^

PSN Showbiz

BJ Tolits, siningil ng reporter sa mga isinulat sa kanya!

-
Hinding-hindi makakalimutan ni Mrs. Annie Forbes, nanay ng sikat na batang actor-commercial model na si BJ Tolits Forbes ang nakaraang Pasko. May nagustuhang isang toy car si BJ sa isang mall at ipinabibili nito sa ina. Libo ang halaga ng laruan at wala silang pambili, kaya sinabi na lang nito sa anak na next time na lang, kapag may pera na sila. Sinabi raw ni Tolits na hahanap siya ng pera at babalikan ang laruang pangarap.

Noon nakaisip sumali ni Tolits sa That’s My Boy portion ng Eat Bulaga.

Nanalo naman sa programa si Tolits. Yung premyong cash ay ipinambili nila ng laruang gustung-gusto niya. Mabuti na lang daw at hindi pa ito nabibili, dahil sa kamahalan nito. Yung perang kinikita ni Tolits ngayon sa commercial at pag-aartista ay inilalagay nila sa bangko, sa pangalan ni Tolits.

Kasali si Tolits sa Exodus starring Bong Revilla. Puring-puri siya ng actor dahil bukod daw sa cute siya magaling pang mag-adlib.

May naging bad experience silang mag-ina sa isang reporter noong araw. May kumausap daw sa kanila at sinabing iinterbyuhin si BJ. Pumayag naman sila. Paglabas raw ng interbyu, pumunta ang reporter sa bahay nila at may bill na ipinakita, kabayaran daw ng isinulat nila kay BJ. Wala silang pera pero nagbigay sila ng kaunti. Tinanggap naman ng sumulat. Naloka ang ina ni BJ dahil di niya alam na may ganun palang kalakaran sa showbiz. – VIR GONZALES

vuukle comment

BONG REVILLA

EAT BULAGA

KASALI

LIBO

MRS. ANNIE FORBES

MY BOY

NALOKA

NANALO

TOLITS

TOLITS FORBES

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with