina Marvin nga, Polo Ravales, Nikki Valdez, Gwen Garci at Jean Garcia. Ang mga non-showbiz ay sina Andrew Wolf, isang sikat na commercial model; Kenji Mabasa, GRO model; Wendy Valdez, beauty queen; Ruru Friedhof, mother/model at ang mala-diyosa sa kagandahan na si Mariko Davis, isa ring model.

Para manalo ng isang milyon, kailangan nilang matukoy kung sino ang "kasabwat" dahil ang hindi alam ng mga challengers, isa sa kanila ay kalaban!, na ang hangad ay manggulo lamang. Umaatikabong turuan ang magaganap. Sino nga ba at alin sa kanila ang naiiba? At maski na ang mga hosts na sina Paolo Bediones at Ethel Booba ay walang maitutulong sa kanila at sa halip ay baka maguluhan pa silang lalo sa mga ito.

At sino ba sa 10 ang magiging milyonaryo? Di pwedeng i-reveal ito dahilan sa magiging malaking pahulaan ito ng programa. Nood na kayo at manghula.

Ito ang mapapanood sa Extra Challenge sa buong buwan ng Enero, pagkatapos ng 24 Oras, sa GMA.
* * *
Ikatlong installment na ito ng aking pa-TY sa mga nakaalala sa akin nun Christmas. Rose Vergara at STEAM Foundation, Emy Abuan, Salve Asis, Rachelle Ann Go, Seveses Family, Eulogio Family, Virgie Balatico, Speaker & Mrs.Gina de Venecia, Erlinda Rapadas, Dennis Aguilar, Bonnie Lachica, Mario Basco, GEE Enterprises, Ara Mina, Erich Gonzales, Touch Mobile, Viva, ABC5, Jim Acosta, Shaina Magdayao, Angeli Pangilinan, Reggee Bonoan, GMA Artist Center, Imelda Papin, Iza Calzado, Lanie Sapitanan at kay Christopher Rodriguez.

Sa inyong lahat, maging yung nagpadala ng text messages, salamat at mabuhay kayo.

vuukle comment

ANDREW WOLF

ANGELI PANGILINAN

ARA MINA

ARTIST CENTER

BONNIE LACHICA

EXTRA CHALLENGE

ISANG

NADINE SCHMIDT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with