Enteng vs Exodus sa takilya!
December 27, 2005 | 12:00am
Gaano katotoo na magkarelasyon na raw ngayon sina Paolo Contis at Isabel Oli?
Ito ang tsika sa amin ng staff ng Love to Love na nung una ay hindi raw nila pinapansin ang closeness ng dalawa dahil nga magka-trabaho sa nabanggit na soap drama at baka nga nagba-bonding lang ang dalawa since magkasama rin sila sa Sugo.
Pero nitong mga huling araw, kakaiba na ang kilos nila at saka madalas silang dalawa lang ang nag-uusap sa sasakyan o kaya sa kuwarto. Hindi pa rin namin masyadong binigyan ng malisya, pero nago-observe na kami.
"E, pansin namin na sweet si Paolo kay Isabel, ganun din si Isabel at parang kakaiba yung tinginan nila," kuwento sa amin.
If ever na totoo nga ito ay wala naman kaming nakitang masama dahil pareho namang available sina Paolo at Isabel at sa tingin namin ay talagang bagay at magkakasundo sila dahil pareho silang homebody.
Di ba nga kaya hindi nagtagal ang relasyon ni Paolo sa kapatid ni Paolo Paraiso na si Bubbles dahil hindi raw keri ni Paolo ang lifestyle ni Bubbles na mahilig sa nightlife kasi nga modelo at bata pa.
Wish namin for Paolo at Isabel na magtagal sila dahil pareho naman sila na gusto ng tahimik na relasyon.
Habang tinitipa namin ang kolum na ito ay may kumakalat sa text messages na naungusan na ng Exodus: Tales from the Enchanted Kingdom ang Enteng Kabisote 2: The Legend Continues, ayon daw mismo sa booker.
Tinawagan namin si Ms. Aster Amoyo, publicity director ng pelikula ni Vic Sotto na wala pa raw siyang advise kung Exodus na nga ang nangunguna ngayon dahil ang hawak niyang resulta ay ang 1pm result (December 26) at hinihintay pa niya ang pang alas tres.
"Wala namang problema kung mag-number 2 ang Enteng, at mag-number 1 ang Exodus, ang mahalaga, kumita ang mga pelikula. At saka si Vic, sinabi naman niya na hindi niya kinakalaban ang ibang pelikula kundi ang sarili niya kasi nga baka hindi na niya malagpasan ang kinita ng Enteng last year dahil breaking all records talaga sa history ng MMFF," paliwanag sa amin.
At base rin sa lahat ng kakilala naming nanonood ngayon ng mga pelikula ng MMFF ay halos nasa dalawang pelikulang nabanggit nga raw ang pila ng tao.
Nakakalungkot lang dahil kung gaano humahataw ang Enteng Kabisote ay tila bilang naman sa daliri ang taong nanonood ng Kutob na produced ng Canary Films. REGGEE BONOAN
Ito ang tsika sa amin ng staff ng Love to Love na nung una ay hindi raw nila pinapansin ang closeness ng dalawa dahil nga magka-trabaho sa nabanggit na soap drama at baka nga nagba-bonding lang ang dalawa since magkasama rin sila sa Sugo.
Pero nitong mga huling araw, kakaiba na ang kilos nila at saka madalas silang dalawa lang ang nag-uusap sa sasakyan o kaya sa kuwarto. Hindi pa rin namin masyadong binigyan ng malisya, pero nago-observe na kami.
"E, pansin namin na sweet si Paolo kay Isabel, ganun din si Isabel at parang kakaiba yung tinginan nila," kuwento sa amin.
If ever na totoo nga ito ay wala naman kaming nakitang masama dahil pareho namang available sina Paolo at Isabel at sa tingin namin ay talagang bagay at magkakasundo sila dahil pareho silang homebody.
Di ba nga kaya hindi nagtagal ang relasyon ni Paolo sa kapatid ni Paolo Paraiso na si Bubbles dahil hindi raw keri ni Paolo ang lifestyle ni Bubbles na mahilig sa nightlife kasi nga modelo at bata pa.
Wish namin for Paolo at Isabel na magtagal sila dahil pareho naman sila na gusto ng tahimik na relasyon.
Tinawagan namin si Ms. Aster Amoyo, publicity director ng pelikula ni Vic Sotto na wala pa raw siyang advise kung Exodus na nga ang nangunguna ngayon dahil ang hawak niyang resulta ay ang 1pm result (December 26) at hinihintay pa niya ang pang alas tres.
"Wala namang problema kung mag-number 2 ang Enteng, at mag-number 1 ang Exodus, ang mahalaga, kumita ang mga pelikula. At saka si Vic, sinabi naman niya na hindi niya kinakalaban ang ibang pelikula kundi ang sarili niya kasi nga baka hindi na niya malagpasan ang kinita ng Enteng last year dahil breaking all records talaga sa history ng MMFF," paliwanag sa amin.
At base rin sa lahat ng kakilala naming nanonood ngayon ng mga pelikula ng MMFF ay halos nasa dalawang pelikulang nabanggit nga raw ang pila ng tao.
Nakakalungkot lang dahil kung gaano humahataw ang Enteng Kabisote ay tila bilang naman sa daliri ang taong nanonood ng Kutob na produced ng Canary Films. REGGEE BONOAN
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am