^

PSN Showbiz

Sexbomb Johlan, iniiwasan si Kirby

-
Nagtataka si Johlan ng Sexbomb Girls, kung bakit naakusahan siyang nagrekomenda kay Kirby de Jesus para maging guest sa Lets Get Awww ng QTV 11 na produced ng Focus E. Inc. Nagulat nga raw siya sa balitang naging sila noon ni Kirby kaya’t naipasok niya itong mag-guest sa nasabing programa.

"Excuse me, wala po akong alam d’yan. Basta, nalaman ko na lang, makakasama siya ng Streetboys at ni Jhong Hilario sa Lets Get Awww sa Sabado," kwento ni Johlan sabay sabing, hindi na sila gaanong nagkikita ni Kirby dahil pinakiusapan siyang iwasan si Kirby muna dahil nag-aaral pa ito at may ambisyong sumikat sa pag-aartista. Okey naman ito kay Johlan, walang problema.

"Ako man, type ko ring magkapangalan. Saka, hindi ako nagmamadaling magka-boyfriend. Hindi ko ipinipilit ang sarili ko kay Kirby," aniya. Sa Lets Get Awww 10-11 Sabado lang abala sila nina Aira at Cheche sa show.

Inamin ni Johlan na nung una ay hirap s’yang mag-host ng show. Bago sila isalang, alam na niya ang mga sasabihin niya. Mabuti na lang, madaldal sina Aira at Cheche, nasasalo niya ang mga pagbibiro ng mga ito. Silent kasing bata itong si Johlan, aakalain mo tuloy na suplada kapag nakikitang nag-iisa.

May nagko-comment na kaya raw sila bagay ni Kirby ay dahil pareho silang tahimik. Masaya si Johlan, kasi pumapatok ang showbiz career ni Kirby ngayon. May mga TV shows ito at pelikula rin. So Johlan naman ay inaalagaang mabuti ng Focus E. Inc. para sa Lets Get Awww at Daisy Siete. Sa mga naunang season, nasubukan na nilang magdrama si Johlan at pasado siya sa producer na si Joy Cancio at Direk Pat Perez. — Vir Gonzales

vuukle comment

AIRA

CHECHE

DAISY SIETE

DIREK PAT PEREZ

FOCUS E

JHONG HILARIO

JOHLAN

JOY CANCIO

KIRBY

LETS GET AWWW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with