^

PSN Showbiz

Marco Sison, magpo-portray na Sen. Pimentel

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Mapapanood na sa isang stage play ang makulay na buhay ni Senator Nene Pimentel, Pag-ibig sa Bayan (A Musicale). Based ito sa Martial Law experience ni Sen. Pimentel habang and misis naman niyang si Mrs. Bing ang nag-provide ng music.

Bukod sa pagkakakulong ni Sen. Pimentel noong Martial Law, naka-focus din ang Pag-ibig sa Bayan sa naging struggle ng relasyon nila ni Mrs. Bing at ang kahalagahan ng pamilya sa kanila.

Si Marco Sison ang magpo-portray ng character ni Sen. Nene. samantalang ang stage actress and member ng prestigious Philippine Madrigal Singers, Jane Diaz ang gaganap ng Mrs. Pimentel.

Personal choice ni Mr. Nestor Torre, scriptwriter and director ng Pag-ibig Sa Bayan, sina Marco and Jane para mag-portray ng Sen. and Mrs. Pimentel.

Kaya tuloy ngayon, feeling ni Marco senador na rin siya dahil sa portrayal niya sa character ni Sen. Pimentel na isa sa pinaka-controversial na political figure sa bansa.

In fairness, may similarity sina Sen. Pimentel and Marco kaya sure akong maja-justify ni Marco ang character ng senador na unang naging mayor ng Cagayan de Oro at the same time, naging local official din si Marco.

Pero agad nag-deny si Sen. Pimentel na may halong pulitika ang nasabing play.

Iri-remind lang daw nito sa younger generation ang Martial Law sa bansa.

Anyway, music lover pala si Senator. As in mahilig siya sa mga song ni Louis Armstrong.

Samantalang ang mga ginagawang songs ng wife niyang si Mrs. Bing ay na-compile na noon at nakapag-launch na rin ng album.

At sa mga songs na sinulat ni Mrs. Pimentel, favorite ng senador ang Hinahanap-Hanap Kita (hindi ‘yung song ng Rivermaya).

Perfect couple nga sigurong madi-describe ang mag-asawang Pimentel. Never na naiskandalo ang personal life ni Sen. Pimentel although admitted sila na noon, meron din namang arguments sa kanila bilang mag-asawa.

Magaganda ang lyrics ng mga songs na included sa nasabing musical play. Sabi nga ng kasamang Isah Red, kayang pataubin ni Mrs. Pimentel si Vehnee Saturno dahil sa ganda ng lyrics ng mga ginawa nitong kanta.

At ang maganda pala kay Mrs. Pimentel, kaya niyang pagsabayin ang pagsusulat ng lyrics at paglalagay ng melody. Marami kasing ibang composer na lyrics lang ang kayang gawin, iba pa ang naglalagay ng melody.

By the way, included din sa musicale play ang five songs na sinulat ni Senator Pimentel no’ng nakulong siya nang i-declare ni Marcos ang Martial Law.

Base ang script ni Mr. Torre sa librong sinusulat ng senador na naka-schedule i-release next month na tungkol nga sa kanyang mga experience no’ng Martial Law particular na ang apat na beses siyang pagka-detain.

Ipalalabas ang Pag-ibig sa Bayan sa January 21 (premier showing, 8:00), January 28 (matinee show, 3:00 p.m; regular show, 8:00 p.m.) and February 4 (regular show, 8:00 p.m.). Sa Meralco Theater, Ortigas Ave. ang venue ng lahat ng show.

For ticket reservations, please call Sarah, 552-6733, Ruby - 8513120 and Nash 845-4353 and 88636-44.
* * *
Maraming hindi nakamalay na may cameo role pala ang Unlimited Girl ng PLDT’s advertising campaign sa no. 1 movie sa matatapos na Metro Manila Film Festival, Enteng Kabisote.

At hindi lang do’n, napanood din siya sa Ispiritista last November. At ito pa, madalas din daw ito ngayong makita sa clinic ni Dr. Vicki Belo sa Makati. Ibig sabihin ba nito ay nagparetoke siya para maiba ang hitsura niya para sa kanyang commercial ng PLDT?

Anyway, kumuha ng atensyon ng publiko ang tinatawag na Unlimited Girl ng PLDT magmula nang lumabas ang hitsura niya, estilo ng pananamit at kakaibang timbre ng boses sa ipinalabas na TV commericial ng kumpanya.

Naging swak na sawak nga sa mga tao ang gimik na ito ng PLDT kaugnay ng kanilang unlimited call services.

Pero biglang nawala ang Unlimited Girl na ito sa ere matapos siyang ipakita sa commercial kung saan may isang hindi kilalang lalaki na nag-propose ng kasal sa kanya.

Ngayong bigla siyang bubulaga para sa panibagong PLDT commercial na magsisimulang mapanood ngayong araw. Pero may kasama na raw, as in may kasamang papa na!

BAYAN

MARTIAL LAW

MRS

MRS. BING

MRS. PIMENTEL

PAG

PERO

PIMENTEL

UNLIMITED GIRL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with