^

PSN Showbiz

Pulitika ang madalas pag-awayan nina Gary at Bernadette

- Veronica R. Samio -
Nagugulat di lamang si Gary Estrada kundi maging ang misis niyang si Bernadette Allyson kapag may nababasa silang balita na naghiwalay daw sila.

"Hindi na lang namin pinapansin," panimula ni Gary sa presscon ng Tinig, ang ika-4th season ng Now & Forever.

"Pero, siguro kahit magkatotoo ito ay di pa rin namin papansinin. Ang mahalaga kasi ay kung paano namin iha-handle ang sitwasyon.

"Hindi ko naman sasabihin na hindi kami nag-aaway ni Bernadette. Ang madalas naming pag-awayan ay pulitika. Pagdating kasi dito ay sarado na ang isip ng asawa ko. Lagi niyang sinasabi na sa halip na pulitika ay ang future namin ang paghandaan namin.

"Sa ngayon, I am thinking of my options, baka hindi na rin ako tumakbo at mag-concentrate na lamang sa aking career.

"Pumasok na rin kaming mag-asawa sa negosyo. May binuksan akong parlor para sa asawa ko na sinabayan din niya ng negosyo ng garments. Binuksan ko na rin ang opisina ko sa San Juan," dagdag pa ng aktor na bukod sa kanyang comeback sa local showbiz ay nakagawa rin ng isang Malaysian TV show at isang British film. Parehong di pa ito naipapalabas.

"Ewan ko ba parang nalilinya ako sa mga roles na tinatanggihan ng iba. Yung Malaysian TV assignment para kay Albert Martinez yun. Hindi niya nagawa kaya inoffer ito sa akin ni Kitchie Benedicto.

"Yung British film naman dapat ay kay Monsour del Rosario, di siya pinayagan ng network na pinagtatrabahuhan niya kaya napunta na naman sa akin.

"Okay lang sa akin maging second choice. Trabaho ito at sa panahong ito na mahirap at mahina ang showbiz dito sa atin, malaking blessing na yung makakagawa ako internationally."

Isa siyang composer sa Tinig, inibig ng isang sikat na singer na nagkaro’n ng malaking problema sa kanyang career nang mabuntis niya ito. Gusto ng ambisyosang ina ng singer na ipamigay ang bata makatapos na isilang niya ito.

Kasama ni Gary sa serye na mapapanood simula Enero 9, Lunes- Biyernes, GMA7 sina Sheryl Cruz, Yasmien Kurdi, Sandy Andolong, Jay Aquitania, Ailyn Luna, Tin Arnaldo, Ian Veneracion, Jennifer Sevilla, Dino Guevarra, Jan Marini, Allan Paule at Neil Ferreira.
* * *
Dapat sigurong batiin si Edu Manzano dahil matataapos na ang ginaganap na MMFF pero wala pa ring lumalabas ni isa mang pirated copy ng alinman sa 10 pelikula na kasali rito. Kahapon ay namasyal si Edu sa Quiapo, pinaka-malaking lugar na nagbebenta ng mga pirated tapes at binati niya ang mga naroroon sa ginawa nilang pagsunod sa hiling niyang huwag mag-pirate ng mga pelikulang kasali sa MMFF. Mag-isa lamang siyang pumunta run, walang kasama ni isa mang pulis o bodyguard at iniisa-isang pasukin ang mga tindahan sa naturang lugar.
* * *
Kamakailan ay tumanggap ang Encantadia ng parangal mula sa 3rd Annual Gawad Amerika Awards na ginanap nung Dis. 23 sa Hollywood LA bilang Best Soap Opera habang si Sunshine Dizon naman ang tinanghal na Best Drama Actress para sa kanyang role bilang Pirena. Naroon din sina Iza Calzado at Direktor Mark Reyes para tanggapin ang award para sa programa. Ang Gawad Amerika ay isang award-giving body sa US na kumikilala sa kakayahan ng mga local artists na kinikilala ng mga Pinoy sa US.

AILYN LUNA

ALBERT MARTINEZ

ALLAN PAULE

ANNUAL GAWAD AMERIKA AWARDS

BERNADETTE ALLYSON

BEST SOAP OPERA

DINO GUEVARRA

DIREKTOR MARK REYES

DRAMA ACTRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with