Pati mom ni Angel, worried na rin sa away nito at ng manager
January 10, 2006 | 12:00am
Tumawag sa amin ang handler ni Angel Locsin na si Cynthia Valconcha at sa pamamagitan niya ay nakausap namin ang mommy ni Angel na si Emma. Ipinaliwanag nito na di niya naman sinabi kay Becky Aguila, manager ni Angel na matigas ang ulo ng kanyang anak.
"Ikaw na lang ang makipag-ayos (Becky) sa aking anak at sana ay matapos na ang inyong alitan. Tinext ako ni Becky at sinabing wala siyang alam nang magsalita laban kay Angel ang anak na kambal. Mahal ko ang aking anak at sanay huwag naman siyang siraan ni Becky.
"Kausapin mo rin ang daddy niya kung may problema kayo dahil nakikinig sa kanya si Angel. Sanay magkaayos na rin silang dalawa ni Angel," aniya.
Tumatanaw pa rin ng utang na loob si Angel kay Becky dahil sa mga naitulong nito sa kanya. Kung tutuusin nga ay ayaw nitong pag-usapan ang pinag-ugatan ng problema na nauukol sa pera.
Handa namang makipag-usap ni Becky sa alaga pero mas gusto niyang sila lang dalawa at gawin itong private.
Hindi sukat akalain ni Marvin Agustin na manalong MMFF Best Actor. Nakatungo lang ito at parang walang sigla habang ibinibigay ang ilang award para sa musical scoring at Best Screenplay kung saan naghahatian sa panalo ang Blue Moon at Exodus.
Kaya nga narinig ng aking source na malapit lang sa kanila na nagyayaya nang umuwi si Orly Ilacad. Nagsabi pa ito ng "Umuwi na tayo dahil alam na natin ang takbo ng parangal."
Mabuti na lang at sa dakong huli ay sunud-sunod naman ang award na natanggap ng Kutob.
Nang tawagin si Marvin bilang Best Actor ay di ito nakapagsalita samantalang tilian nang tilian ang mga katabi nito.
Dun lang siya sumigla at inihandog pa nga ang award sa kambal at sinabing ikararangal siya kapag lumaki sila at napanood ang kanyang pelikula.
Nang matapos tanggapin ni Marvin ang award ay una nitong tinawagan ang inang si Teresita para ibalita ang pagkapanalo.
Kakaibang saya ang nadarama ngayon ni Keempee de Leon dahil sa bagong pag-ibig. Si Pauleen Luna na nga ang itinitibok ng kanyang puso at tuluyang nakalimutan na si Cristine Reyes.
Puro mga bata ang nagugustuhan ng komedyante pero ayon sa kanya, "Age doesnt matter" pagdating saibig.
"Hindi ko kasalanan kung ma-in love uli ako kay Pauleen na mas bata uli sa akin. Handa ko naman patunayan kung gaano ko siya kamahal."
Balik-soap opera si Juan Rodrigo sa Gulong ng Palad. Kilalang magaling na dramatic actor si JR. Hindi naman ito nababakante sa telebisyon at pelikula kung saan huli niyang movie ang Mga Batang Kalye na di nakasamang entry sa nakaraang Metro Manila Film Festival.
Kapag libre sa pelikula o TV shows ay abala ito sa mga concert at laging front act ni Marri Nallos. Tumatanggap din ito ng hosting job sa abroad para sa Filipino community. Bihira ang nakakaalam na isa siyang magaling na mang-aawit.
Sa isang showbiz gathering ay pinag-uusapan ang isang gwapong aktor na karelasyon ngayon ng isang sikat na aktres at singer. Tinutukso siya ng kasamahang artista na isang komedyante.
Nakikinig sa tuksuhan ang ex-girlfriend na naging karelasyon ng gwapong aktor na ex-hubby naman ng actress-politician. Kitang-kita ng aking source na nakasimangot ang ex-gf ng aktor habang tinutukso ng komedyante ang karelasyong aktres ngayon ng aktor.
Ibig sabihin, mahal pa rin ng aktres ang ex-bf na aktor kaya hanggang ngayon ay loveless pa rin ito kahit maraming manliligaw.
"Ikaw na lang ang makipag-ayos (Becky) sa aking anak at sana ay matapos na ang inyong alitan. Tinext ako ni Becky at sinabing wala siyang alam nang magsalita laban kay Angel ang anak na kambal. Mahal ko ang aking anak at sanay huwag naman siyang siraan ni Becky.
"Kausapin mo rin ang daddy niya kung may problema kayo dahil nakikinig sa kanya si Angel. Sanay magkaayos na rin silang dalawa ni Angel," aniya.
Tumatanaw pa rin ng utang na loob si Angel kay Becky dahil sa mga naitulong nito sa kanya. Kung tutuusin nga ay ayaw nitong pag-usapan ang pinag-ugatan ng problema na nauukol sa pera.
Handa namang makipag-usap ni Becky sa alaga pero mas gusto niyang sila lang dalawa at gawin itong private.
Kaya nga narinig ng aking source na malapit lang sa kanila na nagyayaya nang umuwi si Orly Ilacad. Nagsabi pa ito ng "Umuwi na tayo dahil alam na natin ang takbo ng parangal."
Mabuti na lang at sa dakong huli ay sunud-sunod naman ang award na natanggap ng Kutob.
Nang tawagin si Marvin bilang Best Actor ay di ito nakapagsalita samantalang tilian nang tilian ang mga katabi nito.
Dun lang siya sumigla at inihandog pa nga ang award sa kambal at sinabing ikararangal siya kapag lumaki sila at napanood ang kanyang pelikula.
Nang matapos tanggapin ni Marvin ang award ay una nitong tinawagan ang inang si Teresita para ibalita ang pagkapanalo.
Puro mga bata ang nagugustuhan ng komedyante pero ayon sa kanya, "Age doesnt matter" pagdating saibig.
"Hindi ko kasalanan kung ma-in love uli ako kay Pauleen na mas bata uli sa akin. Handa ko naman patunayan kung gaano ko siya kamahal."
Kapag libre sa pelikula o TV shows ay abala ito sa mga concert at laging front act ni Marri Nallos. Tumatanggap din ito ng hosting job sa abroad para sa Filipino community. Bihira ang nakakaalam na isa siyang magaling na mang-aawit.
Nakikinig sa tuksuhan ang ex-girlfriend na naging karelasyon ng gwapong aktor na ex-hubby naman ng actress-politician. Kitang-kita ng aking source na nakasimangot ang ex-gf ng aktor habang tinutukso ng komedyante ang karelasyong aktres ngayon ng aktor.
Ibig sabihin, mahal pa rin ng aktres ang ex-bf na aktor kaya hanggang ngayon ay loveless pa rin ito kahit maraming manliligaw.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended