^

PSN Showbiz

Chynna, tinalakan ang mother ni Ailyn Luna!

RATED A - Aster Amoyo -
Matagal-tagal na ring panahong hindi napapanood sa telebisyon ang dating Seiko Films actress na si Jennifer Sevilla dahil abala ito sa kanyang wig business.  Pero tiyak na matutuwa ang kanyang mga tagahanga dahil regular siyang mapapanood sa panghapong teleserye ng GMA, ang Now and Forever na nasa ika-apat na season na. 

Pero abala man si Jennifer sa kanyang negosyo, hindi raw ito nangangahulugan na hindi na siya interesado sa kanyang acting career.  Kahit kelan ay hindi niya pagsasawaan ang larangan ng pag-arte dahil ito umano ang kanyang first love.

"Hangga’t may magandang offer, hindi ko kailanman tatalikuran ang pag-arte," pahayag ni Jennifer.
* * *
Dati ring Seiko Films baby si Ian Veneracion na hinasa ng kumpanya ni Robbie Tan bilang isang batang action star.  May ilang taon ding namayagpag si Ian sa mga action movies. 

Dahil hindi uso ngayon ang mga action movies, nag-switch na rin si Ian sa pagiging isang dramatic actor.  Katunayan, mas visible pa siya ngayon sa telebisyon kesa ibang malalaking action stars.

Si Ian ay isa sa mga tampok na bituin sa Season 4 ng Now and Forever TV series na pinamagatang Tinig na tinatampukan  nina Yasmien Kurdi, Jay Aquitania, Ailyn Luna at Tin Arnaldo kasama sina Sheryl Cruz, Gary Estrada, Sandy Andolong at Jennifer Sevilla mula sa direksiyon ni Mac Alejandre. 
* * *
Gaano kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na may gap umano ngayon sina Chynna Ortaleza at ina ng Starstruck 2 avenger na si Ailyn Luna?

Ayon sa balitang nakarating sa amin, tinalakan umano ni Chynna ang mommy ni Ailyn sa loob ng dressing room ng SOP Gigsters at narinig umano ito ng ibang tao sa loob ng dressing room. 

Dumating umano si Chynna na mainit na ang ulo nang pumasok sa dressing room kung saan naroon na ang mga gamit ni Ailyn at napagdiskitahan umano nito ang mommy ni Ailyn.

Nagkataon naman na wala sa loob ng dressing room si Ailyn kundi ang mommy lamang niya at ibang alalay ng mga artista na siya umanong nakasaksi sa ginawang pagsusungit ni Chynna.

 Hindi na pinarating ng mommy ni Ailyn ang nasabing insidente sa kanyang anak pero may ibang taong nagparating kay Ailyn kaya nasaktan umano ito sa ginawa ni Chynna sa kanyang mommy.
* * *
Kung tutuusin, sa Amerika na naka-base si Sheryl Cruz at ang kanyang San Francisco-based husband na si Norman Bustos at ang kanilang isang anak pero hindi pa rin talaga tuluyang makalimutan ni Sheryl ang pag-arte.  Hinahanap-hanap pa rin ito ng kanyang katawan kahit pa may trabaho na siya sa Amerika.

Dahil alam ni Norman na mahal ni Sheryl ang pag-arte, pinayagan niya itong bumalik ng Pilipinas at dinadalaw na lamang niya ang kanyang misis tulad nitong nakaraang Pasko at Bagong Taon.

Si Sheryl ay isa sa mga tampok na bituin sa ika-apat na season ng Now & Forever.
* * *
Marami ang nanghihinayang kung bakit hindi gumagawa ng pelikula ang mahusay na komedyanteng si Michael V.  Ganunpaman, hindi ito kawalan dahil tatlu-tatlo ang kanyang regular TV shows. 

Araw-araw siyang napapanood sa Eat Bulaga at kapag araw naman ng Biyernes ay nasa Bubble Gang siya.  Kapag Sabado naman ng gabi ay nasa Bitoy’s Funniest Videos siya.    Bukod sa tatlo niyang TV programs, in-demand din si Michael V. sa mga TV commercials.

Samantala, kakaibang Michael V. na naman ang mapapanood bukas ng gabi sa Bitoy’s Funniest Videos na patuloy sa pamamayagpag sa ratings.

Manager na umano ngayon ng concert queen na si Pops Fernandez si Arnold Vegafria.  Magmula nang pasukin ni Pops ang showbiz ay ang kanyang inang si Dulce Lukban na ang tumatayong manager niya.

Marami ang nanghihinayang na walang regular TV show ngayon si Pops na isa sa mga original hosts ng ASAP.

Speaking of Pops, wala pa ring pag-amin na nagmumula sa kanya o di kaya kay Jomari Yllana tungkol sa kanilang totoong relasyon.  Maugong kasi ang balita na sila na ngayon ng ex-husband ni Aiko Melendez.

Sa isang taon ay papasok na sa kolehiyo ang panganay ng estranged couple na sina Pops at Martin Nievera na si Robin at sa Amerika umano ito mag-aaral.
* * *
Dito na sa Pilipinas ipagpapatuloy ni Jolo Revilla ang kanyang pag-aaral.  Hindi na siya pinayagan ng kanyang mga magulang na sina Sen. Bong Revilla at Lani Mercado dahil nahihirapan itong mag-isa lamang sa Amerika.

Nitong bumalik lamang si Jolo for his Christmas vacation nalaman nina Bong at Lani ang naging problema ni Jolo kaya nagdesisyon silang huwag na ito pabalikin ng Amerika para doon mag-aral at walang nagawa si Jolo kundi ang sundin ang kagustuhan ng kanyang mga magulang.

Ang maganda pa, naayos na ang gusot sa pagitan ng kanyang pamilya at pamilya ni Grace at malaya na rin niyang nadadala sa kanila ang anak nila ni Grace na tila nakabalikan na ng binatang ama.
* * *
E-mail: [email protected]

vuukle comment

AILYN

AMERIKA

CENTER

CHYNNA

KANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with