Oyo Boy at Angel, inisnab ang death anniversary ni Miko
January 2, 2006 | 12:00am
Dumalo kami sa red carpet premiere night ng pelikulang Blue Moon na tinatampukan nina Eddie Garcia, Boots Anson Roa, Christopher de Leon, Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Mark Herras, Pauleen Luna, Tintin Arnaldo, Tintin Bersola Babao at Polo Ravales na dinirek ni Joel Lamangan sa ilalim ng Regal Films. Itoy ginanap sa SM Megamall nung nakaraang Huwebes ng gabi. Dumalo sa nasabing premiere ang mga stars ng pelikula. Naroon din sina Ricky Davao, Direk Mel Chionglo, Tony Mabesa at iba pang celebrities.
Nakatabi namin ng upuan ang movie critic na si Mario Bautista at iisa ang aming obserbasyon, malaki ang chance ng pelikula na tanghaling Best Picture sa darating na gabi ng parangal ng MMFF sa Aliw Theater sa Enero 6. Si Eddie Garcia rin ang aming bet bilang Best Actor habang si Joel Lamangan naman ang Best Director. Maugong naman ang usap-usapan na malamang na makuha ni Zsazsa Padilla ang Best Actress trophy dahil sa napakahusay nitong pagganap sa Ako Legal Wife na dinirek din ni Joel Lamangan.
Sa totoo lang, gandang-ganda kami sa pagkakagawa ng Blue Moon mula sa istorya, sinematograpia, production, editing at iba pa at umaasa kami na itoy susuportahan ng mga manonood.
Samantala, kahit sabay na dumating sa premiere at magkatabi ng upuan ang dating magkasintahang Jennylyn Mercado at Mark Herras, patuloy silang nag-dedmahan bagay na napuna ng mga fans sa loob ng sinehan.
Dalawa ang film entry ng award-winning veteran actor na si Eddie Garcia sa ongoing Metro Manila Film Festival, ang Blue Moon at ang action movie na Terrorist Hunter. Maging si Eddie ay nagulat sa pagkakapasok ng Terrorist Hunter sa unang top 7 ng MMFF pero hindi siya gaanong umasa na itoy tatangkilikin ng mga tao dahil bukod sa luma ang pelikula, wala itong promosyon.
Kung hindi man ito kumita sa takilya na produced ng Double Impact Productions, kakaiba naman ang inaasahan ng marami sa Blue Moon dahil marami ang nagsasabi na ito ang mangunguna sa tatlong pelikulang nagbukas kahapon. Ang dalawa pa ay ang Mourning Girls at ang Isusumbong Kita sa Kuya Ko.
Parehong hindi nakadalo sina Angel Locsin at Oyo Boy Sotto sa 2nd death anniversary ni Miko Sotto nung nakaraang December 29 na ginanap sa Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque dahil pareho silang nasa Boracay kasama ang mommy ni Oyo na si Dina Bonnevie at kapatid na si Danica Sotto. Hindi naman siguro magtatampo si Miko sa kanyang pinsan na si Oyo Boy at kasintahan nitong si Angel.
Kung tutuusin, ito lang halos ang pinaka-bakasyon ni Angel dahil sagad-sagaran ang kanyang trabaho.
Bago sinagot ni Angel si Oyo ay nagpaalam ito sa puntod ni Miko at ganoon din ang ginawa ni Oyo Boy. Nagpaalam din siya sa kanyang namayapang pinsan.
Narito ang update ng tumatakbong Metro Manila Film Festival:
Halos P180-M na ang kinita ng pitong pelikulang kalahok na pinangungunahan ng Enteng Kabisote 2 - P47-M; Exodus - P30-M; Mulawin: The Movie - P29-M; Ako Legal Wife - P19-M; Shake, Rattle & Roll 2K5 - P-17-M; Kutob - P9-M at mahigit P1-M naman ang Terrorist Hunter.
Kung titingnan, halos dikit na dikit na ang gross ng Exodus at Mulawin: The Movie at halos isang milyon na lamang ang kanilang pagitan at malaki ang posibilidad na magpalit ng puwesto ang dalawa sa pagtakbo ng festival.
Pero ang mahalaga, ang Top 3 sa MMFF ay patuloy na humahatak sa takilya na pare-pareho ang genre, adventure-fantasy.
Nakapag-silang na si Jodi Sta. Maria ng una nilang supling ng kanyang husband na si Panfilo Pampi Lacson. Baby boy ang isinilang ni Jodi sa Amerika kung saan naka-base ngayon ang aktres kasama ang kanyang asawa.
December 23 isinilang ni Jodi via normal delivery ang kauna-unahang apo ni Sen. Panfilo Lacson. Panfilo Lacson III umano ang magiging pangalan ng bagong silang at malamang na Third ang maging palayaw ng bata.
Sina Jodi at Pampi ay namamahala ng negosyo ng mga Lacson sa L.A.
Kung sa Eat Bulaga nabuo ang loveteam nina Ciara Sotto at Paolo Ballesteros, sa nasabing programa rin na-develop ang extra closeness ngayon nina Keempee de Leon at Pauleen Luna.
Hindi ikinakaila ng isa sa mga mainstay ng Bahay Mo Ba To na si Keempee na ispesyal sa kanya ngayon si Pauleen at tila tuluyan na niyang kinalimutan ang kanyang pamimintuho sa nakababatang kapatid ni Ara Mina na si Cristine Reyes.
Hindi pa man umaamin sina Keempee at Pauleen, halata sa kanilang mga kilos na may unawaan na ang dalawa bagay na sinusuportahan naman ng ama ni Keempee na si Joey de Leon.
[email protected]
Nakatabi namin ng upuan ang movie critic na si Mario Bautista at iisa ang aming obserbasyon, malaki ang chance ng pelikula na tanghaling Best Picture sa darating na gabi ng parangal ng MMFF sa Aliw Theater sa Enero 6. Si Eddie Garcia rin ang aming bet bilang Best Actor habang si Joel Lamangan naman ang Best Director. Maugong naman ang usap-usapan na malamang na makuha ni Zsazsa Padilla ang Best Actress trophy dahil sa napakahusay nitong pagganap sa Ako Legal Wife na dinirek din ni Joel Lamangan.
Sa totoo lang, gandang-ganda kami sa pagkakagawa ng Blue Moon mula sa istorya, sinematograpia, production, editing at iba pa at umaasa kami na itoy susuportahan ng mga manonood.
Samantala, kahit sabay na dumating sa premiere at magkatabi ng upuan ang dating magkasintahang Jennylyn Mercado at Mark Herras, patuloy silang nag-dedmahan bagay na napuna ng mga fans sa loob ng sinehan.
Kung hindi man ito kumita sa takilya na produced ng Double Impact Productions, kakaiba naman ang inaasahan ng marami sa Blue Moon dahil marami ang nagsasabi na ito ang mangunguna sa tatlong pelikulang nagbukas kahapon. Ang dalawa pa ay ang Mourning Girls at ang Isusumbong Kita sa Kuya Ko.
Kung tutuusin, ito lang halos ang pinaka-bakasyon ni Angel dahil sagad-sagaran ang kanyang trabaho.
Bago sinagot ni Angel si Oyo ay nagpaalam ito sa puntod ni Miko at ganoon din ang ginawa ni Oyo Boy. Nagpaalam din siya sa kanyang namayapang pinsan.
Halos P180-M na ang kinita ng pitong pelikulang kalahok na pinangungunahan ng Enteng Kabisote 2 - P47-M; Exodus - P30-M; Mulawin: The Movie - P29-M; Ako Legal Wife - P19-M; Shake, Rattle & Roll 2K5 - P-17-M; Kutob - P9-M at mahigit P1-M naman ang Terrorist Hunter.
Kung titingnan, halos dikit na dikit na ang gross ng Exodus at Mulawin: The Movie at halos isang milyon na lamang ang kanilang pagitan at malaki ang posibilidad na magpalit ng puwesto ang dalawa sa pagtakbo ng festival.
Pero ang mahalaga, ang Top 3 sa MMFF ay patuloy na humahatak sa takilya na pare-pareho ang genre, adventure-fantasy.
December 23 isinilang ni Jodi via normal delivery ang kauna-unahang apo ni Sen. Panfilo Lacson. Panfilo Lacson III umano ang magiging pangalan ng bagong silang at malamang na Third ang maging palayaw ng bata.
Sina Jodi at Pampi ay namamahala ng negosyo ng mga Lacson sa L.A.
Hindi ikinakaila ng isa sa mga mainstay ng Bahay Mo Ba To na si Keempee na ispesyal sa kanya ngayon si Pauleen at tila tuluyan na niyang kinalimutan ang kanyang pamimintuho sa nakababatang kapatid ni Ara Mina na si Cristine Reyes.
Hindi pa man umaamin sina Keempee at Pauleen, halata sa kanilang mga kilos na may unawaan na ang dalawa bagay na sinusuportahan naman ng ama ni Keempee na si Joey de Leon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended