Cherry Lou, bumaling na rin sa negosyo!
December 27, 2005 | 12:00am
Sa kanyang gulang na 23, hindi pa naman tinatalikuran ni Cherry Lou ang kanyang showbiz career. May mga projects pa rin naman siya. Tulad ng napapanood siya tuwing Sabado sa programang Wowowee ng ABS CBN. Regular din siya sa Blind Item ng ABC 5. Soon, she will be seen in a teleserye na magtatampok kina Piolo Pascual at Judy Ann Santos. At dahil marunong din siyang kumanta at magsayaw, marami siyang bookings di lamang dito sa atin kundi maging sa ibang bansa. Tulad ng Japan, Dubai at Guam. Nasa Metro Bar siya sa Pebrero 8 para sa isang maagang Valentines show kasama sina Jenny Miller at Maricar de Mesa.
Sa kabila ng kanyang kaabalahan, nagsimula na ng isang negosyo si Cherry Lou, nagbukas siya ng isang shift crew manning agency na pinangalanan niyang Unicol Management Services Incorporated. "Paghahanda lang para sa future," ani Cherry nang makausap ko recently. "Napaka-unstable ng showbiz. Mabuti na yung may fall back ako kung saka-sakali," dagdag pa niya.
May isang linggo pa bago ang Bagong Taon, bago natin mapanood ang ipinagmamalaking pelikula ng Teamwork/Zennet World sa direksyon ni Gil Portes na pinamagatang Mourning Girls. Tampok dito sina Ricky Davao, Glydel Mercado, Chinchin Gutierrez, Juliana Palermo at ang bagets na si Cogie Domingo na halos lahat yata nang ginawang pelikula ay sa filmfest napanood. Tulad ng Sa Piling ng Aswang, Death Row, Mano Po 1 & 2, Happy Together at ito ngang Mourning Girls. Ginagampanan niya ang role ng anak nina Ricky Davao at Glydel Mercado with Cristine Reyes as his leading lady.
Maraming nagsasabi na problemang makatrabaho si Cogie pero walang naging problema sa kanya ang kanyang direktor sa Mourning Girls na si Gil Portes. Maaga siyang dumarating sa set. Kung nali-late siya, mga 15 hanggang 30 minutes lang na hindi naman naapektuhan ang schedule ng pelikula at hindi ikinagalit ni Portes. Na-compensate kung anuman ang pagkukulang niya ng pangyayaring magaling siyang artista, di niya pinahirapan ang direktor niya.
Sa kabila nito, sinabi ni Cogie na seseryosohin na niya ang pag-aartista niya. Kung anuman ang mga naging kasalanan niya in the past, iiwan na niya sa pagpasok ng Bagong Taon.
Mag-aaral na rin siya, pagbibigyan na niya ang kanyang ina na pangarap na makita siyang sumusunod sa yapak ng kanyang ama na isang mahusay na human rights lawyer.
Ang iba pang cast ng Mourning Gilrs ay sina Paolo Serrano, Ken Punzalan, McMiel Dennison, Janna Victoria, Dexter Doria, Roy Alvarez at si Oskar Peralta.
Sa kabila ng kanyang kaabalahan, nagsimula na ng isang negosyo si Cherry Lou, nagbukas siya ng isang shift crew manning agency na pinangalanan niyang Unicol Management Services Incorporated. "Paghahanda lang para sa future," ani Cherry nang makausap ko recently. "Napaka-unstable ng showbiz. Mabuti na yung may fall back ako kung saka-sakali," dagdag pa niya.
Maraming nagsasabi na problemang makatrabaho si Cogie pero walang naging problema sa kanya ang kanyang direktor sa Mourning Girls na si Gil Portes. Maaga siyang dumarating sa set. Kung nali-late siya, mga 15 hanggang 30 minutes lang na hindi naman naapektuhan ang schedule ng pelikula at hindi ikinagalit ni Portes. Na-compensate kung anuman ang pagkukulang niya ng pangyayaring magaling siyang artista, di niya pinahirapan ang direktor niya.
Sa kabila nito, sinabi ni Cogie na seseryosohin na niya ang pag-aartista niya. Kung anuman ang mga naging kasalanan niya in the past, iiwan na niya sa pagpasok ng Bagong Taon.
Mag-aaral na rin siya, pagbibigyan na niya ang kanyang ina na pangarap na makita siyang sumusunod sa yapak ng kanyang ama na isang mahusay na human rights lawyer.
Ang iba pang cast ng Mourning Gilrs ay sina Paolo Serrano, Ken Punzalan, McMiel Dennison, Janna Victoria, Dexter Doria, Roy Alvarez at si Oskar Peralta.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended