^

PSN Showbiz

May alitan ba ang GMA at M-ZET Films?

-
Kaya namin ito naitanong ay dahil napanood naming nag-promote sa Eat Bulaga last Saturday ang cast ng pelikulang Kutob na pawang mga taga-ABS-CBN, same thing with Kristine Hermosa bilang leading lady ni Vic Sotto sa Enteng Kabisote II: The Legend Continues.

Inisip na lang naming kinulang na sa oras kaya hindi na nabigyan ng sapat na oras ang Mulawin, The Movie na pawang taga-Siete ang bida na baka sa ibang araw na lang magpo-promote sina Richard Gutierrez at Angel Locsin.

Pero nagulat kami dahil naibulong sa amin ng taga-GMA Films na galit na galit daw si Atty. Felipe L. Gozon, President at CEO ng GMA sa Eat Bulaga.

"Nalaman ni FLG (tawag kay Atty. Gozon) na bawal mag-promote ang Mulawin sa Eat Bulaga kasi ito raw ang mahigpit na kalaban ng Enteng.

"At saka may gap yata ang GMA Films at si Vic kasi pinakiusapan yata na huwag munang sumali ngayong taon sa MMFF kasi nga may Mulawin, tutal katatapos lang naman ng Ispiritista: Itay May Moomoo, e, hindi yata pumayag si Vic kasi talaga namang naka-sked na ang Enteng Part 2."

Kaagad naming tinext ang over-all chairman ng Eat Bulaga na si Ms. Malou Choa-Fagar tungkol sa isyu, pero magalang niya kaming sinagot ng, "I don’t know, sorry."

At napansin din namin na tila hindi rin napo-promote ang pelikula ni Vic sa ibang programa ng Siete na hindi blocktimer, so, may gulo nga?

Anyway, kung mayroon man, sana maayos ito dahil pag lumalim ang nasabing ‘gap’, e, tiyak na malaking kawalan ito sa GMA 7 dahil aminin man nila o hindi, malaking tulong sa kanila ang Eat Bulaga at malalaki ang artistang hawak ng TAPE, Inc.

At nakatitiyak kami na marami ring programa ng GMA 7 ang maapektuhan kapag nagdeklara ang TAPE at M-Zet na hindi sila magi-guest sa alinmang programa ng Siete.

Haay, say nga dati ni Amy Perez, mag esep-esep muna bago gumawa ng desisyong pagsisihan sa bandang huli.
* * *
Gaano katotoo na shelved na ang teleseryeng pagsasamahan nina Mark Herras at Jennylyn Mercado na nakatakdang kunan sana sa New York sa Enero 2006?

Ito ang narinig naming pinagtsi-tsikahan ng ilang staff ng GMA 7 sa isang event kamakailan at urung-sulong nga raw ang management kung tuloy o hindi ang project ng ex-lovers kasi nga nagpaparunggitan sila sa interviews, bagay na hindi makakatulong sa teleserye nila.

Kaya’t bumubuo pa raw ng concept ang ilang business heads ng Siete para sa programang ipapalit sa Sugo na balitang in-extend daw ito ‘til February, ‘yan ay kung hindi mababago ang plano, huh.

Samantala, gaano rin katotoo na dismayado rin daw ang management ng GMA sa ratings ng Etheria dahil hindi raw nito napantayan ang Encantadia?

Buti pa raw ang StarStruck 3, maganda ang ipinakikitang resulta sa rating games. — Reggee Bonoan

AMY PEREZ

ANGEL LOCSIN

EAT BULAGA

ENTENG KABISOTE

ENTENG PART

FELIPE L

MULAWIN

SIETE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with