Pangarap mainterbyu si Bin Laden
December 19, 2005 | 12:00am
Marami na ring matataas na pinuno ng bansa ang nainterbyu ni Korina Sanchez. Kamakailan lang ay nagkaroon siya ng exclusive interview kay President Gloria Macapagal Arroyo at naging prangka ang kanyang ilang tanong na "Boses nyo ba ang nasa Garci tape?"
Pangarap niya ngayong mainterbyu si Bin Laden.
Sa pagiging broadcaster ng DZMM ay nakatambal niya sa radyo si Neil Ocampo pero para sa kanya ay di sila nag-klik dahil marami itong kinakausap kaya halos hindi na makasingit. Isa pang factor ay ang age gap.
Komportable si Korina kapag ang kasama ay si Ted Failon. Maganda ang kanilang teamwork sa radyo.
Sa kabilang banda, stable ang kanilang relasyon ni Sen. Mar Roxas at di ito nagbabago kahit dalawang taon na ang itinatakbo ng kanilang pagmamahalan.
First time na makasama ni Alma Soriano si Eddie Garcia sa pelikulang Terrorist Hunter ng Double Impact.
At sabi nito "Fantastic! Maalaga siya sa set," aniya.
Sumabak sa aksyon ang sexy star kung saan nakipagbarilan sa pelikulang ito na entry sa MMFF. Para sa kanya, ito ang pinakamahirap na pelikula na nagawa niya at apat na buwan siyang nag-undergo ng taekwondo.
Sa kabilang banda, pinuri rin ni Eddie ang sexy star at sinabing professional ito at masarap katrabaho. Kailanman ay di ito nagbigay ng sakit ng ulo sa prodyuser.
Idinagdag naman ni Direk Val Iglesia na kaiba ito sa action movies na ginawa niya dahil hindi sila gumamit ng computer graphics, kundi live ang sabugan ng mga bomba. Pinaka-highlight nito ay kung paano mabubuwag ang mga terorista sa pangunguna ni Dennis Roldan.
Palabas ito sa Disyembre 25 at ipinaliwanag ni Eddie na hindi ito re-issue at maganda ang kinalabasan ng pelikula kaya napili sa MMFF 05 Magic Seven.
Si Rommel Luna ay minsang nangarap na maging magaling at kilalang mang-aawit. Ngayon, matapos ang maraming taon ay ipinakilala na siya bilang singer. Dito rin ay iparirinig ni Rommel ang ilang kanta sa kanyang debut album "Rommel".
Hindi iba si Rommel sa showbiz. Ipinakilala siya bilang actor sa pelikulang Virgin People ni Celso Ad Castillo. Napanood sa Lagarista at maging sa telenobelang Sana Ay Ikaw Na Nga. Ngunit ang pag-awit ang sadyang nais niya, kung kayat siya ay nag-aral sa Center For Pop Music Philippines sa mga masusing mata ni Butch Albarracin. Dito ay natutunan ni Rommel ang istilo ng pag-awit na nararapat sa kanyang boses. At ngayon na nga ang panahon upang tuparin ni Rommel ang kanyang pangarap na maging isang ganap na mang-aawit.
Lingid sa kaalaman ng marami, si Rommel ay nagmula sa isang mahirap na pamilya sa Marinduque. Siya ay nagsikap na makapag-aral. Ginawang umaga ang gabi upang maiahon ang mga magulang at pamilya sa kahirapan.
Nagkaroon ng isang negosyo, ang RML Express International Courier na naging susi niya upang iahon ang pamilya sa kahirapan.
Ang mga awit sa album ni Rommel ay isang pagsasalarawan ng kanyang buhay.
Si Rommel ay mapapanood sa isang ispesyal na konsyerto sa Marinduque ngayong ika-23 ng Disyembre. Siya rin ay magkakaroon ng mga maliliit na pagtatanghal sa mga bars, restaurants at café.
Kaya pala ayaw nang pauwiin ng magulang niya sa Amerika ang magandang singer ay dahil wala na itong inaatupag doon kundi ang mag-shopping araw-araw.
Sey ng mommy nito; "Mas mabuti pa na nasa Pilipinas siya kaysa nandito kasi ang laki-laki ng gastos namin pag nandito siya." Kaya kahit nami-miss ng mommy ang anak na singer ay okey lang dahil nagbiro ito sa pagsasabing baka mamulubi sila pag-umuwi ng Tate ang anak na singer ngayon sa Pinas.
Pangarap niya ngayong mainterbyu si Bin Laden.
Sa pagiging broadcaster ng DZMM ay nakatambal niya sa radyo si Neil Ocampo pero para sa kanya ay di sila nag-klik dahil marami itong kinakausap kaya halos hindi na makasingit. Isa pang factor ay ang age gap.
Komportable si Korina kapag ang kasama ay si Ted Failon. Maganda ang kanilang teamwork sa radyo.
Sa kabilang banda, stable ang kanilang relasyon ni Sen. Mar Roxas at di ito nagbabago kahit dalawang taon na ang itinatakbo ng kanilang pagmamahalan.
At sabi nito "Fantastic! Maalaga siya sa set," aniya.
Sumabak sa aksyon ang sexy star kung saan nakipagbarilan sa pelikulang ito na entry sa MMFF. Para sa kanya, ito ang pinakamahirap na pelikula na nagawa niya at apat na buwan siyang nag-undergo ng taekwondo.
Sa kabilang banda, pinuri rin ni Eddie ang sexy star at sinabing professional ito at masarap katrabaho. Kailanman ay di ito nagbigay ng sakit ng ulo sa prodyuser.
Idinagdag naman ni Direk Val Iglesia na kaiba ito sa action movies na ginawa niya dahil hindi sila gumamit ng computer graphics, kundi live ang sabugan ng mga bomba. Pinaka-highlight nito ay kung paano mabubuwag ang mga terorista sa pangunguna ni Dennis Roldan.
Palabas ito sa Disyembre 25 at ipinaliwanag ni Eddie na hindi ito re-issue at maganda ang kinalabasan ng pelikula kaya napili sa MMFF 05 Magic Seven.
Hindi iba si Rommel sa showbiz. Ipinakilala siya bilang actor sa pelikulang Virgin People ni Celso Ad Castillo. Napanood sa Lagarista at maging sa telenobelang Sana Ay Ikaw Na Nga. Ngunit ang pag-awit ang sadyang nais niya, kung kayat siya ay nag-aral sa Center For Pop Music Philippines sa mga masusing mata ni Butch Albarracin. Dito ay natutunan ni Rommel ang istilo ng pag-awit na nararapat sa kanyang boses. At ngayon na nga ang panahon upang tuparin ni Rommel ang kanyang pangarap na maging isang ganap na mang-aawit.
Lingid sa kaalaman ng marami, si Rommel ay nagmula sa isang mahirap na pamilya sa Marinduque. Siya ay nagsikap na makapag-aral. Ginawang umaga ang gabi upang maiahon ang mga magulang at pamilya sa kahirapan.
Nagkaroon ng isang negosyo, ang RML Express International Courier na naging susi niya upang iahon ang pamilya sa kahirapan.
Ang mga awit sa album ni Rommel ay isang pagsasalarawan ng kanyang buhay.
Si Rommel ay mapapanood sa isang ispesyal na konsyerto sa Marinduque ngayong ika-23 ng Disyembre. Siya rin ay magkakaroon ng mga maliliit na pagtatanghal sa mga bars, restaurants at café.
Sey ng mommy nito; "Mas mabuti pa na nasa Pilipinas siya kaysa nandito kasi ang laki-laki ng gastos namin pag nandito siya." Kaya kahit nami-miss ng mommy ang anak na singer ay okey lang dahil nagbiro ito sa pagsasabing baka mamulubi sila pag-umuwi ng Tate ang anak na singer ngayon sa Pinas.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended