Sarah, maraming achievement last year
January 2, 2006 | 12:00am
Ngayong bagong taon, maraming ipagpasalamat ang young superstar, Sarah Geronimo.
Kabi-kabila ang natanggap niyang blessing na sobra-sobra pa sa kanyang inaasahan. Bukod sa kanyang successful recording career, hindi rin siya nabakante sa concert series at TV show sa ABS-CBN. Pero ang pinaka-importanteng nangyari sa pagtatapos ng taon ay ang kanyang matagumpay na solo concert na ginanap sa Araneta Coliseum last September. Nagawa niyang punuuin ang Big Dome na pinangarap niya.
"Lahat naman po, importante and memorable ang mga nangyari sa career ko ngayong taon. Sobrang rami ng blessings ko na nakatulong ng malaki sa pamilya ko," sabi ni Sarah.
Napapanood sa The Filipino Channel sa ABS-CBN ang mga show niya kaya naman kilalang-kilala siya sa ibang bansa. Walong State sa Amerika ang pinuntahan nila nang maglibot sila last year. Si Boss Vic del Rosario ang mismong naka-witness kung paano si Sarah pinagkaguluhan at isigaw ang pangalan sa lahat ng puntahan nilang lugar sa Amerika.
Hindi lang sa America tinitilian si Sarah. Maging sa Japan, Europe, sa Dubai at iba pang bansang maraming Pilipinong naninirahan. Maging sa probinsiya ay kabi-kabila ang naging tagumpay ni Sarah.
Ang kanyang album ay patuloy din ang pagbenta hanggang ngayon. Pinaka-latest ang "Sarah Geronimo Live" from her concert, Sarah Geronimo, The Other Side. Nanalo rin siya sa Gawad Amerika, ang isang independent award giving body sa Amerika na kumikilala sa kakayahan ng mga local artists na kinikilala rin ng ating mga kababayan sa Amerika. Kasama niyang nanalo as Performer of the Year si Christian Bautista.
At ang kanyang solo show na Little Big Star sa ABS-CBN, kasama ang nasabing programa sa may pinaka-mataas na rating sa weekend shows ng ABS-CBN. Maging ang portion nila sa ASAPMania kasama ang buong grupo ng The Champion ang may pinaka-maraming share ng viewers base sa survey.
"Marami po talaga akong dapat ipagpasalamat ngayong taon. Minsan nga po hindi na ako nanghihingi sa Diyos. Ipinagdarasal ko na lang na maging healthy sa lahat ng oras ang family ko at ako rin para ma-accommodate kong lahat ng project at offers na dumarating dahil kahit minsan pagod, masayang-masaya po ako sa ginagawa ko," natatawang sabi ni Sarah.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended