^

PSN Showbiz

Angelica Jones, napagod na kay Bobby Yan!

-
Kung may nakatatandang kapatid na lalaki ang sexy comedienne na si Angelica Jones ay magdadayalog siya ng Lagot Ka, Isusumbong Kita sa Kuya Ko na siya ring titulo ng pelikula nila ni Ronnie Ricketts na ka-join ngayong Metro Manila Film Festival 2005.

At ang isusumbong ni Angelica ay ang naging boyfriend niyang konsehal ng San Juan, si Bobby Yan.

"Sobra-sobra na ang pag-iintindi ko sa kanya, magpaka-lalaki naman siya, kapag may alitan kami, parati niyang sinasabi na huwag akong magkukuwento sa press, kasi ayaw niyang masira ang image niya, e, ngayon, pagod na ako sa kakaintindi sa kanya.

"Ayaw ko nang paasahin ang tao na kami pa rin, wala na kami ni Bobby. Ayokong isipin na natapat pa sa pelikula namin kaya ako nagsalita, matagal ko na itong kinikimkim, hoping na baka magbago siya, pero wala na akong nakikitang pagbabago dahil mas inuuna niya ang ibang tao.

"Birthday ng Mommy ko, hindi man lang niya dinalaw, samantalang kung alam lang niya kung paano siya ipagtanggol ng nanay ko sa lahat dahil nga may mga nakikitang hindi maganda sa kanya.

"Nung nagkasakit siya at dinalaw ko siya sa hospital, totoong pinaghintay ako ng limang oras, hindi ako kumibo kasi naroon ‘yung ina ng anak niya. Ang sama ng loob ko noon, pero wala siyang narinig sa akin, kasi ayokong masira siya sa tao. Puno na ako," nakangiti pero seryosong pahayag ng host ng It’s Chowtime Na! sa presscon ng pelikula nina Ronnie Ricketts under Rockets Production.

Parang bulkang sumabog si Angelica nung ibulgar niya ang lahat-lahat sa kanila ni Bobby kaya’t halos lahat ng mga nakarinig ng interview niya ay gulat na gulat dahil nga ibang-iba ito sa mga naunang pahayag noon ng dalaga tungkol sa ex-boyfriend niya.

In fairness, walang masamang sinabi ang dalaga sa pamilya ni Bobby dahil mababait daw ito, pero si Bobby ay tila iba ang takbo ng utak, dahil may mga okasyong importante sa buhay nila ni Angelica na hindi niya iniintindi dahil mas inuuna ang mga kaibigan.

At dahil nag-reformat ang programang It’s Chowtime Na! ay hindi nakasama si Bobby sa line-up ng bagong hosts at si Onemig Bondoc nga ang ipinalit dahil at that time ay nagkasakit si Bobby at nagbakasyon pa sa Canada.

Pero nakiusap si Mommy Beth Jones sa producer ng programa na si Mrs. Ching na isama uli si Bob kaya’t by January 2006 ay ka-join na uli ang binatang ama, ang kaso, nagka-problema na sila ni Angelica.

Maraming ikinuwento pa sa amin ang mag-inang Jones, bagay na ikinagulat namin dahil hindi namin ini-expect na may ganun ugali ang kuya ng namayapang aktor na si Rico Yan dahil naging close kami sa pamilya noon.

Anyway, bukas ang pahinang ito para kay Bobby para naman maipagtanggol niya ang kanyang sarili.
* * *
Totoo nga yatang "banned" ang mga pelikulang Mulawin, The Movie at Exodus: Tales from the Enchanted Kingdom sa programang kinabibilangan ni Vic Sotto, ang Eat Bulaga.

Sa mismong bibig na ni Senator Bong Revilla, Jr nanggaling na hindi sila pupuwedeng mag-promote ng pelikulang Exodus sa nabanggit na noontime show dahil, "Ayaw nila kasi pareho raw fantasy films. Dapat, friendly competition, di ba?" ito ang nasambit niya nung simplehan namin siyang tanungin sa presscon ng Exodus last Tuesday night.

Nabanggit din namang inire-respeto ng magiting na Senador ang desisyon ng katunggali niyang si Vic dahil nga programa nila ito, okey lang daw tutal naman ay malaya siyang nakakapag-promote sa ibang programa ng GMA 7 at nakasabayan pa nga niya minsan ang Mulawin, The Movie.

Samantala, napangiti lang si Bong nung hingan namin siya ng pahayag tungkol sa sinabi ni Rep. Imee Marcos ng Ilocos Norte na Metro Manila Film Festival is Mother Lily Film Festival dahil nga 5 out of 10 entries ay kasosyo at produced ng Regal Films.

"Kaibigan ko si Imee at naiintidihan ko ang punto niya, same thing with Mother Lily. 

"May katwiran si Rep. Imee kasi gusto niyang mabigyan ng chance ang mga independent producer, e, ang katwiran ko dyan, dapat ‘tong mga producer na ito, mag-submit ng magagandang istorya para mapili sila, ayusin nila ‘yung mga isinusumite nila sa MMFF. E, in fairness naman to Mother, siya lang naman din ‘yung may magagandang story na isinusumite sa MMFF kaya siya napipili.

"At saka aminin natin, si Mother Lily lang ang may lakas ng loob na mag-produce ng maraming pelikula inspite of crisis at dapat magpasalamat na tayo kasi marami siyang taong natutulungan.

"Si Rep. Imee, may right siyang magsalita no’n dahil kasama siya sa Public Information in Mass Media sa Kongreso at ako naman sa Senado, so iginagalang ko ang mga sinabi niya. – REGGEE BONOAN

BOBBY

CHOWTIME NA

DAHIL

IMEE

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MOTHER LILY

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with