^

PSN Showbiz

Bakit hindi Rated A ang Blue Moon?

-
Sa tatlong huling pelikulang kalahok sa MMFF na nagbukas noong Bagong Taon, ang Blue Moon ng Regal Entertainment ang pinaka-maingay o matunog na lalaban ng husto sa takilya. Sa tibay ng casting (Eddie Garcia, Christopher de Leon, Dennis Trillo, Mark Herras, Jennylyn Mercado at Pauleen Luna), husay ng pagkakagawa at hataw na promosyon ay inabangan ito ng marami. Sa word-of-mouth pa lang ay benta na ang pelikula.

Wala pa kaming nababasang pintas sa Blue Moon at kung mayroon man ay very minor lang ang mga ito. Higit ding pinapurihan ang pagganap ni Dennis Trillo bilang anak na may kimkim na hinanakit sa kanyang ama na si Boyet de Leon. Mas mahusay pa nga raw ito kay Boyet na mahigpit na tinututulan ni Dennis dahil as far as he is concerned walang pwedeng tumawad sa kakayahan ni De Leon sa pagganap. Inspirado siya dahil pawang magagaling ang kasama niya sa Blue Moon.

Isang bagay ang aming ipinagtataka. Hindi Rated A ang naging grado ng Blue Moon mula sa Cinema Evaluation Board. Kung sabagay, ilang Rated A na pelikulang local na ba ang kumita sa takilya? Meron na ba?
* * *
Muling mauulit ang maramdaming tagpo nang alayan ng bulaklak ni Juris Fernandez (ng MYMP) ang kanyang ina at awitan ng "Because You Love Me" ni Celine Dion. Naganap ito sa major concert ng MYMP last November sa Araneta Coliseum.

Another highlight ay ang Acoustic Medley ng "Pagdating Ng Panahon" (Aiza Seguerra), "Moonlight Over Paris" (Paolo Santos), "Let Me Be The One" (Jimmy Bondoc) at "Nasaan" (Nyoy Volante). Isa itong tribute sa mga acoustic singers na nagpasikat ng mga nabanggit na awitin.

No MYMP concert would be complete kung hindi isasama ang kanilang mga hit songs tulad ng "A Little Bit", "Beauty And Madness" and "Tell Me Where It Hurts".

Taon ang binilang bago naging sikat ang MYMP: Juris at Chin. Last year lang sila nagkaroon ng major concert. Una ay sa Music Museum na hindi mahirap punuin at noong Nobyembre nga sa Araneta Coliseum na dinumog ng mga supporters ng sikat na duo. 17,000 ang pwedeng ilaman ng Big Dome at ito ay napuno.

Kaya naman, may repeat ang Especially For You Concert ng MYMP sa darating na Feb. 3, 2006.
* * *
Isang malaking hamon para sa ABS-CBN na muling buhayin ang top radio at television classic na Gulong ng Palad. Sa totoo lang ay doubtful kami kung marami pa ang makaka-relate dito dahil sa matagal na panahong ipinamahinga nito.

Mga bida sina Kristine Hermosa at TJ Trinidad. It is interesting to know kung gaano kalaki ang simpatiya ng televiewers kay Kristine after several negative publicities on her noong lumipas na 2005. — REMY UMEREZ

vuukle comment

A LITTLE BIT

ACOUSTIC MEDLEY

AIZA SEGUERRA

ARANETA COLISEUM

BAGONG TAON

BEAUTY AND MADNESS

BECAUSE YOU LOVE ME

BLUE MOON

DENNIS TRILLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with