^

PSN Showbiz

Labanan ng ‘Mourning Girls’ at ‘Ako Legal Wife’

- Veronica R. Samio -
Kung sa Ako Legal Wife ng Regal Entertainment ay pinag-aagawan si Jay Manalo ng tatlong asawa (Zsazsa Padilla, Cherry Pie Picache at Rufa Mae Quinto), ganito rin humigit kumulang ang problema ni Ricky Davao sa entry ng Teamwork/Zennet World sa MMFF na pinamagatang Mourning Girls. Sina Glydel Mercado, Chinchin Gutierrez, Juliana Palermo at Assunta de Rossi, ang mga nagki-claim na sila ang may karapatan sa kanya, nang mamatay siya.

Si Glydel ang legal wife at may anak silang isa, na ginagampanan ni Cogie Domingo.

Si Chinchin si Carmen, ang first love ng namatay, isang promdi, isang renewed Christian na palaging nakatingin sa positive side of life.

Si Assunta si Dana, isang ex bold star na ginagamit ang lahat ng oportunidad para makakuha ng publisidad, pati ang lamay sa kanyang "asawa".

Magandang katulong naman si Fe (Juliana) na may relasyon sa kanyang amo. Nakikipag-do siya rito nang mamatay ito.

Direksyon ni Gil Portes ang Mourning Girls na punung-puno ng katatawanan, mula sa script nina Senedy Que, Adolf Alix at Portes.
* * *
Ang bilis naman! Palabas agad sa January 9, 2006 ang reunion movie nina Piolo Pascual at Judy Ann Santos sa Star Cinema na pinamagatang Don’t Give Up On Us, sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal.

Isang love story ang movie na maraming kilig factors na kayang ipakita ng magka-loveteam sa kabila ng pangyayari, wala silang romansa at si Juday ay mayro’n nang Ryan Agoncillo.

Si Juday si Abby, isang domineering at cranky woman, si Piolo naman si Vince, isang long-haired hunk na nangangarap maging singer. Nagkita ang dalawang perfect strangers habang nagso-soul searching sa Baguio at Sagada. Syempre, hindi agad sila nagkita ng eye to eye pero, habang nakikilala nila ang isa’t isa nagawang ma-bridge ang kanilang gap.

Sama sa movie sina Hilda Koronel, Tommy Abuel, Rio Locsin, Marjorie Barretto, Marco Alcaraz, Cheska Diaz at JC Cuadrado.
* * *
Bawi na ang pagod ng tinatawag na highest paid young actor sa local movies na si Richard Gutierrez na tampok sa Mulawin the Movie ng GMA Films at isa sa mga entry sa Metro Manila Film Festival Philippines ’05.

Nagsimula sila bilang loveteam ni Angel Locsin pero, iniwan na raw niya ng milya-milya ang kapareha pagdating sa talent fee (TF). Yes, ayon sa mga sources di po magkapareho ang TF nilang dalawa, higit na mataas ang kay Richard, salamat daw sa kanyang hard-working mother at manager na si Annabelle Rama na magaling magpatakbo ng kanyang career.

Inamin ni Richard na pressured siya sa Mulawin, the Movie dahil marami itong kasabay sa filmfest na may kaparehong tema, fantasy pero, advantage ng pelikula nila ay ang loveteam nila ni Angel na sa pagdaraan ng panahon ay hindi kumupas ang chemistry.

"Mas maganda ang paglipad namin dito sa movie at mas maaksyon. We even imported a fight choreographer from Hongkong at talagang kahanga-hanga ang mga aerial fights na ginamit ng mga modern techniques," pagmamalaki ni Richard.

Di raw maliligaw ang mga manonood na di napanood ang serye sa TV. "Dinagdagan ang love angle. Pinanonood namin ang mga past tapes ng series para malaman namin kung saan magdadagdag at magi-improve ng scene," dagdag pa ni Richard.

ADOLF ALIX

AKO LEGAL WIFE

ANGEL LOCSIN

ANNABELLE RAMA

CHERRY PIE PICACHE

CHESKA DIAZ

CHINCHIN GUTIERREZ

COGIE DOMINGO

MOURNING GIRLS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with