Kinatatakutan sa MMFF
December 22, 2005 | 12:00am
Habang papalapit ng papalapit ang Metro Manila Film Festival ay lumulutang ang prediksyon kung sino ang mangunguna sa takilya na siyang tinatarget ng bawat producer.
Ang kinatatakutang pelikula ni Erik Matti ay ang Enteng Kabisote.
"May track record sa takilya si Vic. Ang huling pelikula niya na Ispiritista ay waging-wagi. With or without special effects ay tinatangkilik ang kanyang mga pelikula," ang wika ni Erik na siyang direktor ng Exodus: Tales From the Enchanted Kingdom.
This doesnt mean na walang kalaban-laban ang special effects na ginastusan ng husto at hindi na pahuhuli sa special effects na yaring Hollywood.
Pinapurihan ni Erik ng husto si Sen. Bong Revilla Jr. dahil sa hindi nito pag-angal kahit na nag-over budget sila. "When itcomes to special effects ay malayo na ang ating narating kaya lang ay huwag nilang ihahambing ang mga ito sa pelikulang tulad ng Lord Of The Rings or Harry Potter.
Sa obserbasyon ni Erik, malamang na maging dark horse ang Shake Rattle & Roll.
Nagulat pa mandin si Eddie Garcia nang malaman niyang pumasok ang Terrorist Hunter na kung saan siya ang bida sa Magic 7 na mga pelikulang showing on Christmas Day. Kami man ay nagulat. May istorya behind the original producer ng pelikulang ito na hindi na namin uungkatin pa. Ang isa pang bida dito ay si Dennis Roldan bago siya nakulong. Siguro naman ay may nakitang merits ang MMFF screening committee para isali ang Terrorist Hunter sa Magic 7.
Iisa ang Christmas wish ng Final 14 ng StarStruck ang maging ultimate survivor. Ang sabi ng marami ay the best at may star potential ang mga winners ng unang StarStruck. May mga hindi kumbinsido sa resulta ng second StarStruck. Di umano ay walang star value. Pero itong batch 3 ay mukhang matindi ang magiging labanan. May mga K na maging artista ika nga.
The Final 14 are: Vanessa del Moral, Jan Roxas, Sara Larsson, Jackie Rice, Rea Nakpil, Iwa Moto, Arci Muñoz, Vivo Quano, Johan Santos, Bugz Daigo, Gian Carlos, Chuck Allie, Jeric Rizalado at Marky Cielo.
More of a thank you gathering ang ibinibigay ni Richard Gutirrez sa select members of the press. Nakatulong ito at nai-promote ng husto ang Mulawin the Movie. Feeling namin ay bugbog ito sa TV promo pero hindi sa print.
Richard remains as one of the nicest guys in showbiz at nanatiling nakayapak sa lupa. REMY UMEREZ
Ang kinatatakutang pelikula ni Erik Matti ay ang Enteng Kabisote.
"May track record sa takilya si Vic. Ang huling pelikula niya na Ispiritista ay waging-wagi. With or without special effects ay tinatangkilik ang kanyang mga pelikula," ang wika ni Erik na siyang direktor ng Exodus: Tales From the Enchanted Kingdom.
This doesnt mean na walang kalaban-laban ang special effects na ginastusan ng husto at hindi na pahuhuli sa special effects na yaring Hollywood.
Pinapurihan ni Erik ng husto si Sen. Bong Revilla Jr. dahil sa hindi nito pag-angal kahit na nag-over budget sila. "When itcomes to special effects ay malayo na ang ating narating kaya lang ay huwag nilang ihahambing ang mga ito sa pelikulang tulad ng Lord Of The Rings or Harry Potter.
Sa obserbasyon ni Erik, malamang na maging dark horse ang Shake Rattle & Roll.
The Final 14 are: Vanessa del Moral, Jan Roxas, Sara Larsson, Jackie Rice, Rea Nakpil, Iwa Moto, Arci Muñoz, Vivo Quano, Johan Santos, Bugz Daigo, Gian Carlos, Chuck Allie, Jeric Rizalado at Marky Cielo.
Richard remains as one of the nicest guys in showbiz at nanatiling nakayapak sa lupa. REMY UMEREZ
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended