^

PSN Showbiz

Sharon Cuneta, inip na sa bagong programa sa ABS-CBN

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Naiinip na raw si Sharon Cuneta kung kailan sisimulan ang bagong TV show sa ABS-CBN. Nagtatanong ang megastar kung kailan eere ang wala pang title na show dahil laging namo-move ang pilot date.

Excited si Sharon na bumalik sa telebisyon at matagal na nga naman siyang napahinga. Sa last interview namin sa kanya, sa launching ng album niyang "Sharon Sings Alcasid," nabanggit nitong magugustuhan ng viewers ang concept ng show na mas maganda sa concept ng Sharon

Pero, kailan nga ba muling mapapanood ng regular sa TV ang megastar? I’m sure, marami itong kuwento na magugustuhan ng viewers.
* * *
Pilyo rin pala si Dennis Trillo. Sa presscon ng Blue Moon, tinanong siya ng press tungkol sa kanyang lovelife? "Zero," ang sagot nito at ‘di na nag-elaborate.

Nang tanungin sa kanyang sex life, akala namin, zero rin ang isasagot dahil busy nga siya ‘no at laging kulang sa tulog. Spaced out nga ito sa presscon dahil inaantok at idinadaan sa ngiti at tawa ang antok.

Kaya nagulat kami sa sagot nitong "Hindi porke’t wala kang lovelife ay wala ka na ring sex life," saka, sinundan ng malutong na tawa. Foul na kung pati sex partner niya’y inalam pa namin kaya, nakitawa na lang kami.

Sa rami ng magagandang babaing nakakasama ni Dennis sa TV at movies, hindi kami naniniwalang wala siyang type. Nadulas nga ito minsan at may binanggit na name ng young actress na gusto niya pero, nakiusap na ‘wag na naming isulat.

Mababawasan kahit papaano ang work load ni Dennis dahil tapos na ang taping nila ng Now & Forever (Agos) at Etheria na lang ang regular show niya. Bale, ang promo ng Mulawin the Movie at Blue Moon na lang ang aasikasuhin niya.

Sa float ng Blue Moon sasakay si Dennis sa parade sa December 24 kaya doon n’yo siya hanapin. Marami raw ang sasakay sa float ng Mulawin the Movie at hindi na mapapansin kung wala siya.
* * *
Marami ang interesadong masali sa celebrity edition ng Pinoy Big Brother at patunay nito ang pagdagsa nila sa audition. More than 100 ang dumating but, after ma-interview ang 90 celebrities, isinara na ang audition. Sa January next year na malalaman kung sino ang pumasa sa interview at first week ng February naman magsisimula ang airing ng celebrity edition.

Masaya ito ‘pag nakasama si Rosanna Roces and in fact, ngayon pa lang, inaabangan na siya. Sigurado raw na kung anu-anong ka-ek-ekan ang gagawin nito.

Ilan sa mga nag-audition ay sina Ana Capri, Jeffrey Hidalgo, Juaquin, Maricar Fernandez, Von Arroyo, Ate Gay, Vice Ganda, Joanne Quintas, Kris Martinez, pati ang movie columnist na si Archie de Calma, Wilma Doesn’t, Darling Laviña, Allan Paule, Frank Garcia at Roxie Barcelo.
* * *
Isa si Kirby de Jesus sa mga young star na nagpupursige para ma-iangat ang pamilya sa kahirapan. May hinuhulugan itong lote sa Bulacan and at the same time, nag-iipon para makabili kahit second hand car.

Hanggang ngayon, nagta-taxi pa rin ito sa pagri-report sa taping ng Ganda ng Lola Mo at ibang TV guestings. Ayaw nitong mag-car loan sa bangko’t mas maganda nga naman kung cash babayaran ang sasakyan kahit second hand.

Nanghinayang nga si Kirby na hindi siya natuloy sa Mourning Girls. Pandagdag nga naman sa ipon niyang pambili ng car ang tatanggapin sanang talent fee. Napili siya ni director Gil Portes sa role ng anak ng isa sa mga bida pero, nag-backout si Kirby dahil tumama sa taping ng show niya sa QTV ang shooting. Kay Ken Punzalan napunta ang role na para sa kanya.

vuukle comment

ALLAN PAULE

ANA CAPRI

BLUE MOON

DARLING LAVI

DENNIS TRILLO

FRANK GARCIA

GIL PORTES

MULAWIN THE MOVIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with