Umulan ng pera, groceries, appliances at tuwa sa PSN/PM Christmas party
December 25, 2005 | 12:00am
Araw ng Biyernes yun, Disyembre 16, simula ng weekend dito sa Pilipinas na ang Sabado at Linggo lamang ang itinuturing na araw na pamamahinga, ang limamg natitirang araw ay araw ng pagtatrabaho.
Dito sa amin sa Pilipino Star Ngayon (PSN), araw yun ng isang malaking selebrasyon, isang taunang pagsasama-sama para sa maagang pagdiriwang ng Pasko. Araw din yun ng mga nagtatrabaho sa aming sister publication, ang PM na marami na ring tinatalong mga datihan nang babasahin pagdating sa sirkulasyon gayong tatatlong taon pa lamang ito.
Childrens Party ang theme ng aming party this year. Lahat ay inanyayahang dumating ng nakasuot bata o anumang kasuotan na may kinalaman sa mga bata. Mayron ding inimportang mga clowns.Ako, nagpasadya pa ng baby dress complete with a Goldilocks braid, school shoes, barbie bag at baby socks, all in pink.
Marami ang dumating na nakasuot bata rin, naka-pig tail, naka shorts, suspenders and all. Marami rin ang may dalang balloons. Maganda, masaya ang ambience.
Pati hosts ng party ay wholesome, sayang at di nakarating yung mga inimbita. At halos lahat ng inimbita, ay mayroong naunang commitments, tatlong malalaking publications ang sabay-sabay nag-party, may party rin ang isang malaking network kaya di ako nakahatak ng artista. Salamat sa tulong ng PM editor na si Salve Asis, may mga naparating siya ng ura-urada. Pero, okay na sa mga empleyado. Ang importante kasi ay magkakasama ang lahat, at mayrong kanya-kanyang presentations ang bawat departamento, nawala ang isip nila sa mga artista.
Anyway, nagdagdag sa kasiyahan ng mga PSN people at maging ng mga big bosses ang presence nina Juliana Palermo, Erik Santos, Karylle Marquez, BJ Forbes, Maoui David at Inday Garutay, Mari Nallos, Katrin Gonzales Hot Babes, Marian Rivera at Darling Laviña.
Literally, umulan ng mga regalo, from blenders to electric fans na nakuha ng lahat ng natalo sa anumang pakontes, pwera pa rito ang mga grocery na nakalagay sa mga plastic containers.
Ang pa-raffle umabot sa P25 thousand cash para sa grand raffle pero mayron ding P10 at P15 at P5 thousand, lahat cash.
Umulan din ng mga malalaking appliances, washing machines, tv sets, refs, microwave ovens, bread toasters, cassettes at kung anu- ano pa. Lahat ng natalo sa presentations were given P3 thousand each at ang nagwagi naman ay binigyan ng P15,000.
Sa best in costume, P3,000 ang bigay sa winner at may tig-P500 ang lahat ng sumali.
Masaya ang okasyon na siguro ay lalo pang naging masaya kung di lamang nagkagulo na ang lahat pagkatapos ng party sa pagkuha ng kanilang mga consolation prizes na binubuo ng groceries, electric fans at blenders.
Marami ang gusto pang makipagsayawan at makipag-kantahan pero, kumain ng malaking oras ang bigayan ng mga regalo. Let us just hope na next year, na 20th year ng PSN ay maging mas masaya pa ito at mas manigo.
Salamat sa mga bossing ng PSN at PM na walang sawa sa pagbibigay ng kasiyahan at incentive sa mga manggagawa ng PSN at PM. Tulad ni Boss Miguel Belmonte.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended