Walang pakialam ang mga manonood kung di man magaling kumanta si Sam!
December 25, 2005 | 12:00am
Nabaliw naman kami sa mga comment ng kasamahan sa hanapbuhay na nakapanood sa premiere night ng Mulawin, The Movie na ginanap sa SM North Edsa last Friday night dahil iisa ang kanilang mga sinabi.
"Anong nangyari parang minadali. Dala-dalawa pa man din ang director," ito ang mga eksaktong pahayag at mensahe sa amin.
Pero, maganda ang aerial fight scene na ipinagmamalaki rin ni Richard Gutierrez dahil nga nahirapan siya rito.
Kung ibabase naman daw sa response ng tao na nanood sa premiere night ay tiyak na kikita ang Mulawin, The Movie, pero kung inaambisyon ng Siete na mag-number one raw ito, e, malabo sila.
Kinulang ng upuan ang Klownz Araneta sa mga taong nanood ng show ni Aiai delas Alas na may titulong Ai Pasko Na with special guests, Lito Camo, Jimmy Santos at Sam Milby.
Hindi ito eksaherado, pero umapaw ang tao nung Biyernes ng gabi kayat masaya si Aiai dahil may babaunin daw siya papuntang Cyprus at pang bonus sa staff.
In fairness, mukhang inspired nung gabi si Ms. Aiai dahil magaganda ang adlib spiels niya at maganda ang aura niya dahil sabi niya, "Maganda ang crowd nung gabi, masaya kaya ginanahan ako."
At sa totoo lang, para kaming nasa Expo Filipino ulit nung tawagin ang pangalan ni Sam para kumanta, susme, nabingi-bingi kami sa hiyawan ng mga kababaihan at halos lahat ay nakataas ang cellphone at dalang digital camera para piktyuran si Sam.
In fairness, humanga rin kami sa Pinoy Big Brother housemate na ito dahil maski na masama ang pakiramdam ay nagawa pa rin niyang pumunta dahil nga ayaw niyang magalit ang nag-iisang Comedy Concert Queen.
Hindi kami nagagandahan sa boses ni Sam, pero mukhang idinuduyan naman sa langit ang mga babaeng naroon sa awiting "Only You" na sariling areglo ng binata at siyempre, ang duet nila ni Aiai na "Ill Be" na talagang hiyawan ang tao dahil nga hinaharot ng komedyana ang bagong crush ng bayan.
"In fairness, propesyonal siya, at sana hindi siya magbago, malayo pa ang mararating niya," comment ni Aiai tungkol sa binata. Reggee Bonoan
"Anong nangyari parang minadali. Dala-dalawa pa man din ang director," ito ang mga eksaktong pahayag at mensahe sa amin.
Pero, maganda ang aerial fight scene na ipinagmamalaki rin ni Richard Gutierrez dahil nga nahirapan siya rito.
Kung ibabase naman daw sa response ng tao na nanood sa premiere night ay tiyak na kikita ang Mulawin, The Movie, pero kung inaambisyon ng Siete na mag-number one raw ito, e, malabo sila.
Hindi ito eksaherado, pero umapaw ang tao nung Biyernes ng gabi kayat masaya si Aiai dahil may babaunin daw siya papuntang Cyprus at pang bonus sa staff.
In fairness, mukhang inspired nung gabi si Ms. Aiai dahil magaganda ang adlib spiels niya at maganda ang aura niya dahil sabi niya, "Maganda ang crowd nung gabi, masaya kaya ginanahan ako."
At sa totoo lang, para kaming nasa Expo Filipino ulit nung tawagin ang pangalan ni Sam para kumanta, susme, nabingi-bingi kami sa hiyawan ng mga kababaihan at halos lahat ay nakataas ang cellphone at dalang digital camera para piktyuran si Sam.
In fairness, humanga rin kami sa Pinoy Big Brother housemate na ito dahil maski na masama ang pakiramdam ay nagawa pa rin niyang pumunta dahil nga ayaw niyang magalit ang nag-iisang Comedy Concert Queen.
Hindi kami nagagandahan sa boses ni Sam, pero mukhang idinuduyan naman sa langit ang mga babaeng naroon sa awiting "Only You" na sariling areglo ng binata at siyempre, ang duet nila ni Aiai na "Ill Be" na talagang hiyawan ang tao dahil nga hinaharot ng komedyana ang bagong crush ng bayan.
"In fairness, propesyonal siya, at sana hindi siya magbago, malayo pa ang mararating niya," comment ni Aiai tungkol sa binata. Reggee Bonoan
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended