US fans nina Piolo, Juday, pinadalhan ng pampanood ng sine ang local counterparts nila!
January 10, 2006 | 12:00am
Bilib na talaga kami sa suporta ng loyal fans nina Piolo Pascual at Judy Ann Santos na taga-ibang bansa dahil nagpadala sila ng pera rito sa Pilipinas para ipampanood ng mga fans na walang gaanong pera rito sa Pilipinas.
Saksi kami nung ipamahagi ng mommy Carol Santos ni Juday sa fans na dumiretso sa Kaffe Caravana after ng premiere night ng Dont Give Up On Us na ginanap sa Cinema 9 ng SM Megamall last Saturday night.
"Nagpadala ng malaking pera yung mga taga-Hawaii sa fans club dito nina Piolo at Juday para sa mga hindi kayang gumastos, kaya heto hinihingan ko sila ng kundisyon na yung kalahating ticket ng sine, e, ibalik sa akin para siya namang ipapadala ko sa Hawaii para malaman nila na nagamit nga yung padala nilang pera.
"Bilib nga ako kasi hindi sila huminto sa pagsuporta nila sa dalawa, nakakatuwa kasi, ilang taon din ang nakalipas bago uli nagkaroon ng pelikula tong dalawa," paliwanag ni Mommy Carol na natutuwa rin sa outcome ng movie nina Piolo at Budaday dahil dinumog talaga ito.
Kakaibang gimik naman ang ginawa ni Direk Joyce Bernal sa pelikulang ito ng dalawa dahil drama pala ito, akala namin ay comedy, tulad ng pinapakita sa trailer dahil yun lang pala ang comedy don.
In fairness, maganda ang pelikula, romantic ang mga lugar (totoo ang sinabi ng aktres na mai-in love ka talaga sa Sagada), very passionate ang lambingan nina Piolo at Juday na gustung-gusto ng fans.
Sana lang magustuhan din ni Ryan Agoncillo dahil sa totoo lang, nakakaselos talaga ang mga eksena, lalo na nung nalasing si Budaday, susme bigay na bigay kay Piolo.
At tiyempo naman na nakita namin si Direk Joyce paglabas ng sinehan at karga-karga ang natutulog na anak at sabi namin na kakaiba ang movie mo kumpara sa Till There Was You at tumango naman siya na halatang ninenerbyos na naman kung kikita ng malaki ang movie.
Anyway, after Piolo and Juday ay may gagawin na rin daw sa Star Cinema ang bagong loveteam na Juday at Ryan. Ganyan, uunahan na ang OctoArts Films?
Maraming nagtatanong sa amin na taga- showbiz at ilang loyal viewers ng MMFF kung close raw ba sina Mr. Wilson Tieng at Marvin Agustin?
Bakit daw kasi kinakampanya ni Mr. Tieng si Marvin para sa Best Actor? At hayagan nitong inila-lobby sa kapwa jurors na si Marvin ang dapat manalo nung Gabi ng Parangal ng 31st Metro Manila Film Festival?
Sa totoo lang ay wala kaming alam dahil unang-una ay hindi naman kami dikit sa dalawa at wala rin kaming matandaang nagkasama na nga sila sa trabaho, ang alam namin ay tsika sina Mr. Wilson Tieng at Canary producer na si Mr. Orly Ilacad dahil nga pareho silang producer.
Maraming nagdududa sa award ng aktor, dahil tiyak daw na may scam na naman. Kung totoo nga, sino ang nakialam sa switching ng resulta ng winners, so may pumalit na kay Nay Lolit Solis as scam queen? REGGEE BONOAN

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended