^

PSN Showbiz

Sheryl, pumayag na sa mother role!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Hindi ba nainsulto si Sheryl Cruz nang i-offer sa kanya ang role na ina ni Yasmien Kurdi sa ika-4th season ng Now and Forever?

"Ganun naman ang trend ngayon dahil pabata na nang pabata ang nagiging nanay. I’m an artist at okey lang kung malaki na ang anak ko," aniya.

Sa kabilang banda, nilinaw nito ang intrigang hiwalay na sila ng kanyang asawang si Norman Bustos kaya lagi siya sa Pilipinas.

"Mababaw naman ang dahilan ng paghihiwalay namin. Nakakatawa ang intriga. Magkasama nga kami this Christmas at uuwi siya sa Amerika sa middle of January. He’s very supportive sa career ko. Gustuhin man niyang mag-stay dito ay di pwede dahil mahal niya ang kanyang trabaho bilang San Francisco sheriff kung saan bukod sa pagiging imbestigador ay may tinuturuan siyang 30 applicants para sa trabahong yun. Siguro pag-nag-retire na siya ay dito kami maninirahan," aniya pa.

Four years old na ang kanilang anak na si Ashley Nicole na nagmana rin sa kanya dahil marunong itong kumanta at sumayaw.

Sinabi pa rin ni Sheryl na hindi naman siya hinihigpitan ni Norman pagdating sa love scenes basta’t huwag lang garapal. Gusto rin ng asawa niya na huwag siyang maglagare sa paggawa ng pelikula dahil baka di kayanin ng kanyang katawan.
Very Thoughtful Sa Magulang Ng Aktres
Noong December 28 ay magkasama sina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo sa panonood ng fireworks display sa Pasay.

Tinanong namin kung ano ang iniregalo sa kanya ng nobya noong nakaraang Pasko?

"Kapag may taping kami o syuting ay lagi akong nanghihiram sa kanya ng Mac Fresh powder dahil oily ang mukha ko kaya ang iniregalo niya sa akin ay Mac powder para siguro hindi na ako manghihiram sa kanya nito. Binigyan din niya ako ng comforter," aniya.

Ang iniregalo naman niya sa nobya ay relong Fossil.

Very thoughtful din sa kanyang magulang ang aktor kung saan ang Christmas gift niya sa kanila ay pan-display sa bahay at cake.

Ginampanan niya sa Gulong ng Palad ang papel ni Totoy na kapatid ni Luisa (Kristine Hermosa) na masipag at determinadong magtagumpay para lang maiahon ang pamilya sa kahirapan.
Blind Item: Magaling Sa Kama Ang Aktres
Ang daming naging girlfriend ng aktor bago siya napunta sa isang sikat na aktres. Mas maraming maganda at mas bata ang naibigan nito pero nakipag-live-in siya sa aktres dahil daw "Magaling kasi siya sa kama."

Tinuluyan naman niya ang aktres hanggang sa magkaanak sila kung saan hanggang ngayon kahit di kasal ang dalawa ay stable naman ang relasyon.

Magaling ang aktres mapa-bida o kontrabida habang ang aktor ay abala ngayon sa telebisyon. Miyembro rin ito ng isang singing group na binubuo ng mga artistang gaya niya.

ASHLEY NICOLE

BLIND ITEM

JOROSS GAMBOA

KRISTINE HERMOSA

MAC FRESH

MAGALING

MAGALING SA KAMA ANG AKTRES

NIYA

NOONG DECEMBER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with