Pelikula nila ni Piolo, hindi ipapapanood ni Juday kay Ryan!
January 5, 2006 | 12:00am
Inunahan ni Judy Ann Santos at ng legal counsel niyang si Atty. Bonifacio Alentajan ang warrant of arrest na ipinalabas ng DOJ para sa kaso ng aktres sa Bureau of Internal Revenue nung nakaraang bakasyon dahil nag-bail na raw ito.
Hindi na binanggit ng leading lady ni Piolo Pascual sa pelikulang Dont Give Up On Us under Star Cinema kung magkano ang bail na inilagak niya at kung ano na ang estado ng kaso niya.
"Nasa korte na siya, so hindi na ako puwedeng magsalita, pero inaayos at magbabayad naman kami," tipid niyang paliwanag.
Halos iisa ang obserbasyon ng lahat sa aktres, blooming at sparkling daw ang mga mata na ngayon lang nangyari sa buhay ni Juday, sobrang in-love?
"Ha, ha, ha! Nakaka-in love talaga ang movie namin ni Piolo, lalo na sa mga lugar, especially Sagada. Once na mapanood ang movie, Im sure, a lot of people will go to Sagada to see the place, really, its a very nice place, its like home to me," nakangiti niyang sambit.
If ever bang lalagay na siya sa "magulong" buhay, gusto niyang mag-stay sa Sagada?
"Why not? Pero nandito ang trabaho ko at family ko, siguro bisita lang, pasyal pag may time," kaswal niyang banggit.
Open na si Budaday sa pagmamahal niya sa boyfriend niyang si Ryan Agoncillo at finally, inamin niyang ang binata na nga ang "right guy" for her na gusto niyang makasama for the rest of her life.
Pero hindi ibig sabihin na magpapakasal na sila soon, dahil as of now ay hindi pa nila napag-uusapan at marami pa siyang plano para sa pamilya niya at gusto pa niyang bumili ng sariling bahay sa isang tahimik at pribadong subdivision.
Lantaran ding inamin ng aktres na hindi niya yayayaing manood ang boyfriend niya ng pelikula nila ni Piolo dahil, "Para ko naman siyang binastos non." Na ikinagulat namin, di nga kaya may konting selos si Ryan kay Piolo or ayaw ng una na makita ang kissing scenes ng girlfriend niya kay Piolo?
Anyway, magkasama sina Juday at Ryan last December 25 na nanood ng pelikulang Kutob at after naman ng putukan last December 31 ay dumating naman sa bahay ng aktres ang binata hanggang mag-umaga na.
Nagulat ang Mommy Deanne Magdayao ni Shaina Magdayao sa headlines sa isang tabloid na naglayas daw si Bea Alonzo sa bahay nila at sa ibang bahay ito nagpalipas ng Pasko at Bagong Taon.
Ayon mismo kay Mommy Deanne, "Hindi totoong naglayas kasi pagkarating nila galing Amerika, umuwi pa si Bea sa bahay nila, tapos nung December 23, ipinagpaalam siya ng anak ko (Shaina) sa mommy niya kung puwede sa amin mag-Pasko, e, pumayag naman, kasi nga bestfriends ang dalawa.
"Tapos, tinawagan ko rin ang mommy ni Bea para malaman niyang nasa amin ang anak niya at umokey naman. Nalulungkot kasi si Bea sa kanila kaya sa amin siya nag-Pasko, umuwi siya ng December 26.
"Hindi ko na alam kung saan na siya nag- New Years Eve. Hindi naglayas si Bea, okey sila sa kanila," ito ang sunud-sunod na pahayag ni Mommy Deanne nung malaman niya ang nasulat na isyu.
Malaking palaisipan nga naman dahil ispesyal na okasyon para sa Filipino Family ang December 25 at December 31 kaya bakit sa ibang bahay inabot ang aktres? Nabanggit pa ang pagsusugal daw diumano ng kanyang ina na tila hindi gusto ng aktres?
Siguro dapat magpalabas ng statement ang Star Magic sa isyung ito kay Bea dahil hindi magandang publicity promo ito para sa nalalapit na showing ng pelikula niya.
Teka, nasaan ang manager ni Bea, bakit parang tahimik siya sa isyu? REGGEE BONOAN

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am